PART 2 : THE TWO BOYS
Anthony's POV
"Bro, tara na pa-enroll na tayo." Pag-aaya ng napaka-galing kong kapatid este kambal.
"Ayoko pa. Pwede naman kasing si Mr. Lim yung gumawa nun eh." Sagot ko. Tinatamad talaga ako promise.
"Ano ka ba Bro? Pano tayo makakakita ng chicks niyan kung gumaganyan ka? Tara na. Wag kang tamad diyan!" Sabi ko na nga ba eh chicks lang habol niyan sa school.
"Ok, fine. Wait lang magbibihis lang ako. Hinatayin mo nalang ako." Alam ko namang wala akong magagawa eh kukulitin lang ako nitong isip-bata kong kambal. Umakyat na ako papunta sa kwarto ko nagbihis ng simpleng v-neck na kulay light blue na shirt at pants with white nike shoes.
Pagaktapos ay bumaba na ako. Pagkababa ko ay wala na ang magaling kong kambal. Saan na kaya nagpunta 'yung gagong 'yon?
"Ate Liza san napo si Marco?" Tanong ko kay Ate Liza. Siya ang pinaka-close ko sa lahat ng maid dito sa'min dahil siya ang pinakamatagal na nagtatrabaho dito.
"Andoon na sya sa labas. Doon ka nalang daw niya hihintayin." Sagot naman ni ate liza.
"Okay po. Thanks" psasalamat ko kay Ate Liza at pumunta na'ko sa garage namin.
Pagdating ko sa garage ay agad akong sumakay sa kotse ko at agad pinaandar. Hindi ko na hininap pa ang kapatid ko dahil alam kong nasa loob na siya ng kotse niya at naghihintay na lang siya ng paglabas ko para makalabas na rin siya.
Habang nagmamaneho ako ay magpapakilala muna ako. Ako nga pala si Anthony Jhake Hernandez at ang kapatid ko naman ay si Marco Jhake Hernandez. Ang mga magulang namin ay sina Jhake at Meissy Hernandez. Wag niyo nang tanungin kung ano trabaho nila. Sa sobrang dame ng kumpanya namin ay hindi ko na matandaan kung ano-ano ang mga 'yon.
Pagkadating ko sa campus ay tumigil muna ako saglit sa parking lot. Im waiting for my twin to come. He's always like that. Ang bagal niya lagi. While I'm waiting for my twin, a beautiful girl caught my attention. She has a long and blond hair and dress like a simple person. Habang 'yung isa niyang kasama ay mukhang clown sa sobrang kapal ng make up.
Natauhan nalang ako nang marinig kong tinawag ako ng kambal ko. Tumingin ako sakanya at naglakad na kami papunta sa library. Doon daw kasi ang place kung saan magpapa-enroll.
While we are enrolling, nakita ko ulit 'yung babaeng nakita ko kanina sa parking lot. I called my twin and force him to come with me. Naglakad kami papunta doon sa babae. Pagdating namin doon ay agad naman akong nagsalita. Hindi naman kasi ako torpe.
"Hi" panimula ko. Tumingin lang sya at ngumiti. Pero hindi siya sakin ngumiti kung hindi kay Marco.
"Hello" sagot naman nung kasama niyang mukhang clown. Tsk.
"By the way, I'm Anthony and this is my twin Marco." Pakilala ko sabay turo kay Marco na nakatingin lang dun sa babaeng clown.
"Pwede ba wag kang mag-english wala ka sa ibang bansa at isa pa diko tinatanong ang pangalan mo" masungit nyang sabi sabay tingin kay Marco at nag-hello sign sabay ngiti. Ba't ganon? Parang nakaramdam ako ng kirot sa puso ko nang makita ko 'yon. Am I hurting?
"Ang sungit mo naman bes" sabi nung babaeng mukhang clown. "Im Jacy and this is my friend Eliza." Sabay shake hands samin. So. Eliza pala ang pangalan niya. Ang cute, bagay sa kaniya.
"Nice meeting you." Sabi ko nang makipag shake hands ako sa kaniya.
Pagkasabi ko noon ay tumayo si Eliza at umalis. Hinila niya naman si Jacy The Clown. At nag-nice-meeting-you-too mouth sign naman si Jacy The Clown sabay kaway pa habang papalayo na sila.