Why so Paasa?

14 0 0
                                    

Okay na e. Hulog na hulog na ako. Pero bakit ganun? Akala ko sasaluhin mo ako, yun naman pala hindi. Grabe ah! Ang sakit. Sorry a, akala ko kasi totoo. Hindi pala. SORRY.

Why so Paasa?

--

"Magandang Buhay Everyone!!!" bati ko sa aking pamilya na ngayo'y readying-ready nang kumain ng breakfast.

"O halika na, nak. Kain na tayo't baka malate pa kayo sa klase niyo." Sabi naman ng aking mother dear.

"Opo" at nagumpisa na kaming kumain.

~

By the way, highway, on the way sa puso ni crushey. I'm Aria Ann Velez but you can call me Aria/Ann/Aria Ann. Maganda naman name ko e. HAHAHA xD 15 years of age, Grade 9-Google student in Turtle Net National High School.

7 M's:

Maganda. Matalino. Mabait. Makulit. Matakaw. MEDYO chubby but not so really. At May lihim na pagtingin sa tropa naming si Leonard Mariano at umaasang kanyang mapansin higit pa sa kaibigan.

Haaayy. O aking Leonard! Kay saklap ng ating tadhana. Pilit nito tayong pinaglalayo. Oh my G.

Wai-wait! Hindi pala tayo pilit pinaglalayo ng tadhana kasi close tayo e. Yun nga lang hanggang friends lang tingin mo sa akin. Pero kahit ganun umaASA pa rin ako na sana dumating ang araw na magustuhan mo rin ako. Hihihi

Yay! Like other stories mag-uumpisa tayo sa first day of classes. Hahaha Ganun talaga.

"ARIAYAAAAANNNGGGG!" Oh! I know kung sino nanaman nagsisi-sigaw ng ganyan -_-

"Lower your voice, ANDREAAYAAAANNGGG" ginaya ko pa yung pagsigaw niya.

"Na-miss lang kita bespren kooo" sabay hug niya saken. She's so sweet talaga kaya I love her e. Ooops, as bestfriend baka kasi may ibang nag-iisip na I'm T-boom.

"I miss you too bespren kooo." At nagyakapan nga kami sa gitna ng highway-ay mali! Hallway pala. Sarreh.

"Tabi nga diyan! Mga hampaslupa!"may biglang bumunggo sa amin. Oh! There we go again. The most FAMOUS bitch here in school, Celine Mendoza.

"Did you just say "hampaslupa"? Ang kapal din ng mukha mong leche ka. Hindi ka naman perpekto ah! Sinisira no ang beauty kong babae ka." Sabi ng bestfriend ko. Haha. Paalis na sana kami kaso, biglang hinila ni bitch yung buhok ni bessie.

"Bessie, hayaan mo na lang siya. Let's go." Kailangan na naming umiwas kung hindi ay Guidance office ang bagsak namin. First day of school pa naman.

Pagkarating namin sa room ay agad kaming umupo sa harap. Yung sa harap mismo ng teacher. Mas gusto kasi namin dito ni Andrea para maintindihan namin agad yung lesson at saka medyo malabo na rin yung mga mata ko e.

"Good morning Aria and Andrea :)"

Help me! Parang nahuhulog nanaman ang puso ko. Please pengeng Glue.

Si Leonard lang naman kasi ang bumati sa amin.

"Morning din Leo."-Andrea

"Uhm gandang buhay Leonard."-me in my pa-cute style hihihi

"Dito na lang ako sa tabi mo uupo a."

"Su-sure. :">" Tabi kami. Like Oh my G.

Ilang sandali pa ang lumipas ay dumating na rin ang adviser namin. And as usual, nagpakilala lang kami isa-isa. At sa lahat ng subject ganun lang ginawa namin kahit na halos magkakakilala na kaming lahat.

Weeks passed. Lagi kaming magkasabay nila Bessie, Leonard, at iba pa naming mga tropa na sina Jean at John na twins, at si Arturo este Art pala. Ayaw niya kasing tawagin siyang Arturo e. Alam na thiss HAHAHAHA

At mas lumalim pa ang pagka-crush ko kay Leonard. ♥♥♥

"Aria, Andrea, sabay-sabay na tayong mag-lunch. Wala pa naman yung kambal at si Arturo."

"Sure Leo,basta libre mo kami ni Aria a. Tara na Bessie."

"Hahahaha Sige libre ko kayo."

I'm happy kasi makakasabay ko nanaman siyang kumain. Pero parang may nahahalata ako. Haist nevermind :3

---

"Aria, pwedeng humingi ng favor?"-Leo

Hmm, ano kaya yun? Hihingin kaya niyang favor ay ang pagpayag kong ligawan niya ako. Hihihi Aria,wag mag-assume!

"Sige. Ano yun?"

"Pwedeng this weekend na lang natin pag-usapan? Sa mall?" O.M.G. He's asking me out for a DATE?

"Sure. What time ba?"

"Basta. Sunduin na lang kita sa inyo."

"Ok." Ang saya! :D

"Thanks Aria a."

"No problem. Tara na sa classroom baka malate tayo." Ayun! Sabay kaming pumasok ni Crush.

--

"Atee! Andito na si kuya Leonard!"maka-sigaw itong kapatid ko,Wagas!

"Wait lang kamo." Nag-aayus na ako. Nakasimpleng T-shirt lang ako at pants.

Pagkatapos ay lumabas na rin ako ng kwarto.

Parang nag-slowmo yung paligid nang makita ko si Leonard. Kahit simple lang ang suot niya, ang gwapo gwapo pa rin niya.

"Tara Aria. Let's go."

"Sige. Ma,Pa alis na po kami."

"Sige 'nak. Mag-ingat kayo. Leonard,ikaw na bahala sa anak ko a."

"Sige po Tito, Tita :)"

--

"Tara, arcade muna tayo?" What? Arcade? Kami? Is this a DATE? Oh c'mon, assuming is bad to our health, specifically in brain and heart. And I will take the risks and ASSUME.

"Sure. " Baka magtapat siya sa akin mamaya.

So yun nga, naglaro kami sa Timezone, nagbasketball, sumayaw, kumanta, at marami pang iba.

Enjoy na enjoy talaga kami.

Hours passed, we decided na kumain na sa McDo.

"Anong gusto mo Aria? Libre ko."

"Talaga?! Libre mo?" Tamang-tama gutom na gutom na ako.

"Oo nga."Yes!

"Miss, isang large fries and coke float po. Ano sa iyo, Aria?"

"Umm, isang 1 pc. Chicken and rice, cheeseburger, large fries, and coke float po.hehe"

"Oww, gutom na gutom ka a.Hahahaha"

":3 Wag na nga. Tinatawan mo naman ako e."

Siya na ang nagbuhat ng inorder namin. Ang gentleman niya no? Hihihi

"Leonard, dun tayo o" nasa medyo dulo yun pero no choice lahat occupied na except dun

"Sige :)"

--

Grabe! Busog na busog talaga ako.

"Alam mo Aria, I like you.." Oh. My. GOD. Aircon please, ang init!

Gusto ako ng crush ko? O_____0

"I-i like you too Leonard. Mahal na nga ata kita e."

"No! No! Aria, I mean I like you as my friend. I'm so sorry but si Andrea ang mahal ko. At gusto ko siyang ligawan." I. Can't. Breathe. Naiiyak ako. Bakit sa bestfriend ko pa?

Bakit ba kasi ako umasang sa akin siya magkakagusto? Ay gusto pala niya ako... as his FRIEND nga lang </3

"O-ok. Alis na pala ako. Good luck at sana maging masaya kayong dalawa. Kalimutan mo na yung sinabi ko kanina. Sige bye." Ngumiti ako pilit at nagmadaling umalis.

Ang sakit ma-friendzoned, pero mas masakit pa ring umasa sa taong may mahal ng iba. I know na kasalanan ko kung bakit ako nasasaktan. Ang tanga ko kasi, assume pa ako nang assume, wala naman pala siyang feelings sa akin.

Kasi naman..

"Why so PAASA?"

My Collection of One-shot storiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon