"You're a great guy, hindi ka mahirap mahalin....kaya lang.... m---"
"May mahal ka nang iba."
Hindi paman natapos ng babae ang sasabihin e inunahan na niya ito.
"Im so---"
"No,don't be.Don't say sorry, naiintindihan ko."
Sabay yuko at lakad niya palayo sa babaeng minahal niya ng ilang taon ngunit nauwi rin sa wala ang pag amin niya ng nararamdaman para dito.
Katulad parin ng dati.
Ang malas ko talaga.Hindi niya maiwasang maiyak sa nangyayari sa kanya.Hanggang kailan ba siya masasaktan?
Hanggang kailan ba siya magmamahal ng taong may mahal ng iba?
Sa ikatlong pagkakataon akala niya iba na pero hanggang sa huli katulad parin ng dati.
Malas nga lang ba talaga siya o sadyang walang magmamahal sa kanya?
+++++
"Okay ka lang?"
tanong ng nagiisang kabarkada niya sa kanya.
Hindi man lang niya magawang pag tuonan ito ng pansin dahil nakadikit ang mata niya sa babaeng minamahal niya pero hindi siya kayang suklian.
"Hindi."
Malamig na sambit niya.Hindi niya maiwasang mas masaktan sa nakikita.
Nakakainis!
Bakit nga ba tinatapon lang ng iba ang siyang pinapangarap niya?
Kanina niya pa tinatanaw ang minamahal niyang namamalimos ng pagmamahal at oras sa swerteng lalaking minahal nito, ngunit di man lang napapansin.
Bwesit!
Agad siyang tumayo at naglakad palayo sa canteen.Mas lalo lang siyang nasasaktan sa nakikita.
Bakit nga ba ganun?
Wala siyang ibang ginawa kundi ibigay ang puso niya at magmahal ng seryoso pero sa huli wala namang tatanggap at sasalo sa kanya.Sa huli sa sakit parin ang bagsak niya.
Kailan ba siya sasaya?
BINABASA MO ANG
Napagiiwanan
Narrativa generaleMay pag-asa pa kaya siyang napag iiwanan sa pag ibig?