Kristof's POV"Sir andito na po si maam Andie."
anang sekretarya ko sa may pinto ng office ko.
Tumango lang ako sabay ligpit ng makalat na gamit sa desk ko.
Si Andie Mortez, ang bestfriend ko, ang tanging taong dumamay sakin sa kalungkutan ko.
Napailing ako ng di oras dahil naalala ko na naman yung ginawa ko.
Nakakatawa.
Akalain niyong pati siya t-in-alo ko sa kadisperado ko sa pag-ibig?
Napangiti ako.
Grabe lang pati siya sa kasamaang palad may mahal na palang iba. At fortunately, kasal na sila ni Greg ngayon.Yun yung boyfriend niyang sinuntok ko pa kasi pati yung akala kong magmamahal sakin inagaw niya pa.Haha.
"HOY!"
"Ay tipaklong."
"Hahaha.Wala ka paring pinagbago.Ano na namang iniisip mo't tumatawa ka diyang mag-isa ha?"
"Tsk.Wala."
"Maniwala ako sa yo."
"Di iniisip ko lang yung magiging pangalan ng anak nyo."
Buntis na kasi siya, 7 months ang lapit na.
"Tsk.Mag asawa ka na kasi."
Umiling at ngumiti nalang ako sa sinabi niya.Kung meron sanang babaeng magmamahal sa akin bakit hindi?
Sa kasamaang palad na naman, mukhang hindi nga talaga ako swerte sa pag -ibig.Kasi kung iisipin, ang swerte ko sa career ko.I graduated with honors sa university na pinasukan namin, nakapagpatayo na ako ng sarili kong kompanya and it's paving it's way to stardom.
Ika nga ni Kris Aquino, kung malas ka sa pag-ibig tyak swrerte ka sa career.
And i think, yan ako.
"Oh ano na?"
Basag ni andie sakin.
"Ha?"
"Sabi ko meron naba?"
"Anong meron naba?"
"Hay naku. Hindi kasi nakikinig.Ang sabi ko meron ka nabang napupusuan baka tumanda kang lalaki niyan."
Panunukso niya pero mukhang dun na nga ako papunta.Ang tumandang lalaki.
"Wala pa nga e.Pero alam mo andie, iniisip ko lang, baka hindi talaga ako meant para sa mga babae.... baka....sa mga l---"
"Lalaki? Yuck Kristofer Lagdameo maghunusdili ka nasusuka ako."
pagtuloy niya sa sasabihin ko.
"Syempre buntis ka sis ano."
sabi ko pa ng pambakla ang boses para mas makatotohanan.
"Eeeeewwww.Sige subukan mo ako mismo papatay sa inyo.Yuck bro."
"Ito naman o, patay agad di pwedeng torture muna?"
pang aasar ko pa.
Pero nagpipigil na ako ng tawa kasi hindi na maipinta ang mukha niya.
"Seryoso ka?"
Blangkong sambit niya.
"Hahahahaha.Grabe.Haha.Aray, aray andie."
kinurot kasi ako sabay tapik.Buntis talaga.
"Ikaw talaga.Baliw!"
"Pero seriously andie,kahit siguro ipagpilitan kong maging bakla, sa babae parin ako maiinlove.Kaya lang sila yung ayaw e.At yun ang di ko mababago."
I can see those pity in her eyes, magsasalita pa sana siya pero inunahan ko na.
"So tara na?"
Aya ko sa kanya.Sumunod din naman siya sa alok ko after seconds of staring at me.
"Sige."
Alam kung malungkot at naaawa siya sakin, pero mas nasasaktan kasi ako e kaya iniiwasan kona pag usapan.
Noon naniniwala ako kay kupido, pero ngayon? I doubt it.Kung talagang pinapana niya ang mga taong magkakagusto sa isat isa at siyang magkakatuluyan anong ginagawa niya sakin?
Sa bawat pana niya hindi naman saya ang nararandaman ko, kundi sakit.