Nandito tayo sa may puno ng mangga
Kung saan tayo unang nagkita
Naalala mo pa ba?
Ipapaalala ko pa ba?Ako yong musmusing bata na binigyan mo ng panyo
Dito mismo kung nasaan tayo nakaupo
Dito kita unang naging kaibigan
Dito tayo unang nagshakehandSabi mo magkikita pa tayo
Kaya hinintay kita kinabukasan nun
Dumating ka nga pero di rin nagtagal
Hanggang sa lumaon lagi tayong nagkikitaHanggang sa nagbinata't
nagdalaga na tayo
Ngunit yun lamang hindi lang kaibigan ang tingin ko sayo
Tingin ko nga mahal na kita eh
Akala ko kaya kong itago, akala lang palaMas lumalalim ang aking pagkahulog sayo
Hindi ko alam kong manhid ka
O magaling lang talaga akong magtago ng nararamdaman ko?Hanggang napagdisesyonan ko ng sabihin sayo
Papunta ako non sa ating tagpuan sa tapat Ng puno ng mangga
Nung nalaman kong nabangga ka pala nung papunta ka rito
Pagkadating ko sa hospital
Naabutan kitang tulog,ang himbing nga ng tulog mo non ehNung ikaapat ng septembre nagising ka
alam mo bang sobrang saya ko non
Kasi masasabi ko na ang nararamdaman ko para sayo
Akala ko lang pala, akala ko lang palaKasi hindi mo naman ako maalala
Inalagaan kita hanggang sa gumaling ka
Isang gabi tinanong mo sakin kung anong relasyon ko sayo
Sabi ko magbestfriend tayoYun naman talaga ang papel ko sa buhay mo eh
Ang maging kaibigan mo lang
Hanggang yun sa araw na yun natanggap ko na hindi tayo para sa isa't isa
Hindi tayo bagay kumbagaTanggap ko na hanggang kaibigan mo lang ako
Pero palagi kong iniisip pano kung hindi ka naaksidenti nung araw na yun
Paano kung naamin ko sayo ang tunay na nararamdaman ko?
May magbabago kaya?
Meron kaya kong pagasa?Thank you for reading hope you like it.
![](https://img.wattpad.com/cover/266155266-288-k384782.jpg)