NB : 7

2.7K 229 62
                                    

ZIA

"So, the side effects of vaccine in her body is that she can't open her mouth for a certain minute?"

Tumango ako at magthumbs up sa sinabi ng isa sa kaibigan ni Jay na Raphael yata ang pangalan. Eto yung lalaking parang patay kung matulog, akala mo sa kabaong nakahiga.

Kinamot ko ang gilid ng aking labi dahil sa iritasyon. Matapos kaming patulugin ni Queen kaninang madaling araw, paggising ko ay hindi ko na naman maigalaw ang aking bibig. Daldal na daldal na ako, punyetang buhay 'to. Sa dami nang magkakaroon ng diperensya, bakit bibig ko pa? Talagang bibig ko pa.

Bigla-bigla ay kahit nagsasalita ako, kapag sinumpong ay hindi ko na maigagalaw ang bibig ko. Paano kaya kapag natiyempuhang nakanganga ako, baka mamaya ay bahayan ng langaw ang bibig ko.

"Maligo ka na lang muna siguro," saad ni Queen at inabutan ako ng damit.

Kinuha ko iyon at bahagyang inamoy.

"That's clean."

Napaangat ako ng tingin at tinignan kung sino ang nagsalita.

Nakatingin nang matalim sa akin 'yong Raphael.

Napaangat ang aking kilay nang maramdaman ko ang pagluwag ng aking panga, senyales iyon na maigagalaw ko na muli ang aking bibig, thank you, Lord.

Kulang na lang yata ay maiyak ako ngayon dahil makakapagsalita na uli ako.

"Ayos-ayusin mo 'yang tingin mo, ha baka dukutin ko mata mo riyan," pananakot ko kay Raphael dahil hindi man lang naalis ang matalim nitong tingin.

"Tsk," ani lang nito at nag-iwas ng tingin.

"Kung antipatiko lang din naman may-ari ng damit na'to, hindi na ako maliligo!" saad ko at hinigpitan ang hawak sa tee-shirt at isang jersey short.

Nilingon ako ni Jay at nginiwian, "Ma, kumalma ka. Mas maganda siguro kung hindi ka na talaga nakapagsasalita."

Nanlaki ang aking mata sa sinabi nito at gigil na ibinato sa mukha nito ang damit.

"Aba't!" ani ko. "Gusto mong hilahin ko ang dila mo?" pinanlakihan ko ng mata si Jay ngunit ang iginanti lamang nito ay ang paghagis pabalik ng damit sa akin.

"Maligo ka na, Mama Zia. Parang awa mo na."

"Hmp," tugon ko at inirapan nang pamatay si Raphael. Kapag itong lalaking 'to naabutan kong tulog, tatakpan ko ng unan mukha niya para talagang patay na siya.

Pabalang akong tumayo at lumakad, ngunit paatras akong bumalik at hinablot sa kamay ni Theo ang hawak nitong biscuit.

Agad ko iyong sinubo at tinakbo ang distansya patungong rest room.

"Hey! That's mine!" narinig ko pang sigaw ni Theo bago ko isara ang pinto ng rest room.

Humarap ako sa salamin at inayos ang buhok.

"Grabe, thank you sa vaccine ni Jay, ang pogi-pogi ko pa rin," nakangising saad ko at nagpogi-sign sa harap ng malaking salamin.

Halos walang pinagbago ang itsura namin ni Queen, tingin ko tuloy ay another version kami ni sleeping beauty, kaso kami ay sleeping zombie.

Iniwan ko ang damit sa sink at pumasok na sa isa sa mga cubicle para maligo. Kahit ako kasi ay hindi ko na rin matiis ang amoy ko. Mula yata nung naging zombie ako at bumalik sa pagiging tao ay hindi nawala ang malakas na pang-amoy ko.

JAY

"I'll go alone," presinta ni Raphael nang marinig namin ang tunog ng helicopter.

Bumalik ngayon ang buddy niya para sa mga damit pambabae na hiniling namin. Clothes for Mommy Queen and Mama Zia.

NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon