AMARA
Napabangon ako dahil sa sikat ng araw na tumama sa mukha ko. Nakalimutan ko nanamang bukas ang kurtina ng kwarto ko. tinignan ko ang phone ko para i check kung anong oras na.
Napa kunot noo ako dahil alas nuebe na. Hindi ko maintindihan kung bakit late pa rin ako nagigising gayong maaga akong natulog kagabi.
Pumikit muna ako saglit tsaka bumangon at nag tungo sa banyo para mag hilamos.
Habang asa cr ako, muling bumalik sa alala ko ang panaginip ko kagabe. Asa isang beach daw ako may lalaki raw akong kasama ron habang nanunuod ng sunset naka sandal pa ako sa balikat niya.
Pero blurred. Letche naman e minsan nalang mag karoon ng boyfriend sa panaginip blurred pa yung mukha.
Ang weird lang kasi every night kong napapanaginipan ang ganoong scenario minsan pa ay nag lalakad ako sa tabing dagat kasama ang isang lalaki na hindi ko alam ang mukha.
Bumaba ako para hanapin yong dalawang kuya ko na hindi ko alam kung nag luto ba ng agahan.
"Hi ara" Nakangiting bati sa'kin ni kuya Joshiro
"Asan si kuya jordan?" tanong ko.
"Umalis" Maiksi niyang sagot tsaka nag patuloy sa pag babasa ng magazine.
"Saan nag punta?" Muling tanong ko.
"Sinundo sila alica" Aniya.
"Bakit?" Ano bang meron ngayon ay pupunta sila?
"Sasabay sila sa'tin papuntang santa lucia." Sagot niya.
"wait? what?"
"hindi ba sinabi ni jordan kagabi?"
"maaga akong natulog kagabi, anong meron?" tanong ko
"death anniversary ni lolo julio" aniya.
"ahh, hanggang kailan tayo ron?" tanong ko
"whole vacation"
"kuya?! bakit? walang internet don and marami akong pupuntahan ngayong bakasyon." inis kong sambit sakaniya.
"that's what mommy's want" aniya pa.
"but she's not here" i respond.
"yes, she's not here pero susunod siya kasama si tito Mathew and ayesha"
"oh god, with her NEW HUSBAND?"
Simula nung nawala si daddy naging busy si mom, hanggang sa na meet niya si mathew and ayon mas lalong nawalan nang time ang worst pa ron inwan kami para lang sakaniya. Close kami before not until iniwan niya kami for her new husband.
Napairap nalang ako at nawalan ng ganang kumain ng almusal. Nag paalam nalang ako na babalik sa kwarto at aayusin yong gamit na dadalhin ko.
Dalawang maleta dala ko and sana mag swimming naman kami ayokong ma stuck nalang don.
After ko maligo at makapag bihis ay agad akong bumaba. Andon na sila tita elyse naka upo sa sofa habang nakikipag usap kila kuya.
"hi amara!" sambit ni tita elyse.
"hello po" agad akong lumapit sakanila at yumakap.
Sila lang ang close ko sa side ni mom dahil sila lang naman ang palaging andito habang sa side naman ni daddy ay halos lahat.
"where's your kakambal?" tanong ko kay adeline.
"he's in the car" aniya.
Tumango nalamang ako at pumunta sa dining area para kumain nag inarte lang naman ako kanina.
"amara!" tawag ni kuya jordan sakin.
"what?!" pasigaw ko ring response.
"why are you shouting?" aniya habang nag lalakad palapit sakin.
"pupuntahan mo rin naman pala ko rito sumigaw sigaw ka pa" pag tatary ko.
"do you have a period now?" kunot noong tanong niya sa'kin.
Kailan pa siya naging maalam sa menstruation nang babae?
"bakit?" tanong ko.
"napaka sungit mo kasi."
"wtf? since birth kuya"
"finish your food na aalis na tayo, mom is here na rin"
Napatigil ako sa pagkain at tumingin ng masama sakaniya.
"akala ko ba ay susunod sila ron?"
"sasabay nalang daw sila, amara please kausapin mo siya ng maayos"
"who said?" sambit ko agad naman siyang humarap muli saakin.
"it's been a year nung nangyare yon bakit ba hindi mo siya subukang kausapin?"
"no if i-kagagalit ninyo pa rin yon hindi ko na pro-problemahin yon kuya"
"okey, i won't force you to talk to her but please show some respect"
"did they deserve my respect? of course didn't"
"enough, she's still your mom at hindi mag babago yon"
"ok sabi mo e" sarcastic kong sagot sakniya.
Alam ko lumagpas na ko sa limitasyon na yon, alam ko alam nila yong pakiramdam na nawalan ng magulang. yes our mom is still alive but iniwan niya kami for her HUSBAND hindi pa ba siya kontento sa'min? at nagawa niya pang hanapin yon sa iba?
Years nong nawala siya tapos babalik siya samin na parang kahapon lang niya kami iniwan?
Umalis nalang si kuya dahil alam niya sigurong mapupunta lang sa pag tatalo lahat.Unti-unti nanamang tumulo ang mga luha ko.
"ijah, tahan na" sambit ni yaya maya saa'kin.
Tumingin ako sakniya tsaka siya niyakap.
"sige na ijah mag sipilyo kana ron at baka aalis na kayo" aniya.
"hindi ka kasama?" tanong ko.
"hindi ijah"
Si yaya maya ang naiwan sa'min noon. mas tinuring ko pa siyang nanay kesa sa totoo kong ina.
"kakausapin ko siya kuya na sumama ka" sambit ko tsaka ako tumayo pero agad niya rin akong pinigilan.
"sinabihan na ako kagabi ni joshie"
"o bakit hindi ka ho sasama?"
"dito nalamang ako hindi ko rin kaya ng masyadong malayong byahe" sambit niya.
"ano ba yan nanay i want you there please po sumama kana" pag mamakaawa ko.
"hoy amara ang ingay mo" sambit ni kuya joshi na naka bihis na rin.
"e si nanay nga ayaw sumama"
"nanay sumama kana ayokong masungitan ni amara buong vacation don" sambit ni kuya joshie.
"see nanay?" sabay tawa ko.
"okey sige na sasama na ako" walang choice na sabi niya.
"yiee, gusto mi lang ata talaga na ako ang mamimilit sayo"
"nako kang bata ka sige na antayin niyo ako"
"sama na ako sayo nanay tulungan kita mag impake" sambit ko.
"wag na si jelay nalang" pag tanggi nanaman niya.
"okey, we'll wait you here"
tumango naman siya tsaka nag lakad papunta sa likuran ng kitchen para hanapin si ate jelay.
-
:: enjoy reading.
YOU ARE READING
UNCLEARED MEMORIES ( On going )
Teen FictionReady ka na bang ma meet yung taong laging laman nang panaginip mo,pano kung hindi pala maganda ang past niyong dalawa ready ka bang baguhin 'to? forgiveness, acceptance, and love