UMPISA

1.2K 34 4
                                    

Nakatingin lang ako sa kanya habang walang tigil ang paghagulgol niya sa harap ko. Masama ang tingin niya sa akin habang mahigpit na hawak ang kumot na nakabalot sa kanyang katawan.

Napabuntung-hininga ako sa tingin niyang iyon. Kayang-kaya niya akong patayin sa titig kung nakakamatay lang ang tingin.

"I hate you!" iyan ang paulit-ulit na sinasabi niya sa akin. Kanina pa siya at naririndi na ang ulo kong sumasakit dahil sa tama ng alak na nainom ko kagabi. Gusto ko siyang tumigil ngunit hindi ko kayang magsalita. Nahihiya ako sa kanyang mga tingin at parang gusto kong itago ang mukha ko sa unan na nakalapag sa ibabaw ng kama.

Napayuko ako ng ulo ng mas lumakas pa ang hagulgol niya. Nadudurug ang puso ko ngunit hindi ko dapat iyon ipakita sa kanya. Hindi ako dapat magpakita ng emosyon dahil baka mas lalo niya akong layuan at iwan.

"Bakit mo nagawa ito sa akin?" Sumisinghot na tanong niya sa akin.

"D-Dahil mahal kita." Nginig ang boses na aking sagot. Dahan-dahan akong nag-angat ako ng paningin na siyang pinagsisihan ko din agad. Kita ko kasi ang mga mata niyang hilam sa luha. Napakuyum ako ng kamao, nanginig ang aking mga labi at parang gusto kong lapitan siya. Yakapin siya ng mahigpit at ipadamang hindi niya ako dapat kamuhian sa ginawa ko.

Tumawa siya ng pagak ng marinig ang sinabi ko. Hanggang ngayon ayaw niyang marinig ang mga salitang iyon sa akin. Diring-diri siya dahil hindi tama ang nararamdaman ko para sa kanya. Lagi niyang sinasabi na bawal at labag sa batas ang relasyong ipinipilit ko sa kanya.

Anong magagawa ko? Siya ang itinitibok ng puso ko. Kahit anong gawin kong pagpipigil ko sa nararamdaman ko ay siya pa rin ang isinisigaw at hinahanap nito.

"Mahal? Alam mo ba ang ibig sabihin ng salitang iyan SIR? Propesor ka di ba? Pagmamahal ba ang nagtulak sa iyo para gawin mo sa akin ito? Paano ang nararamdaman ko? Hindi kita mahal! "

Hindi niya ako mahal. Alam ko naman iyon. Kahit hindi niya sabihin ay damang-dama ko naman. Sa kilos at tingin palang niya ay halata ko na ito. Masakit talagang malaman iyon. Parang sinaksak ang puso ko ng marinig ko mismo sa labi niya ang salitang magpapawasak sa puso ko.

"Oo! Mahal kita kaya ko nagawa ito sa iyo! Masisisi mo ba ako kung desperado na akong makuha ka?! Mahal kita Krissa! Kaya kong gawin ang lahat mapasaakin ka lang!" Hindi ko napigilang magtaas ng boses. Ngunit agad din akong nagsisi.

Takot ang nakita kong bumakas sa mukha niya ng masabi ko iyon. Mas lalong lumakas ang kanyang iyak. Lumapit naman agad ako sa kanya at niyakap siya. Pilit naman niya akong tinutulak habang walang tigil ang pagmumura niya sa akin. Hanggang sa mapagod siya at makatulog muli. Nakatulog siya sa braso ko na masama ang loob sa akin.

Bumuntung-hininga ako habang tinitigan ko ang maamo niyag mukha.

"I know I can’t have you now, but I’ll wait. I know when the time is right, you will notice me and you will love me as much as I love you. Sorry angel...I need to do this..." Tanging naibulong ko nalang sa hangin kasabay ng marahan kong paghiga sa kanya sa kama.

CLARK TOMPSON: Your hot professorTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon