"Shaneah! Nandito na kami!!", mabilis akong bumangon mula sa aking kama nang marinig ko ang malakas na sigaw ni Yna at Lizzy.
Agad akong tumingin sa wall clock ng aking kwarto at nanlaki ang aking mata nang makita kong pasado alas syete na ng umaga.
Patay!
Ngayon ang unang araw namin sa bago naming school, plano naming agahan ang pasok dahil maghahanap pa kami ng room.
"Shan-shan anak?", dinig kong tawag ni mama mula sa labas, marahan din siyang kumatok sa aking pinto.
"Susunod na mama", agaran kong saad.
"Bilisan mo, naghihintay na sa terrace si Yna at Liz", paalala niya.
"Opo", magalang kong sagot at agad nang pumasok sa loob ng cr.
Hindi ko na inintindi pa ang lamig ng tubig na dumaloy sa shower, mas nanlalamig kasi ang loob ng katawan ko dahil sa kabang aking nararamdaman.
Ano kaya ang gagawin namin sa araw na 'to? Makakapagcutting pa rin kaya ako sa bagong eskwelahan na 'to?
Noong junior high ako ay madalas akong tumakas sa room, madalas akong tumatambay sa ilalim ng mangga malapit sa gate, ang tanging ginagawa ko noon ay batuhin ang mga bunga ng mangga at manghingi ng asin sa canteen.
Si Yna at Liz ay hindi sumasama sa'kin dahil masyado silang duwag, bukod pa rito ay matitino sila, lagi silang nasa library o kaya ay sa sulok ng room namin para mag-aral.
Taliwas sa lahat ng gawain ko.
Ewan ko ba kung bakit naging kaibigan ko sila, hayst.
"Buti naman natapos ka na Shan", sarkastikong sabi ni Lizzy nang lumabas ako at pumunta sa aming terrace.
"Sorry na, nakalimutan ko kasi na ngayon pala 'yong pasukan", kinamot ko pa ang aking batok.
"Paanong hindi mo malalaman? Hindi ka naman nagbabasa ng messages sa group chat na'tin", saad niya pa.
"Tama na 'yan, tara na, malelate na tayo masyado, maghahanap pa tayo ng room", seryosong sabi ni Yna.
"Oh mga iha, pabaon ko sa inyo", paalis na kami nang lumabas si mama habang dala dala ang tatlong sandwich na nakalagay pa sa clear na plastic.
"Salamat po Tita Marry", sabi ni Lizzy.
"Walang anuman, mag-iingat kayo huh?", paalala ni mama.
"Babye na mama, mahuhuli na kami sa klase", paalam ko rito at hinalikan ang kaniyang pisngi.
"Siguraduhin mo lang na mag-aaral ka nang mabuti Shan-shan! Ayokong uuwi ka nang marumi ang uniporme mo, dalaga ka na", maawtoridad na sabi niya.
"Opo mama", sabi ko at hinila na si Yna at Lizzy palabas ng gate.
"Ayusin mo ang kilos mo Shaneah, unang araw palang ng klase, iwasan mo na ang mga kalokohan mo", paalalang muli ni Yna.
"Oo na po", natatawang saad ko.
Ilang minuto pa kaming naglakad bago marating ang sakayan ng tricycle. Agad kaming sumakay sa loob at pinaandar din naman ito agad ni Manong Driver.
"Para po, dyan lang po sa tabi", malakas na sabi ni Lizzy.
Pagkatapos naming magbayad ay pumasok na kami sa loob ng gate.
Hindi gaya ng sa luma naming school, no I.D, no entry ang polisiya rito.
Buti na lamang ay kasabay ng enrollan ang pagbibigay nila ng I.D. kung kaya't nakapasok kami.
BINABASA MO ANG
We're Totally Different (Teen Series #1)
Teen FictionTeen Series #1 Si Shaneah Gomez ay isang happy go lucky na Senior High School Student, hindi importante sa kaniya ang anumang bagay, ang mahalaga'y masaya siya. Siya ay isang STEM Student ngunit hindi niya naman nakikita ang sarili bilang isang inhi...