Project K

4 0 0
                                    

Karylle's POV

"Karylle...anak?" si Mama nagsisimula na? Umaga na pala. Eeeeeeh. Ayaw ko pang pumasok.

"Hmmm...." yan na lang ang sinagot ko.

"Anak gising na." Mahinahon pa si Mama kaya mamaya na lang ako babangon. Hihi.

"Anak." tinapik tapik naman ni mama yung paa ko.

"Mamaya na po." tinanggal ko yung paa ko doon sa pwesto. Ayaw ko kasi ng kinakalabit ako or tinatapik.

"ANAK bangon na." sinundot na ng mama ko yung puwet ko.

"Eeeeh."

"ANA KARYLLE PADILLA QUIZON! Babangon ka o maliligo ka dito sa kama mo?"Ayan na si mama. This girl is on fire na.

"Nakabangon na po. Ma?! Bakit ang dilim?! Brownout ba o masyado pang maaga? Mama talaga kahit kailan OH-AH!"

"Anong sinasabi mo diyan? Gusto mong buksan ko yang mata mo gamit ng can opener?! Dumilat ka nga." Masyadong marahas si mama.

"Easy-han mo lang ma. Hahaha." Sabay kaming tumawa. Sanay na kami sa ganito. Yung mga pagbabanta ni mama e exression of love yun. Oo, pagmamahal yun in a sadist way nga lang pero atleast love niya kami.

"6 na ng umaga." nakanguso si mama sa orasan.

"Aba nama't umagang umaga e putok na putok yung nguso mo ma! Saan ka sumubsob?" napatingin ako sa nguso ni mama. Ang aga kasing maglipstick.

"Yung achuete kasi binuksan ko gamit ng bibig ko tapos ayun nasarapan kaya pinapak ko." Alam ko namang hindi yun ang ginawa ni mama dahil nagbebreakfast ako sa cafeteria sa school.

"May manliligaw ka ata e. Osya bahala ka na dyan sa puso mo ma. Basta payo ko lang alalay sa damdamin." sabi ko sa kanya habang nakayakap. I think it's time na rin para muling buksan ni mama ang puso niya at magmahal ulit. 5 years na rin ang nakaraan. 15 pa lang ata ako nun when our father died. Masakit nung una kasi unexpected pero syempre lahat naman ay may ending kaya unti-unti naman kaming nakapagmove-on. Pero 10 minutes na rin ang nakalipas at talagang malalate na ako.

Project: Love 101 (ViceRylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon