Prologue

26 2 0
                                    

Prologue

When I was a little girl, I always daydream about my wedding. Magical moment, fairy tale like and with the man I truly love, and now this day I finally made my dream come true.

I look myself at the mirror. I am wearing a simple white long tube dress with little sequins, light makeup, ang brown kong buhok ay nilugay at kinulot ang dulo and a forget me not flower crown on my head. Simple but I find it perfect. I put my dangling diamond earring na binigay sa akin ni Mommy kanina ng pumasok siya para kamustahin ako, it paired with a diamond necklace hanging on my neck.

“This is it Mag! This is the day!”  I murmured happily to myself. The door burst open at pumasok ang dalawa kong best friend. 

“Are you really sure about this Mag? Pwede pang mag back out! May chance ka pa para matigil ang kalokohang ito.” Tumatawang sabi ng best friend kong si Tania. She’s wearing a purple sundress and holding a little bouquet. Napangiti ako, she’s really beautiful.

“Tan, hayaan mo na nga. She’s our friend, dapat kung saan siya masaya we always support her. “ Iritadong sambit ng isa ko pang best friend na si Bryan. Nakaharap siya sa salamin at inaayos ang buhok niya. Naka long sleeve siya na blue and cream pants. Napatingin siya sa repleksyon ni Tania sa salamin. Naka busangot ang mukha nito at naka pout ang labi. Napaawang ang bibig ni Bryan. Lumapad ang ngiti ko at napa iling na lang. Kelan kaya sila matatauhan sa feelings nila sa isa’t isa?

“This is stupid Bry, who would get married on Friday the 13th?! Halatang halata na ayaw niyang pakasalan tong kaibigan natin!” halos mag-hysterical na si Tania habang sinasabi niya ito.

“Tania, it’s okay-“ pinutol na agad ni Tania ang sasabihin ko.

“Don’t you dare tell me it’s okay because it’s not! Just because he knocked you up doesn’t mean na dapat magpakasal kayo! Hindi ka niya mahal Mag!” Sigaw niya sa akin.

“Tania Marie!” galit na sigaw ni Bryan habang pinipigilan si Tania sa paglapit sa akin.

Napawi ang ngiti ko. Yes I’m getting married just because nabuntis ako. I’m getting married this day. February 13, 2015, Friday the 13th. I’m getting married to the man I truly love but never love me in return. Nag simula ng mag init ang sulok ng mata ko. Not now Mag, masisira ang make up mo.

“I’m sorry Mag. I didn’t mean to say that.” Mahinang sambit ni Tania na para bang natauhan sa sinabi niya. Umiling agad ako.

 

“No Tan. I’ve heard much worst, wala lang sa akin yung mga sinabi mo.” Sagot ko habang inaayos ang sarili ko. Natahimik kaming tatlo, walang nagsalita.

 

“I’ve never been this happy Tan, alam ko naman na impossible na mahalin ako ni Marco. Hindi naman siguro masamang sumubok hindi ba? Gusto ko lang din na mabigyan ang magiging anak ko ng complete family. Wag mo sana isipin na ginusto ko ito dahil sinabi ni Daddy at naiipit ako. Alam mo naman hindi ba? Noon pa, noon ko pa mahal na mahal si Marco.” Dire-direstong sabi ko sa kanya. Nagulat ako dahil hindi man lang ako naiyak habang sinasabi ko ito.

“I don’t know Mag, may mahal rin akong hindi ako pinapansin pero hindi ko kalian naisip na ipagpilitan ang sarili ko sa kanya.” Umiiling na sabi ni Tania at bahagyang sumulyap kay Bryan na nakakunot noong nakatingin sa aming dalawa. Manhid talaga tong isang to. 

“Can you just be happy for me Tan? Kung mag fail man itong papasukin ko, hindi ako mag sisi dahil sinubukan ko.” Nakangiti kong sabi sa kanya. Bumuntong hininga na lang ang best friend ko.

“Happy for you? Paano ako magiging masaya kung alam kong masasaktan ka lang? Hindi ko kayang makita yon Mag. You deserve someone better.” Aniya at tumayo na papunta sa pintuan ng kwarto.

“Well, he’s the best for me Tan.” I said lovingly habang nakatingin sa kawalan. Narinig ko ang pagsinghap ni Bryan at pagbuntong hininga ni Tania.

“Malala ka na.” Inirapan niya ako at lumabas ng kwarto.

Napabuntong hininga na lang ako at hinarap ang naiwan kong best friend. Nakatingin siya sa mga mata ko.

“I’m sorry for Tania Mag, she’s hard on you. Kilala mo naman iyon.” Sabi niya at yumakap sa akin. Hinalikan niya ang noo ko.

“Sanay na ako Bry.” Bulong ko habang yakap yakap siya.

“Iwan na kita ha? Malapit na mag start. I want you to be happy Mag. Andito lang ako palagi no matter what. I love you.” He kissed my temple once again at lumabas na rin sa kwarto.

Napatingin ulit ako sa salamin. Alam kong mahirap ang papasukin ko, pero kakayanin ko ito. Dumako ang tingin ko sa table at nakita ko ang invitation ng kasal ko.

Fuentenario – Serrano Nuptials

You are invited to witness the wonderful event in the life of

Donatello Marcus Fuentenario

&

Marley Abigaile Serrano

 

I can still remember all the first. The first time I saw him, the first time we kissed and the first time we made love.

Just Married (FSeries 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon