THIRD PERSON POV:
Sa di kalayuan ng dalawa may isang anghel at isang Grim Reaper nakasubay-subay sa lamang sa kanila.
"Michael mukhang nagkakagusto na si Aprhodite Santillan dyan sa kael na yan ah"sabi ni Calixtus isang Grim Reaper
"Sa dalawang pusong nasasabik sa pagmamahal mga landas ay magtatagpo at handang hamakin ang lahat upang sa huli pagibigan nila'y makamtan"iiling na sabi ni Michael the angel of time kaya napakunot ang noon ni Calixtus.
"Michael alam mong bawal diba wala man lang ba tayong gagawin di nman sa nagalala ako sa Aphrodite na yan pero 5 taon ko na syang hawak kasawa na eh"iritang sabi ang Calixtus habang tinitignan ang mahiwagang libro nito kung saan nakasulat ang taong kanyang susunduin sa araw-araw.
"Tss Calixtus ang tunay na pagibig ay parang isang tubig kahit anong pigil mo kahit gaanong karaming harang man ang humarang kung maganda ang agos nito sigurado makakadaan parin ito sa harang."seryosong saad ni Michael nagkibit balikat nala mang si Calixtus
"Ipagdarasal ko na lamang na sanay malaman na ng APHRODITE SANTILLAN na yan ang totoong kwento nya"sabi ni Calixtus sabay alis upang magsundo ng panibagong kaluluwa.
Naiwan si Michael na nakatingin sa pigura ni Aphrodite ang babaeng multo habang nagiisip ito.
Mahirap man alamin ang katotohan ngunit yun ang dapat..
Mahirap man tanggapin ngunit dapat..
Sa oras ba na nalaman mo ang tunay mong kwento pagsisihan mo kaya ito Aphrodite Santillan?..
____________________________
Momo's POV:
Hayyy di ko na muna guguluhin pa si Kael hahayaan ko muna syang mapagisa kaya naman dumaretcho na ako sa garden ng makapagisip.
Ano kaya ang tunay na ng yari sakin?
Sino ako?
Anong klaseng tao ako ng ako'y nabubuhay pa?
May pamilya kaya ako?
Ilan sa mga tanong na syang di ko namang di mabigyang sagot.
"Wag mong pakaisipin malalaman mo din ang mga sagot sa tanong mo"biglang sabi ni Angel Michael sa tabi na seryosong nakatingin sa kalangitan hindi na ako nagulat para kasi syang kabute eh
"Michael di ko pa rin maiwasang di magisip gusto ko ng malamn ang totoong nagyari sakin"nakatingala sa langit na sabi ko sakanya
BINABASA MO ANG
I Married My Mafia Ghost
Humor"Oww maglalaslas ka kuya pogi?" "OO" "Asige kuya pogi go kalang ipagchicheer pa kita pero walang sisihan pag sa impeyerno ka napunta ha" "Eh ano bang paki-"pero bigla akong napatigil sa pagsalita dahil naalala ko na wala pala akong kasama dito sa ba...