ZIA
Natapos ang pag-aalmusal namin na halos ni isa ay walang gustong magsalita.
Mula noong lumabas ng kusina si Jay ay hindi pa ito bumabalik.
"Ah, kami na maghuhugas ng mga pinagkainan," biglang saad ni Mori.
Halos sila-sila lang nina Maze ang nag-uusap, marahil ay natatakot ang mga ito na kausapin kami dahil sa nangyari kanina.
"Here, if you don't want to eat anymore drink this."
Tumingala ako at nakita ko si Raphael sa aking tabi. May inilapag itong isang tasa ng kape sa aking harap.
Gusto ko sanang magalit kay Raphael dahil hindi nagawang protektahan ng mga kasama niya si Jelly, pero ano pa bang magagawa ng galit ko, tapos na...nangyari na ang hindi dapat mangyari.
Tumango lang ako bilang pasasalamat dito at mabilis naman itong bumalik sa tabi ni Theo.
Nagbuntong hininga ako at inilapit sa akin bibig ang tasa ng kape.
Pilit kong iniiwas ang tingin ko kay Niall at Archer.
Pero ngayong nahimasmasan na ako ay nakakaramdam ako ng hiya dahil sa ginawa ko kanina.
Kapag nalaman no'n na nanumbat ako ay paniguradong hindi nito 'yon magugustuhan.
"Zia."
Humigpit ang hawak ko sa tasa nang tawagin ako ni Archer.
"I'm really sorry for what I've done, I'm also saying sorry in behalf of my father."
Nanlaki ang mata ko nang tumayo si Archer at lumuhod bigla.
"T-Teka, tumayo k-ka!" nagpapanic na saad ko kaya pati ako ay napatayo.
Hindi ko naman hiniling na umabot sa ganitong punto na luluhod ito para humingi ng tawad.
"Hindi mo kailangang lumuhod, at sorry rin sa mga nasabi ko, nabigla lang ako," turan ko pa at sinenyasan itong tumayo.
Baka kapag nalaman pa ni Jelly na lumuhod si Archer sa akin ay mas magalit pa iyon.
Mabuti at tumayo na si Archer. Kita ko ang alikabok sa tuhod nito pero hindi na ito nag-abalang pagpagin pa iyon.
"Okay na kayo?" singit ni Queen na nakataas ang isang kilay.
Lumunok muna ako ng laway bago tumango rito.
"Paano ngayon si Jay? Sino magpapaintindi sa kanya ng sitwasyon?" tanong pa nito.
Nagtinginan kami, kasama na roon si Raphael at Theo.
"Go," biglang saad ni Raphael at itinulak sa balikat si Theo.
"Why me?" nagtatakang tanong nito na itinuro pa ang sarili.
"Jay listens to you when you talked seriously," saad ni Raphael.
Hindi namin alam ang tinutukoy pero dahil halos 30 years silang magkakilala ni Jay, malamang ay mas kilala pa nila ito keysa sa amin na apat na taon lamang ang binuo kasama si Jay.
"After this mess, I'm going to quit as your friend," saad ni Theo at napipilitang tumayo.
Mukhang nagbibiro lang naman ito sa sinabi.
Si Raphael at Theo ay may mahalagang posisyon sa buhay ni Jay. Hindi man namin aminin, pero nagpapasalamat kami sa dalawa dahil hindi nila iniwan mag-isa si Jay sa ganitong sitwasyon, at bukal sa loob pa silang tumutulong sa amin.
Paano kaya kung hindi sumama rito ang dalawa, sino ang magsusupply sa amin? Kaninong sundalo kami hihingi ng tulong? Wala...kung nagkataon ay baka patay na rin kami ngayon.
BINABASA MO ANG
NEW BORN: FFYL 2 (COMPLETED)
Teen Fiction| COMPLETED | CLARK AIRBASE, PAMPANGA YEAR 2085 Kaya mo bang balikan ang nakaraan? Kaya mo bang balikan ang lugar na iyong nakamulatan? Kaya mo bang manatili sa bansang puno ng taong wala sa sarili? O sa tamang salita ay mga taong naging zombie. Kay...