Chapter 12 - Realization

359 11 0
                                    

Rocco POV

"Rocco? Saan ka pupunta?" Tanong ni Mommy ng maabutan niya akong nabibihis na.

"Lalabas na."

"Hindi. Hindi ka pa pwedeng lumabas." Sabi niya saka humawak sa magkabila kong balikat.

"Mom. Ano ka ba? Lagnat lang naman yun."

"Eh, Saan ka nga pupunta?"

"Kay Sydea." Sagot ko at agad naman niya akong binatukan sa ulo.

"Aray naman Mom!" Sabi ko habang hinihimas ang ulo ko. Masakit kasi pagkakabatok.

"Bakit mo siya pupuntahan kung siya ang may dahilan kaya ka nagkasakit!" Sigaw ni Mommy. Ang tinutukoy niya siguro ay yung nasa bahay bakasyunan kami.

"Ano ka ba naman Mom?! Parang hindi mo kilala itong anak mo! Alam mo namang manyakis ako, edi malamang pinarusahan niya ako!" Sagot ko

"Ano? Anong sabi mo?!" Sigaw ni mommy saka hinampas hampas ako

"Ano ba mom! Kagagaling ko lang oh!" Sabi habang sinasangga ang mga hampas niya

"Kagagaling ha? Ikaw mismo ang nagsabing lagnat lang yan!" Aniya niya habang oatuloy parin akong hinahampas

"Aray! Tama na." Sabi ko

"Dahil sa kalokohan mo napagsalitaan ko tuloy ng masama si Sydea! Kasalanan mo 'to!"

"Ha? Anong pinagsasabi niyo?"

"Sinabi ko na kasalanan niya kung bakit ka nagkasakit kaya naman ay kinansela ko na ang kasal niyo!"

"Ha??? Mommy naman!"

"Hay naku. Paano na ngayon yan? Paniguradong walang gustong magpakasal sayo dahil babaero ka! Si Sydea lang ang matino na napagtitiisan yang ugal mo! Hays! Dyan ka na nga!"

Napamaang ako sa sinabi ni Mommy. Tama naman siya. Wala na sigurong matinong babae ang magpapakasal sa akin. Swerte ko na nga kay Sydea kung tutuusin. Tanga nalang ako kapag pinakawalan ko pa siya.

Dali dali akong nagpunta sa bahay nila para makausap siya.

Nang makarating sa bahay nila ay bumukas kaagad ang gate kaya pinasok ko na ang kotse ko sa loob.

Sa kabilang dako ay nakita ko sina Tita at Tito kasama si Synthea na nakabihis. Mukhang may lakad. "Oh, the great Rocco! Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Synthea nang makalapit sa akin samantalang sina Tito at Tita ay tinignan lang ako saka pumasok sa kwarto.

"Gusto kong makausap si Sydea."

"Talaga? Bakit naman? Akala ko ba kinansela na ng Mommy mo ang kasal niyo?"

"Hindi kasi alam ni Mommy ang totoo."

"Oh? Ano namang tingin niyo sa pamilya namin? Akala niyo ba masasayangan kami sa pagkansela ng kasal niyo? Tuwang tuwa pa nga kami na hindi ikaw ang mapapangasawa ng kakambal ko. Alam mo ba kung saan kami pupunta? Sa mga business partners namin. Ihahanapan namin si Sydea ng mapapangasawa tutal naman paniguradong maraming magkakandarapa sa kanya." Sabi niya at matawa tawa pa.

"Synthea!" Tawa ni Tita sa kanya

"Bweno, maiwan ka na namin. Kung gusto mong magmakaawa kay Sydea nasa Garden lang naman siya." Sabi niya saka pumasok narin sa kotse.

Sinundan ko lang ng tingin ang kotse hanggang makalabas sila ng gate.

Inaamin ko namang maswerte na talaga ako kay Sydea at siya lang talaga yung malas sa akin. Tingin na ng mga tao sa akin ay ang dumi dumi ko. Marahil din ay iniisip nila kung may HIV o AIDS na ako. Hindi maiiwasang mag-isip sila ng masama at wala akong magagawa dahil mali naman ang mga ginagawa ko.

Bakit nga ba ako naging babaero? Hindi ko alam na darating na ako sa puntong ganito na tila ba'y unti-unti na akong natatauhan.

Naglakad ako patungo sa hardin at nandoon nga si Sydea. Pinagmasdan ko lang muna siya sa malayo habang abalang nagtatanim ng nga bagong tubong halaman.

Maya maya rin ay napansin niya rin ako. "Magaling ka na pala." Sabi niya saka balik ng atensyon sa mga halaman.

Lumapit ako sa kanya at lumuhod na siya namang gulat niya. "Sydea.."

Napaatras siya sa gulat ng makita akong seryoso. "Oh?"

"Mahihintay mo ba ako?"

"Ha?"

"Magbabago ako. Hintayin mo lang ako."

"Anong pinagsasabi mo?" Nagugyluhan niyang tanong.

"Mag-aaral ako sa ibang bansa sa susunod na pasukan. Doon. Mag-aaral ako ng mabuti. Hindi na ako mambababae. Mahihintay mo ba ako?"

"Mahirap sagutin ang tanong na yan Azerk. Ilang taon ka bang mawawala? Makakaya mo ba talaga?"

"Dalawang taon. Dalawang taon lang ang hinihingi ko pero kung hindi mo na talaga kayang maghintay pa ay ayos lang. Kahit hindi naman talaga ayos sa akin ay tatanggapin ko."

-

SYDEA POV

"Dalawang taon. Dalawang taon lang ang hinihingi ko pero kung hindi mo na talaga kayang maghintay pa ay ayos lang. Kahit hindi naman talaga ayos sa akin ay tatanggapin ko." Sabi niya ng isa isang nagsipatakan ang kanyang mga luha.

Ngayon ko lang siya nakitang ganito. Para pala siyang bata na nakaluhod at umiiyak.

"Hindi ko maipapangako.. pero susubukan ko sa abot ng aking makakaya Azerk.."

Tumulong muli ang kanyang mga luha. "Patawarin mo sana ako sa mga kalokohan ko."

"Patawarin mo muna ang sarili mo." Walang tigil ang kanyang iyak kaya naman ay lumapit ako sa kanya para yakapin siya.

"Mag-iingat ka sana.."

"Ikaw rin. Ipababantay kita sa mga tropa ko." Sagot niya. "Sige na. Kailangan ko ng mag-empake. Marami ba akong aayusing dokyumentong dadalhin ko." Dagdag niya saka kumalas sa pagkakayakap ko.

Ngumiti ako at sabing, "Sige."

Pinanood ko siyang umalis ng gate saka nagbalik sa hardin. Naupo ako sa upuan at napasandal.

Mahihintay ko nga ba siya?

Hindi ko alam. Hindi ako sigurado at ayaw ko rin namang mangako.

"Hindi ko inaasahan yun ah." Sabi ni Synthea na nanggaling kung saan. Sa likod niya ay sina Mommy at Daddy.

"Oh. Akala ko ba may pupuntahan kayo?"

"Mayroon nga anak. Kaso ng makita namin si Rocco ay nagbalik ulit kami. Baka kasi kung anong mangyari sayo." Sabi ni Dad

"But, hindi namin in-expect ang pangyayari. Like, I was so shock." Dagdag ni Mom

"Well.. what is your plan Sis?"

"Bago pa man siya pumunta dito tinanong niyo na ako.. At yun parin ang desisyon ko.."

"Ganun ba? Sige na nga! Tara na Mom and Dad. Oras na para maghanap ng mapapangasawa ko." Sabi ni Synthea paalis kaya naman ay napatingin kami tatlo agad sa kanya

Tumingin naman sa akin si Mommy at kumindat saka nag-okay sign. Pagkatapos noon ay umalis na nga talaga sila.

Napangiti nalang ako.

Hindi ko alam kung nababaliw na ba ako o ano? O kung talaga bang nahuhulog narin ako kay Azerk. Kung ganun ay malaking halaga pala ang isusugal ko sa laban naming ito.

Ito ay ang aking puso.

Sana nga maayos ang lahat. Umaasa ako kahit hindi ko man aminin ay umaasa ako sa mga sinabi niya sa akin. Babae rin ako na marunong magmahal at gustong makaramdam ng pagmamahal sa taong minamahal niya.

Haha!

Grabe ka talaga kupido!

Kapag itong plano mo ay pumalpak baka ikaw na ang mapana ko!

His KARMA ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon