Posted: 08-25-14
Ako si Clark Dennis Tompson, ang bago ninyong propesor.
Tagaktak ang pawis ko ng makarating ako sa pakay kong kwarto. Hindi ko alam na ganoon pala kalayo ang aking lalakarin bago makarating sa Room 969. Hinihingal na sumandal ako sa labas ng pintuan habang pinapahid ng panyo ang pawis na tumutulo sa aking noo.
"Napakainit naman ng umagang ito." Naibulong ko sa aking sarili habang sinisipat ko ang aking suot na relo. Alas otso palang naman ng umaga ngunit kung tumama ang sinag ng araw sa balat ko ay parang nasa katanghaliang tapat na.
Ito na yata iyong napag-aralan namin noong nakaraang taon na climate change. Maraming pagbabago sa klima ng ating mundo dahil sa pagiging abusado ng mga tao. Isa sa dahilan ng climate change na natatandaan kong napag-aralan namin ay ang pagpuputol ng mga puno sa kagubatan. Kinakalbo nila ang mga puno dahilan para magkaroon ng landslide. Ang mga usok na nanggagaling sa mga factories at mga sasakyan ay nakakasira naman sa ating ozone layer kaya naman ang pagtama ng araw sa ating balat ay mainit na kahit umaga palang. Ang hindi tamang pagtatapon ng basura kung saan nagiging sanhi ito ng baha. Ano pa nga ba? Marami pa, hind ko nalang matandaan.
At bago ko isipin ang climate change na iyan ay kailangang makapasok na ako sa klase ko. Lagot ako nito. Late na naman ako sa first day ng second semester. Naalala ko na late din akong pumasok ng first day ng first semester. Sabi pa naman nina Rica at Gale na bestfriends ko ay maaga akong pumasok ngayon dahil mahigpit daw ang bago naming propesor.
Wala naman akong pakialam kung mahigpit siya o ano dahil hindi naman ako natatakot. Late ako nagising kaya late ako pumasok. Isa pa ang layu-layo naman ng building na ito. Akala ko malapit kaya naman nagpalate pa ako ng gising. Hindi ko naman alam na nasa pinakadulong hilera ito ng mga classroom. Napagod nga ako sa kakalakad tapos mataas pa ang takong ng suot ko. Kung alam ko lang na ganito kalayo ito e di sana nagrubber shoes nalang ako.
Siguro kaya masungit ang propesor namin ay dahil may katandaan na ito o kaya naman bading. Isa sa mga ito ang dahilan na naiisip ko. Ang hirap pa naman magkaroon ng ganitong propesor. Sana naman kahit masungit, gwapo at hot sana ito para naman gaganahan akong makinig at mag-aral.
Dalawang beses akong kumatok sa pinto bago ito binuksan. Agad na nag-isip na ako ng dahilan para ipaliwanag sa propesor namin ang pagkakalate ko. Nahihiya akong mapahiya sa klase kaya iisip ako ng magandang alibi.
"Goodmorning Sir, sorry if I'm late. Nasagasaan po kasi iyong aso ko. Nilibing ko po muna at nagluksa ako saglit. Hindi ko po namalayan ang oras kaya nalate po ako." Sunud-sunod na lintanya ko. Hindi ako nagpreno dahil baka makalimutan ko ang sasabihin ko ay magkandautal-utal ako.
"Goodmorning too Krissa. It's okey I understand you if you are late. Hwag ka ng humabi ng kasinungalingan dyan dahil alam kong wala kayong aso."
Natigilan ako. Bakit alam niya na wala kaming aso? Nahulaan ba niya o nakita niya sa records ko? Teka, wala akong natatandaan na kailangang ilagay iyon sa records ko? Siguro nahulaan lang niya. Patay ako nito! Baka hindi niya ako papasukin sa klase.
"A-Ahmmn...S-Sir...a-ano po kasi---"
"Come inside. Don't think any other alibis. I won't buy it." Kaagad na pinutol niya ang iba ko pang sasabihin. Hindi ko mapigilang magsalubong ang aking kilay. Wala naman sa isip ko iyon dahil iba ang iniisip ko.
"Okey Sir."
Nakatungong naglakad ako papasok ng hindi man lang sinusulyapan ang mukha ng bago naming propesor. Nahihiya ako sa sinabi ko. Akala ko lulusot. Sabagay napakalame naman kasi ng naisip ko. Hindi bumenta sa kanya. Mabuti nalang at hindi ako pinagtawanan ng mga kaklase ko. Siguro hindi nila narinig ang usapan namin. Sabagay ang layo namin sa kanila para marinig nila ang diskusyon namin ni Sir.
BINABASA MO ANG
CLARK TOMPSON: Your hot professor
General FictionLahat halos ng nakakakilala sa akin ay tinitingala at iginagalang ako dahil sa aking propesyon. Pero what if, malaman nila ang pinakatatagong sikreto ko? Titingalain at rerespetuhin pa kaya nila ako? Na-inlove kasi ako sa isa kong estudyante, pero s...