"Baby sabihin mo kasi sakin.. bakit ka ba kasi nagkaka ganyan? Bigla ka na lang nagiging cold sakin. Minsan tuloy pakiramdam ko ayaw mo na akong kausap"
"Wala akong sinabing ayaw kitang kausap. Pagod lang ako kaya ganito lang ako. Sorry"
"Pagod? Tuwing nagkaka ganyan ka ba dapat ko bang isipin na "pagod" ka lang kaya parang wala kang ganang makipag usap sakin? Ganon ba" naguguluhan na ako
"Ano ba? Big deal masyado 'tong attitude ko ngayon sayo. Pagod lang talaga ako dahil sa school"
"Nakakatampo ka naman, lagi ka na nga lang busy eh minsan na nga lang tayo makapagusap. Sa minsan na 'yon di pa nga tayo makapagusap ng maayos" bakas sa boses ko ang lungkot at pagtatampo while hearing her deep sighs in the phone.
"I'm trying to balance everything naman eh. Tina try ko na bigyan ka ng oras pero sobrang busy talaga ako. Sorry"
"Hayys sorry naiintindihan ko. Pasensya na"
"Wag kang mag sorry"
"Ako dapat mag sorry. Bati na tayo ha? I love you. Sorry"
"Opo bati na tayo.. i love you more" Nalulungkot ako. Na m-miss ko na kasi siya sobra. Long distance relationship na nga kami. Ganito pa communication namin. Minsan na lang puro minsan.
Walang lumipas na oras na hindi ko siya naiisip. Lalo na kapag parehas kaming may pasok. Kapag hindi siya nag t-text or tumatawag. Nagaalala ako ng walang dahilan. Iniisip ko kung ano na ginagawa niya. Kung okay lang ba siya? O kung sino sino kasama niya? Syempre sa school di naman maiiwasang may kasama siyang mga kaklaseng lalaki. Nakakaselos na ewan haha. Nakakainggit lang. Bakit? Syempre naman buti pa sila nakikita siya halos araw araw at oras oras eh ako? Oo may skype at video calls naman pero syempre iba parin naman ang nakikita mo talaga siya at nakakasama sa personal.
Minsan nga bago ako matulog nag d-daydream ako. Iniisip ko kung ano nga ba ang pakiramdam na lagi mong kasama at kausap ang taong pinakamamahal mo? Hayyys sarap siguro sa feeling. Kaya minsan di ko rin mapigilang mangarap na makasama siya lagi. If that time comes, it would be such a memorable day for me. I'll cheerish that moment with her.
-----
"Baby ko! I love you! Mwa!""I love you too~"
"Tulog na tayo baby ko. Tabi tayo matulog ha? Tapos i h-hug mo ko tapos i k-kiss mo ko okay?"
"Opo opo mwa! I love you so much. Sleep na baby ko"
"Okay po" Ang sarap sa feeling. Sana ganito na lang kami lagi. Na i-imagine ko na katabi ko talaga siya ngayon matulog. While hugging her so tight at yung bang pagkagising mo sa umaga mukha niya agad makikita mo? Haysss.. how i wish
"Good night baby ko, sleep tight I love you mwa!" Ayun natulog kaming dalawa habang on call. Lagi kaming ganito kahit minsan wala ng nagsasalita nagpapakiramdaman na lang kami haha kahit puros hininga na lang namin ang naririnig ayos lang. Napapangiti na lang ako. I wonder if nakangiti din ako bago makatulog haha malamang.
-----
Makalipas ang ilang linggo na halos away bati kami dahil na rin sa attitude ko at attitude niya. Puro pagtatampo dahil na rin sa madalas na lang kaming nagkakausap. Busy na lang siya lagi. Nalulungkot at nasasaktan ako dahil nawawalan na siya ng oras sakin. Kung dati nasasabik ako lagi kapag holiday at walang pasok dahil umaasa ako na pwede kaming makapagusap ng matagal at kung maaari eh magdamag pa na halos abutin kami ng madaling araw sa paguusap sa phone kahit minsan walang kwenta na yung pinaguusapan namin. Kapag naaalala ko yun nalulungkot ako. Di ko namamalayan na sobra ko na nga siyang na m-miss. Sobra pa sa inaakala ko na halos gabi gabi na lang akong napapaiyak dahil dun. Minsan nga tinititigan ko yung isang picture niya na naka save sa phone ko. Napapangiti ako kapag nakikita ko 'yon dati dahil na rin sa matamis niyang ngiti dito. Nakakahawa haha. Hinahaplos ko konti yung pisngi niya dito im kinda imagining how it feels carressing her face for real. God i miss her so much.Ngayon nagbago ang lahat kung dati 'tong picture niyang to ang nagiging dahilan minsan kung bakit napapangiti ako na parang timang ngayon naman napapaluha na lang ako na parang baliw. Masakit dahil kapag kausap mo siya parang walang mali. Ganun parin. Di ka makapaglabas ng sama ng loob dahil natatakot kang iwan ka niya.
Ulit...
Naaalala ko pa noon na kapag nagsasabi at nag o-open up ako sakanya. Lahat ng hinanakit at sama ng loob nilalabas ko. Gusto ko lang kasi na linawin ang lahat saamin. Gusto ko lang malaman kung ano ang mali.. kung ako ba ang mali or siya? Kung ako ba ang nagkamali or siya. Pero nauuwi lang sa paghihiwalay eh.
"Pagod ka na alam ko kaya mas mabuti pang itigil na lang natin to. Tama na.." Masakit haha. Nung sinabi niyan parang paulit ulit na tinutusok ng kung ano ang puso ko. Sobrang sakit na halos di mapigilan ng mata ko ang umiyak. Di ko alam nun ang gagawin ko wala akong ibang nagawa kundi ang magmakaawa sakanya. Begging for her to stay. Pero past na yun at kami parin naman ngayon palaisipan parin sakin kung bakit niya nasabi sakin ang mga katagang iyon. Pero wala na akong pakialam ang mahalaga kami parin, mahal niya ako at mahal ko siya. Walang magbabago doon. Sana..-----
Ring ring ring ring"May sasabihin ako sayo" Ano kaya yung sasabihin niya? Kinakabahan ako.
"A-ah sige lang.." nauutal kong sagot
"Kasi.."
"Aalis na ako"
"Ah?"
"Aalis na ako boo"
"Aalis saan? May lakad ka ba?"
"Boo seryoso ako.. aalis na ako, papuntang canada"Nabigla ako sa sinabi niya. Aalis? Sa canada? Huh? Bakit? Kelan?
"Sabi ni mommy dun na daw ako kasama niya. Isasama na niya ako doon"
"Huh? Pero.. bakit? Baby ko nag j-joke ka lang diba?"
"I'm serious"
"Pero pano na tayo? Ang layo na nun! Paano? No chance of meeting you"
"Wala akong choice. It was mom's decision"
"P-pero babalik k-ka pa naman diba?"
Di ko na napigilang umiyak. Bakit kasi!! P*ta naman oh! Kung kelan okay na kami. Bakit ngayon pa?"H-hindi na" wala na.. napaiyak na talaga ako ng malakas. Natatakot ako sa mangyayari sa relationship namin. Ngayon nga na parehas lang kaming nasa pilipinas pahirapan pa na magkita kami sa personal paano pa kaya kapag nasa canada na siya? Kung ngayon nga na madalas na lang kaming makapagusap paano kung nasa canada na siya?
Wala na akong magagawa pa. Kundi hintayin ang araw na iyon. Araw na ayoko ng dumating pa pero hindi pwede eh. Ayoko magpaka selfish. Alam kong mas mapapabuti siya doon. Dahil makakasama na niya yung mommy niya. Ayaw kong hadlangan ang kasiyahan niya. Ayaw ko. Kung saan siya masaya doon na rin ako pero di ko naman syempre maiaalis na malulungkot ako dahil aalis siya at natatakot ako dahil baka makahanap siya doon ng iba. Pero pinanghahawakan ko yung sinabi niya saakin..
"Kahit umalis ako.. ikaw at ikaw parin ang mahal at mamahalin ko. Sayo lang ako"
Mahal niya ako alam ko kahit medyo may halong takot at pangamba dahil sa pagalis niya napapanatag parin loob ko dahil sa pagmamahal niya.Maghihintay ako.. hihintayin ko siya kahit anong mangyari. She will surely leave this country but then she will always have my heart. Forever.
"COME BACK.. BE HERE"
BINABASA MO ANG
Endure Pain because it's worth it
Roman d'amourAre you afraid of getting your heart broken? Because you choose to love her over and over again? You are willing to sacrifice even if in return, you will be "heartbroken"