- TIARA -
Walang tigil akong tumatakbo sa gubatan. Duguan ang damit, yapak at humahangos na tumatakbo sa gubat.
I am running as fast as I can para lamang hindi ako maabutan ng mga taong humahabol sakin. I am running for my life. Kapag tumigil ako sa pagtakbo ay tiyak na hindi na ako sisikatan ng araw bukas. Nasa sampung katao din kasi ang humahabol sakin ngayon. Nagpatuloy lang ako sa pagtakbo ng walang direksiyon hanggang sa matalapid ako sa ugat ng puno.
Mariin akong napamura at naghanap ng mapapagtaguan. I can't run now because my feet is bleeding and it hurts.
Iginala ko ang paningin ko sa paligid hanggang sa matanaw ko ang isang butas na parang maliit na kweba. I didn't waste any time, I silently crawl to the cave. I am very careful of my moves, afraid that they might hear me.Malakas akong napabuntong-hininga ng makapasok na ako sa tagong kweba. Pinakiramdaman ko ang paligid. May naririnig pa rin akong mga yabag. I also hear gun shots na nagpapikit saking mata ng mariin. My heart beats fast and I am so scared.
I didn't know why those men suddenly attacked us in our house. Kumakain lang kami ng hapunan kanina hanggang sa makarinig kami ng putok ng baril. Naging alerto naman si Mama at Papa samantalang ako ay hindi alam ang gagawin dahil sa takot.
I am scared. Nagtataka ako kung bakit bigla-bigla na lang kaming sinugod. Mag-isa lang kaming pamilya na naninirahan sa gitna ng kagubatan. Bata pa lang ako sinasabi na ni Mama sakin na hindi ako pwedeng lumayo at lumabas sa gubat. I always ask her why, but she just told me to follow her. Hanggang sa tumagal ng tumagal ay hindi na ako nagtanong.
Nag-iisa man kaming pamilya na nakatira sa gubat, marangya pa rin naman ang naging buhay ko. Malaki ang mansyon namin sa gitna ng gubat na ito. Kompleto na halos lahat ng pangangailangan namin. Every sunday, an old man always come to our house to deliver our foods and other things we need.
I study in our house too. Si Mama lang ang guro ko. She told me she was a teacher back then. Kaya kahit papaano ay marami pa rin naman akong nalalaman. Although I learned many things from my mother. Napakarami ko pa ring hindi alam sa mundo sapagkat hindi naman ako nakakalabas pa ng gubat kahit isang beses.
Kuntento na ako sa buhay namin. Masaya kami nina Mama at Papa. Kahit wala akong kapatid ay kuntento na ako sa buhay na mayroon ako. Masaya kaming pamilya, not until this day came.
Maraming armadong lalaki ang sumugod sa bahay namin.Pinatago ako ni Mama sa isang secret room na noon ko lamang natuklasan. Although I want to stay with them, I just followed my mother's order. I was so scared because I kept on hearing gun shots. Sobrang nag-aalala na ako sa mga magulang ko pero hindi ako makakilos. My hands were shaking and my tears were falling non-stop.
Medyo kumalma lang ako ay ng matigil ang mga putok ng baril at ng narinig ko ang mga papalayong yabag. Dahan- dahan akong lumabas sa aking pinagtataguan at hinanap ang magulang ko.
I found them at the living room. My mother is throwing up blood with her eyes open and my father is covered with his own blood. Napatakip ako sa bibig at napahagulhol. My body is still shaking because of fear. Nilapitan ko sila at hinawakan sa kamay. Wala na akong pakialam kahit nabahiran na ng maraming dugo ang mahabang dress na suot ko. Napatigil ako ng makarinig ako ng sigaw.
"Hanapin niyo!", rinig kong sigaw ng isang lalaki kasabay nun ang pagkilos ng mga yabag sa loob ng bahay. I run fast to the back door. Pero malas ko kasi nakita ako ng isa sa mga lalaki. I run faster para lang hindi nila ako maabutan hanggang sa napadpad nga ako dito sa isang maliit na kweba.
Dahil natatakot ako na baka mahanap nila ako ay sa kweba na ako nagpalipas ng gabi. Kahit sobrang lamig ay pinilit ko pa ring makatulog para magkaroon ng kaunting lakas. I feel so weak right now. I am still in state of shock because of what happened. I didn't expect this. Ever since I was a child, I thought that maybe my parents wants to leave a peaceful life in the forest alone with me. Now, I don't know why those men are after us.
Nagising ako ng umaga na. I didn't waste any time, nagpatuloy ako sa paglalakad. I didn't came back to our house because I'm afraid that those men are still there. Although I want to see my parents kahit bangkay na lang sila ay pinigilan ko ang sarili ko.
I realized that my parents wants is for me to be safe kaya nga pinatago ako ng mga ito kahapon.
Nakalabas ako sa gubat at bumangad sakin ang napakalawak na dagat at katapat ng kinaroroonan ko ay isang isla. Ngayon ko lang napagtanto na sa isang isla din pala kami nakatira dahil hindi naman ako gaanong lumalayo ng bahay noon.

YOU ARE READING
The Mysterious Innocent Girl
RomanceTiara Jane Velasquez, isang babaeng naligaw at napadpad sa isang isla. Babaeng tila sanggol na walang kamuwang-muwang sa mundo. Isa siyang babae na dinaig pa ang bata sa pagiging inosente sa mga bagay-bagay. Throne James San Diego, isang lalaking 'h...