Chapter 35

1.4K 24 8
                                    

Blake’s POV

Biruin mo nga naman ang pagkakataon, oh?

Ang saya! Whoo!~

Napalitan ng saya 'yung lungkot ko.

Kahapon kasi dapat mag tatapat na ako kay Pandesal. Wala ng paligoy-ligoy pa! Tama na ang pagpapaka-bakla! Sasabihin ko na na gusto ko siya. Gustong-gusto. Hinanap ko siya pero naalala ko na sa isang lugar lang pala 'yun natambay…

Sa Garden.

Pag punta ko sa garden, nanlaki mata ko sa nakita ko. As in nanlaki talaga.

Kasi naabutan kong pinipilit—parang mali yata 'yung term na ipinipilit kasi nagtatawanan sila habang 'yung Calvin pinipilit na ilapit sa mukha ni Kate 'yung nakanguso n'yang mukha habang si Kate naman tinutulak siya; though nakangiti s'ya habang ginagawa 'yun..

Sa nakita ko sobrang galit lang ang naramdaman ko. Lalapit palang sana ako hanggang sa nakita kong pag lingon ni Kate… ayun! Naganap na hindi dapat mangyari! Their lips met.

I was petrified by the scene.

Mukhang nagulat sila sa pangyayari kasi... Obviously, nakita kong nanlaki mga mata nila.

Lalapit na sana ako nang hilahin ako ni Eris nang makita niya ako.

So kaysa masaktan lang lalo ako, nag patangay nalang ako.

Oo na, alam ko, alam ko! Ang weak ko! Kate's my girl pero wala man lang akong ginawa para ilayo s'ya du'n sa ungas na 'yun! Kanina ko pa s'ya tinitignan ng masama; sa room palang! Eh dakilang manhid yata 'yun si Kate kaya hindi na-gets 'yung mga tingin ko! Bwisit lang! Pasalamat s'ya mahal ko s'ya eh!

Nu'ng nalaman ko na nagplano sila na sa bahay ng ungas na 'yun matutulog hindi dapat ako sasama pero naalala ko bigla na may unggoy na umaaligid kay Kate kaya sumama nalang ako. Baka kung ano pa'ng gawin nu'n kay Kate at makapatay pa ako.

Pero on the Bright side…

Makakasama ko s'ya ngayong gabi; sa iisang kwarto pa!---Hoy! Hindi ako Masaya dahil sa makakasama ko siya sa isang kwarto at may gagawin akong masama sa kan'ya. Kayo talaga, ang beberde n'yo. Masaya ako dahil masosolo ko siya ngayon gabi. Makikipag kwentuhan ganu'n. Makikipaglampungan---Shet! Sa'n nanggaling 'yun?!

Anyway, Back to reality na nga. Masyado na 'kong maraming naiisip na hindi maganda. Lampungan?! Really, Blake?! At si Kate pa talaga pag-iisipan mo ng gan'yan!

“Baks, Tayo magkasama.“ Nakangiti niyang sinabi tapos ipinakita n'ya 'yung number n'ya sa'kin. Ang ganda niya talaga. Bakit kasi naging in-denial pa 'ko dati eh. Jusko. Katangahan mo, Blake.

“Oo nga.“ Pagtingin ko naman du'n sa ungas na Calvin... Aba~ Parang nalugi lang ng isang bangkang ipot, ha? Mwahaha! Ako naman! Tagal mo ng nasosolo lagi ang Pandesal ko eh.

So, ayun. Nag practice na kami ng mga line at 'yung iba naman eh sa props. Ginanahan naman ako kasi makakasama ko siya ngayon gabi. 'Yung mga nagdaan kasing practice matamlay ako kasi hindi ako ang partner niya. Dapat pala ako nalang nag prisinta na maging Landon. Kainis. Eh balita ko may Kiss Scene pa daw 'yun. Bwisit!

I wonder... Sino kaya First kiss nito ni Kate? Ako kasi, si Eris---Ninakaw eh! Pero... 'Di bale, okay lang kahit 'di ako 'yung first n'ya kasi once na maging kami, sa'king-sa'kin na talaga 'yung labi n'ya!

Oo nga pala.. ako pala gaganap na kaibigan ni Landon dun. Isa sa mga nambubully kay Pande-Jamie.

“Ayos ah! Galing mo ngayon, Pre, ah!“ Sabay palo sa'kin ni Mike nu'ng script.

She's an Exception [Revising] (Updated up to chapter 12)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon