Cairo: Alam mo?
Gavreel: Wag na!Kasunod ng pagkababa ni Gavreel ng telepono noong araw na yun din ang pagkaguho ng mundo ko. Hindi ko akalain na darating kami sa ganito. Siguro nga hindi pa ito ang oras para saming dalawa ni Gav. Di pa namin kilala ang isa't isa.
Nagdaan ang mga araw at buwan, pero hindi na ulit tumawag si Gav. Hindi niya ako inunfriend pero hindi niya din sini-seen ang mga messages ko sa kahit anong soc media accnts niya. Nakikita kong updated siya pero ni isang reply sa mga messages ko na ako di ko na mabilang. Wala..
Tinatawagan ko din naman si Pearl pero laging nauuwi sa
Cairo: Ano bang dapat kong gawin?
Pearl: Let's just give him time, I'm sure tatawag din yun.Naiintindihan ko naman, sympre poprotektahan nya si Gavreel. Bestfriends sila eh. Di ko lang talaga alam ang gagawin ko.
Hanggang sa dumating na nga talaga ang panahon para umalis na kami at tumuloy ng Bukidnon. Nagpadala ako ng huli kong message kay Gavreel, naseen niya! Pero hindi siya nagreply.. Hindi din siya tumawag.
Bumibilis ang mga araw.. Kasabay ng pagbabalik ko sa Bukidnon at sa paaralan, nagpatuloy ang buhay para sakin. Habang dumadaan ang mga araw di ko namamalayan unti unting nawawala si Gavreel isip ko. Napapalitan at nagkakaroon ako ng panibagong binabaon sa araw araw ko.
Tinigilan ko na ang pagpapadala ko ng mga mensahe ko sa kanya. Wala rin naman mangyayari. Siguro hindi na din ako ang gusto nun. Siguro may iba na nga yun ngayon. After 2 years, wala pa bang iba sa kanya?
Inaalala ko na sa parehong araw ngayon, sabay naming pinagdasal si Papa. Kahit sa video call lang, naramdaman kong gusto niya tlaga akong damayan.. Natigil ako ng biglang may pumasok sa kwarto ko
Wesley: Ssob!!
Cairo: Hoy Wesley! Anong ginagawa mo dito??
Weley: Tara roundtrip!
Cairo: Wala ako sa mood. Tsaka madami pa kong tatapusin, naghahabol ako ng requirements
Wesley: Walang problema! Tutulungan kita! Ikaw pa!
Cairo: Pero kasi...Biglang pumasok si mama
Mama Leila: Sige na anak sumama ka na kay Wesley, pra makapagrelax ka naman.
Simula noong bumalik kami dito sa Bukidnon wala akong ibang ginawa kundi ang lunurin ang sarili ko sa pagaaral, gusto ko na makapagtapos sana at magkolehiyo sa Maynila. Paminsan minsan nagla-live stream ako, pero kahit kailan di ko na nakita ang pangalan ni Gavreel.
Sumama ako kay Wesley sa roadtrip na gusto niya. Ngayon lang naman ito, 2 taon na ko dito pero ngayon lang ako makakaalis ng hindi pang eskwelahan.
Cairo: San ba tayo pupunta master?
Wesley: Ewan ko din, kung saan nalang siguro. Para kasing kailangam mong huminga ehNapatingin lang ako kay Wesley. Alam ko naman na alam niya yung nangyari samin ni Gavreel. Hindi nga lang talaga namin pinaguusapan.
Wesley: Ano bang plano ni Gav sayo ssob?
Cairo: Hindi ko alam.. Tinigil ko nang alamin, matagal na yun, kalimutan nalang siguro talaga natin..
Wesley: Eh bat ba kasi sa Maynila kpa magco-college?
Cairo: Mas gsto ko ang opportunity sa Maynila
Wesley: Pano pag nagkita kayo ulit? Babalikan mo?
Cairo: May babalikan ba ko?Sa totoo lang, di naman talaga kami nagbreak ni Gavreel eh. Pero hindi ko din alam kung anong meron kami eh, dalawang taon? I just have forget it all.. Magkikita kami? Pano mo makikita ang isang taong ayaw magpahanap?
YOU ARE READING
Alt Ending
FanficStatus: Complete Started: April 15,2021 An alternate ending that we don't always see and tell. What if Gameboys Episode 13 didn't happen? Will Cairo and Gavreel still have their happy ending?