"Flowers?" Napaangat ako ng tingin. Alam kong nakakunot parin ang aking noo. Why not? Pilit ko kasing inaalala kung naitapon ko ba talaga yung anklet sa dagat. It's been a week since I threw that pero ngayon...suot ito ni Gio! Now that's weird.
"Where did you get that?" Napababa ang tingin nito. Sinundan nito ang aking tinitignan.
"You gave this to me right?" Kunot-noo ako nitong tinignan. "Don't you remember?" Nanatiling tiim ang aking labi. Bakit parang may mali? He seems missing something. Yung paraan nya ng pagsagot.. para bang hindi niya kailanman isinauli ang anklet sa akin.
"You gave that back to me." Bakas sa mukha nito ang kalituhan.
"I didn't. I never--"
"Apo! Tara na't kumain ka muna. Tumawag sa akin ang pinsan mong si Miguel. Hindi ka raw nakakain roon." Lola said. Huminga ako ng malalim bago maglakad papunta sana sa kusina. I didn't even look at Gio who's waiting for me to get the flowers Pero hindi pa ako nakakalayo ay umatras ako ulit patungo sa kinatatayuan ni Gio at walang sabing kinuha sa mga kamay nito ang flowers. Hindi naman kasi dapat madamay ang mga bulaklak sa inis ko sa kanya. Besides..sayang.
"You need to eat these fruits ..here.." hindi ko mapigilang magtaas ng kilay. Kanina pa kasi ako inaasikaso. Hindi ko naman matanggihan dahil nasa harapan lang namin si lola na kuntodo ngiti.Mukhang kinikilig pa.
"Ang swerte mo talaga apo sa asawa mo.." lola said na kokontrahin ko sana nang biglan magsecond emotion ang katabi ko.
"Thank you po lola." Wow! Damang-dama nya ang paglola ha. How long has he been here? Mukhang kilala niya ang mga tao dito sa bahay e.
"Lola..he's not my husband. We are not married." Paglilinaw ko. I don't want to give anyone wrong speculations with my relationship with Gio besides, he's Mira's fiancee.
"Yes we are not..but sooner we'll get there. Gusto ko nga po sanang bago makapanganak si Nica ay kasal na kami" kamuntikan ko ng maibuga ang iniinom kong tubig. What the f! Ano bang nalulon ng lalaking ito?!
Nakita ko ang pagkislap ng mga mata ni lola. Ngingiti-ngiti pa ito. "Well..that's good. I'll be waiting for that to happen. Ayokong magaya si Nica kay Mira na nabuntis at hindi pinakasalan. " napatigil ako bigla. Naramdaman kong natigil din ang katabi ko.I'm sensing guilt over here. He should really feel that way.
"Excuse me lola. Tatawag po kasi si Darri. " I said. Matapos tumango ni lola ay agad na akong sumibad.
****
I heard someone knocking. "Come in" I am busy looking for a good channel to watch. I am really bored at gusto ko sanang lumabas kaya lang--
"Hi." It's Gio.
"What do you need?" I said without even looking at him and continue pressing the remote.
"I bought you some mangoes..lola Lilac said, pregnant women love mangoes so.." bigla akong natakam lalo na nang iangat nito ang plastic na punung-puno ng mangga. Hindi ko pinahalata ang excitement ko.
"Ugh..just put it on the top of the table. " I said. Kumunot ang noo ko nang lumapit ito sa akin at may bitbit na salt and knife. Umupo ito sa tabi ko at sinimulang magbalat ng mangga.
"I want to see you eating these.." I lick my lower lip. Nangangasimna kasi ako. The mango smells divine! Argh! Ganito talaga ata pag naglilihi. "Here." Inabot nito ang nakahiwang mangga. Tinanggap ko ito at agad sinubo. Napapikit pa ako sa sarap. Heaven! Nahiya ako bigla dahil narinig ko pang natawa si Gio. Tuluy-tuloy lang ako nitong inabutan.
"Uh..thanks." I said. Nakatitig lamang ako dito.
"I know how mad you are to me....pero gusto ko talagang bumawi Anica. I have been a jerk for not recognizing what you feel. Sana...sana..mapagbigyan mo ko. I want us to start anew. " he said while slicing the mangoes. Hindi ito nakatingin sa akin dahil busy ito sa paghiwa kaya pinagsawa ko ang aking mga mata sa pagtitig.
"How about Mira?" I asked.
Nahinto ito at nag-angat ng tingin sa akin kaya umiwas agad ako ng paningin. "I don't know...basta ang alam ko, nandito ko. I..I just cant stay away from you..There is this deep feeling na ayokong lumayo sayo..and so I stay and I am staying." Hinawakan nito ang aking kamay. Hindi niyo hinayaang makaals ang kamay ko sa pagkakahawak nito. Hinalikan nito ang aking palad.
"If marriage is the only key for you to forgive me...for you to let me stay....then I'll ask you to marry me now..." Nanlaki ang akin mga mata. Napaawang ang aking mga labi. He just asked me to marry him! Ako na ba ang pinili niya?
"G-Gio..." I'm truly speechless. "If this is about the child sinabi ko na sayon---" naputol ang aking sasabihin nang malapat na ang aming mga labi.
"I have decided...I'm choosing you..I'm choosing to stay with you forever." Halos manlambot ako sa mga sinasabi nito..pero may kulang..there's something missing from it.
"No." Iyon lamang ang naisagot ko pero sapat na para makita ang pagkagulat nito.
"A-Anica...I know you're mad at me..--"
"I said no. I am not marrying you. I can't marry you..nalilito ka lang. What you're feeling is pure guilt. " I told him. Alam kong matagal ko ng ninais na mangyari ito pero not at this point. Alam ko kung paano maiwan..he made me feel that..pero si Mira..he just can't dump her!
"Anica..hindi na kita maintindihan. You want me to choose..I now choose you..pero lumalayo ka..hindi..mo na ba ako mahal?" I love you..gusto ko sanang isagot ngunit nanatiling tikom ang aking labi. Yes..I still love this guy who keeps on breaking me..
Napalunok ako sa tanong nito. "Look at me...don't you love me anymore?" Hinawakan nito ang aking mukha. I want to look away pero hindi ko magawa dahil sa hawak nito. "Sweetheart..please answer me.." nanatiling tikom ang aking labi.
Marahas itong bumuntung-hininga at tumayo't lumabas ng kwarto ko. Sinundan ko lamang ng tingin ang pag-alis nito. I'm so sorry Gio...but I want to know kung hanggang saan mo ko kayang samahan..natatakot akong mapalapit sayo dahil alam kong anumang oras kaya mo kong iwanan ulit. Tears escape from my eyes.
****
Hapon na nang maisipan kong lumabas ng kwarto. Nakakapagtaka dahil wala akong naabutang sinuman. Oh why should I expect Gio here anyway? Siguradong masama ang loob nito sa akin. Well...gusto ko rin sana siyang makausap. I think I could give him a try..pasasaan ba't makakasama ko din naman ito dahil sa anak ko...anak namin..Naisip ko, the fact that he left everything in Manila..his work and his family..sila Mira..siguro..siguro nga may pag-asa pa. Hindi ako umaasa, pero siguro para nalang sa anak ko..Yeah..para sa kanya.
But marriage is a no. Buo na ang desisyon kong hindi magpakasal kay Gio. Ayokong magpakasal out of guilt, or pity.. I just hope that this time...Gio won't waste the chance I'm giving him.
"Lola!" Naabutan ko ito sa garden. "Have you seen Gio?"
"Hindi ba nagpaalam sayo?" Sunud-sunod na pag-iling ang ginawa ko. "Umalis kanina pa nga at hindi pa nabalik..nga pala, hindi mo nabanggit na magkakilala pala sila ng ate Mira mo?" Nangunot ang aking noo. Bigla akong nakaramdam ng kaba.
"Ho? Pa-paano nyo po nalaman?" I managed to ask.
"Aba..ayun, sinundo ng asawa mo sila ate mo, kasama pa nga ang anak niya. Excited na rin akong makita ang bata..matagal-tagal ring walang bata dito.." hindi ko na naintindihan ang sinasabi ni lola. Sinundo niya? Ibig sabihin...
"Dito daw muna sila manunuluyan.." at tila nasagot ni lola ang aking katanungan sa isip. Agad akong nakaramdam ng panlalamig dahil doon...
Oh God! This can't be.
--------------------------------------
A/N
Short UD. Maraming salamat po sa walang sawang paghihintay ng updates! :)
Please vote and leave comments! ♥♥
BINABASA MO ANG
His Past Lover (PUBLISHED UNDER IMMAC)
RomanceGio Kazer Sanreal is the known CEO of the third largest and most successful corporation across Asia, the Sanreal Corporation. He is one of the youngest bachelors of his time at the age of 25. Papaano tatakasan ng isang Anica Denise Salazar ang kaga...