<Alexandra’s POV>
a little bit tipsy
a little bit naughty.
awh! Ako nga pala si Alexandra Bautista, 18. Bagong lipat dito sa probinsya dahil sa namatay ang mga magulang ko sa isang aksidente. kaya kinuha na ako ng lola ko dahil sa wala na akong ibang kasama. para na akong nililipad sa hangin dahil sa pagkamatay ng mga magulang ko. wala naman akong magawa kundi tanggapin na lang.
ilang buwan din akong hindi makausap dahil sa traumatic experience na yun. kaya ito, nagpapakalayo layo sa lugar na yun para makalimot at magsimula sa buhay.
nilipat na din ako ng university ni lola malapit sa bahay.
...
unang araw..
natural, wala akong kakilala. -_-
tanging bitbit ko lang ang certificate of registration at students handbook na binigay sakin sa enrollment. malaki naman ang university na ‘to kumpara sa school ko dati.
tiningnan ko rin ang schedule ko.. first period 8:00 am.
maaga ako ng 1 oras kaya naglibot libot muna ako papunta sa room ng 1st period ko. malayo layo pa din ang engineering building kaya dumaan na muna ako sa college of business building.
madaming mga estudyanteng pakalat kalat. yung iba halatang tumanda na dito este mga old students dito dahil kung makapagkwentuhan ang lalakas ng boses..
palinga linga lang ako sa mga dinaanan ko hanggang sa naramdaman ko na lang na may bumangga sakin..
“Ouch! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaan mo!” singal ng babae. maputi. mahaba ang buhok. petite.
napatingin ako sa kanya at agad akong nag sorry kahit hindi ko naman kasalanan.
“Sorry, Miss” saad ko. eh, sya naman talaga ‘tong bumangga sakin.. duh?! hindi ko pala dapat ilabas ang kamalditahan powers ko dito dahil bago pa lang ako.
tinaas lang nya ako ng kilay saka lumakad palayo.
seriously, ganito ba ang mga tao dito? -_______-
//
nagpatuloy na lang ako sa paglalakad hanggang sa makaabot ako sa engineering building. may mga nakasabayan akong mga estudyante sa paglalakad sa stairways. 3rd floor kasi yung room ko. -_- nak ng pating! napapagod na akong maglakad. -____- buti na lang malakas pa ang mga magaganda kong paa.
umabot naman ako sa room. wala pang teacher.
-_-
ang gugulo ng mga kaklase ko. kaya humanap ako ng upuan na malayo layo sa ingay. may mga tumingin at bumati sa’kin. halatang kilala nila ako? yung iba kasi sabay kong nag enroll.
yung ibang lalaki naman panay ang tingin sakin. -________-
i just gave them my cold look.
i hate men.
except my father.
parang nageneralize ko lang kasi ang mga lalaki dahil sa past love life ko. Pakshit! ayan na naman ako! Umaga pa lang. naiinis na ako...
nakadungo na lang ako sa desk dahil wala pa ang prof... hanggang sa may tumapik sa akin...
“Miss, nahulog mo yung COR mo” saad ng isang lalaking katabi ko lang pala.
napalingon ako sa kanya. ang lapad ng ngiti. parang ganito ^_____________^
nakapag agahan siguro ‘to kaya energetic.
kinuha ko lang ang COR ko.
“Salamat” tipid kong sagot saka bumalik sa pagdungo sa desk.
“Ako nga pala si Caiden. Transferee ka, Miss? anong pangalan mo?” tuloy tuloy nyang sabi. ang kulit naman ng lalaking to.
umayos na ako ng pagkaka upo. sasagutin ko na sana ang tanong niya nang biglang dumating na ang prof namin.
“Ah, sige mamaya mo na lang sagutin. andyan na si Prof Teror” sabi nya saka umayos ng upo.
napansin ko rin na parang kabado ang mga kaklase ko dahil dumating na ang prof. Gaya ng ibang prof, naggreet muna kami saka umupo.
tiningnan niya ang buong klase. at para bang agad niyang nahuli ang tingin ko. maya maya pa’y nagsalita na ang prof...
“Well, I’m glad that the transferee student is in my class. Kindly introduce yourself to us” nakangiting sabi ng prof saka yung ibang kaklase ko, all eyes on me.. parang spot light na nakatutok sakin.
agad akong tumayo pero hindi naman ako kinakabahan. sanay na din akong magsalita sa maraming tao..
“Alexandra Bautista, 18 from **** university. nice meeting you all” sabi ko saka bumalik sa upuan ko.
ayoko naman kasi magpakilala ng bonggang bongga. ewan ko ba wala ako sa mood na maging madaldal. nahawa tuloy ako sa babaeng nakabangga ko kanina.
ang prof naman panay lang ang ngiti saka nagsulat ng dalawang problem solving.
okay. nice. quiz kaagad.
halos 10 minutes ko lang sinagutan ang problem.
napatingin ako sa mga kaklase ko... para bang takot na takot na nandyan ang prof. at kung makaupo sa upuan nila parang nagbabasagan ng bungo. O_O
grabe naman sila -____-
sa kabila ko naman, itong si Caiden... halatang hirap na hirap sa kakasolve.
natatawa tuloy ako sa itsura nya...
tsk.
ba't naman ako naaliw sa kanya?
naaaliw?
wrong choice of word.
i hate men.
they're sh*T!
-_____-
*to be continued...
BINABASA MO ANG
angel devils
Teen Fictionhow love turned to be so cruel? so unfair? so, is this love or not?