The Two Girls

1 0 0
                                    

PART 1 : THE TWO GIRLS

Eliza's POV

"Bes, ano ka ba ang tagal tagal mo. Minamadali mo pa naman ako kanina tapos ikaw pala yung mabagal diyan!" Ano ba naman yan. Ang aga aga nyang pumupunta dito sa bahay tapos manggigising lang pala para mag pasamang mamili. Tapos ang masaklap pa hindi pa pala sya nakakapag-ayos. Ang galing ng bestfriend ko no?

 "Oo na bes ayan na. Bakit ba masyado kang nagmamadali?" huh?! Ako pa talaga ha?

"Ako pa talaga ang nagmamadali bes? Ikaw nga 'tong ang aga-aga pumunta sa bahay at nanggising eh tapos ako pa yung nagmamadali?" Sabi ko pero nagkaroon lang ng katahimikan. Aba! Ba't hindi na sumagot 'tong babaeng 'to?
   

Humarap ako sa kung nasaan siya kanina at pagtingin ko wala na siya. At talagang iniwan pako dito ha? Dada ako ng dada dito tapos wala na pala siya.

Lumabas na ako ng bahay  at nakita ko siyang nakasandal sa kotse KO. Wag niyang sabihing makikisabay siya? Ayoko pa naman ng maingay habang nagba-biyahe.

  

"Bat iniwan moko dun?" Tanong ko nang makalapit ako sa kaniya. Inilagay ko pa ang dalawang kamay ko sa bewang ko.

     

"Dada ka kasi ng dada eh. Nakakarindi kaya iniwan na kita dun. Nga pala makikisabay ako ngayon sayo ha? Nasira kase yung car ko eh." Sabi niya na parang hindi ako naaasar sa kaniya. Grrr. Gigil talaga ako nito eh. Pasalamat siya bestfriend ko siya!

    

Tumango lang ako at pumasok na sa kotse ko. Pabagsak kong sinara ang pintuan nang makaupo na ako sa driver's seat, hindi niya naman napansin yung pagsara ko at parang wala lang na umupo siya sa passenger's seat. On the way na kami sa mall pero siya  dada pa rin nang dada. Kwento dito kwento doon. Diko na nga maintindihan yung sinasabi niya eh. Pinili ko nalang na hwag makinig sa kaniya dahil mapapagod lang ang tenga ko. Hindi naman kasi napapagod ang bibig niyan kakasalita eh.

   

Nga pala, hindi pa pala ako nagpapakilala. Ako nga pala si Eliza Mae Buenaventura. Anak ako nina Eric at Elize Buenaventura. May business kami este mga magulang ko lang pala, kami ang may ari ng Buenaventura beauty products, Buenaventura boutique, Buenaventura salon at Buenaventura restaurant and hotel. And as you can see, mayaman ang pamilya namin. Wala akong kapatid. I'm a solo daughter kaya naman spoiled ako pero may limitations pa din naman.

   

At ang kasama ko nga pala ngayon ay ang aking madaldal na bestfriend si Jacy Nyah Mendoza. Business partners ang mga magulang namin. May dalawa syang kapatid parehong lalaki. Yung isa matanda sa kanya yung isa bata. Pareho kaming 17 years old ngayon at grade 11 na kami ngayong pasukan.

"Nakapagpa-enroll ka na pala bes?" Tanong sakin ni Jacy. Oo nga pala next month na yung pasukan pero hindi pa rin ako nakakapagpa-enroll.

"Hindi pa eh. Ikaw ba?" Tanong ko sa kanya.

  

"Hindi pa din eh." Sagot nya. "Gusto mo sabay na tayo?"

"Sure." Sabi ko naman. Buti nalang hindi pa nakakapagpa-enroll si Jacy may kasabay akong mag papa-enroll.

     

After 30 minutes of driving, nandito na kami sa mall. Mamimili na kasi kami ng gamit namin para sa pasukan at pagkatapos ay magpapa-enroll na kami.

"Bes, may list ka pala ng mga gamit na kailangan natin?" Tanong ni Jacy sa'kin habang naglalakad kami sa parking lot ng mall.

"Oo bes. 'Yung listahan mo ba?" Tanong ko.

"Nakalimutan kong manghingi ng list nung nag-entrance exam eh" Makakalimutin talaga 'tong babaeng 'to.

"Don't worry. Dala ko naman 'yung listahan ko" sabi ko at pinakita pa sa kaniya.

"Da'best ka talaga bes!" Sigaw niya atsaka niya ako niyakapa. Ako ang nahihiya sa pinaggagagawa ng babaeng 'to. Pinagtitinginan na kaya kami ng mga tao sa mall.

Hinayaan ko nalang siyang nakayakap sa akin at patuloy lang kami sa paglalakad papuntang National Bookstore.

"Bes, ilang notebooks kailangan?" Tanong niya nang makarating kami sa notebooks section ng National Bookstore.

"Ten." Sagot ko. "Then, ten 'din na envelope, yellow paper, ballpens and basic needs in school"

"Ok. Got it" sabi niya. Kumuha na kami ng mga kakailanganin namin at pumila na sa cashier para mabayaran ang lahat ng kinuha namin.

"Tara na sa school" Pag-aaya ni Jacy at hinila pa ako papunta sa parking lot. Hindi naman siya excited niyan?



- Sa next chapter po yung two boys naman.

Love SquareTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon