I admit mejo parang ayaw ko gawin pero need eh! candidate kasi ako sa pagka Honor kaya magpapakabusy na lang ako. Malapit na din ang Christmas 4 days na lang. Nakaisip na din ako ng ireregalo ko kay Kate.
Binuksan ko yung locker ko...........biglang may nahulog na maliit na papel mejo gusot na siguro dahil sa pagkasiksik.
Nakalagay sa papel?
"Sana malaman ko na pangalan mo.... Maybe I will see you in the flag pole..."
Sino naman kaya ang maglalagay nito? Trip lang siguro ako kaya di ko na pinansin pero still tinago ko pa din.
"Umaasa kahit na .... wala naaaa ....." (Si kate kumakanta)
ARAY! ARAY naman! kanta ka ng kanta jan ng ganyan!
Hayy nako chiee! Kanta lang naman makapagpapaiyak sayo!
So kailangan talaga iiyak ako?
Nababaliw ka na kasi eh!
Teka kate! Narerecognize mo ba kung sino nagsulat nito? Or baka familiar sayo?
mmm....Hindi eh! never pa ako nakakita ng ganyang handwritten... babae ba nagsulat nyan? ang ganda ng sulat eh?
ENGOT KA DIN EH! sa tingin mo babae magsusulat ng ganto? Isip isip din pag may time!
mmmm... malay mo TOMBOY??
Hanggang pag-uwi ng bahay dala-dala ko pa din sa isip ko kung sino ang nagsulat nun and sa flag pole daw niya ako makikita? uhm.... siguro dahil lagi akong napapadaan don lagi ko kasing tinitignan yung bulaklak ng rosal sa tabi ng flag pole every lunch break kasi mag isa lang siya na bulaklak tapos the rest puro na gulay XD pero wala naman akong napansin kanina.
BLAAAAAGGGGGGGGGGG!!!!!!!!!!!!!
Ano yun? tanong ko sa sarili ko ...
Bumigay na pala yung 2nd deck ng bookshelf ko kaya lahat ng libro ko nalaglag. pinulot ko isa isa ang mga libro ng.........
"My Diary" (hobby ko kasi nung elementary na magsulat sa diary lalo na pag maganda yung design ng notebook.)
Nandito pa pala ito? (sabi ko sa sarili ko)
1st page.........My Intro.......nakalagay pa dun........
"This is my diary. Beware of your hands. Ako lang dapat ang makakabasa nito..."
Ngayon ko lang napagtanto na ang OA ko nga talaga. Intro pa lang nakakatamad ng basahin. hehe!
2nd page of my diary....
6 Things Why I love Him.........
1. Lagi niyang binabasa yung favorite book ko. (The Last Song ni Nicholas Sparks)
2. because of his teeth. (TEETH??? nawindang ako dun ahh... mejo natawa ako, may pagka adik lang pala ako dati noh?)
3. because nagkasabay kai na pindutin yung button sa elevator ng SM Megamall. (SO??? OA ko talaga!!!)
4. Matalino siya...
5. ang cute niya...
6. tahimik siya..
So ganito talaga ako ka obsess dati sa kanya.... (hehe parang until now hindi ahhh....)
anyways ayoko ng basahin yung ibang page baka lait-laitin ko lang sarili ko.... tinago ko na lang ulit yung diary sa tabi ng study table ko.
Good Morning Sunshine!
LOL! sunshine talaga??
Oh! kamusta naman ang tulog mo sunshine??
ayun still iniisip ko yung diary.... ay este yung message nung unkown guy...
DIARY????? MAY DIARY KA??? OA MO NAMAN??? pabasa!
Wala! hayy nako nagkamali lang ako ng pagkakasabi! OA LANG??
HAY NAKO ICHAN! KILALANG KILALA NA KITA! ikaw pa??? IKAW LANG NAMAN SI ICHAN LOPEZ ng ............
uhm! ayan nanaman! wala nga akong diary!
MAMATAY KA MAN???
OOOHHH .. Eh di makilibing ka na lang XD
sus! pag nakita ko lang yung diary mo sa kwarto mo kawawa yan ...
hmp! sige kahit na halughugin mo pa ngayon kwarto ko eh!
Oh eh tara! gorabells na tayooooo ...
Ngayon???
ay hinde hinde .... sa susunod na taon para mamuti mata koooo .....
HAHA .. may next subject pa tayo wag ka OA!
Kaya nga! I mean after ng last subject natin syempre!
Last Subject--> English
Lumilipad ang isip ko habang nag di-discuss yung teacher namin..iniisip ko kasi kung sino talaga ang nag lagay ng letter na yun .. totoo ba talagang may secret admirer ako or pinag tritripan lang ako dito sa eskwelahang to..hindi ko naman maisip kung sinu-sino ang may galit sakin kasi never pa naman akong nakipag away..
----THE BELL RINGS----
kinakausap ako ni Kate pero parang wala akong marinig..tulala pa din ako..ewan ko ba kung masyado lang talaga akong OA at sineryoso ko yung bagay na yun..pagbukas ko ulit sa locker ko may nalaglag nanaman na papel..same paper and same handwriting...
"Magulo siguro ang isip mo ngayon pero wala akong masamang intensyon..gusto ko lang makipagkaibigan sayo kahit sa pamamagitan lang ng sulat na to..pasensya na nahihiya kasi akong lumapit sayo.."
Hayyy! bakit kasi hindi na lang siya magpakita! huhuhuhu hindi ko na alam kung anu iisipin ko..magulo pa ang utak ko dahil kay long time crush tapos sumabay pa ito..I CAN'T TAKE THIS FEELING ANYMORE....
sino naman kasi may sabi sayong ite-take mo yang feelings mo sa susunod na buhay na ibibigay sayo??
Kate naman! kahit anong gawin ko kasi di na maalis sa isip ko yung mga bagay na nakakagulo sakin ngayon..kilala mo naman ako diba?
"bakit di ka maalis sa isip koooooo" (sabay kanta ni Kate)
Nang aasar ka naman kate eh! huhuhu siguro pagod lang ako sa mga bagay na to..uuwi na lang muna ako..next time ka na lang pumunta sa bahay ha??
Pero girl matanong ko lang ha? ayos ka lang ba?
Oo naman...ako pa ba? haha! nakakatawa pa nga ako eh..
Sabay lakad na ako palabas hindi ko na hinintay na sumagot pa si Kate.
BINABASA MO ANG
Si Long Time Crush (On Going)
Ficção AdolescenteYung feeling na... Gusto mo lagi mo siyang nakikita... kahit na unknown yung name niya dahil hindi mo alam still gusto mo pa din siya kausapin...Pano na kaya kung dumating na sa point na ma realize mong hindi mo pa siya ganun kakilala kahit na alam...