Kabanata 3

7 1 0
                                    

Nang matapos kami sa pagkain ay bumalik na kami sa kaniya-kaniya naming room. At syempre, napahiwalay na naman si Yna sa amin ni Lizzy, ang kaibahan lang ngayon ay kasabay namin si Ken. Ewan ko ba rito, akala ko sa lunch lang sasabay, pati pala sa pagpasok.

"Wala ka bang friends Ken?", tanong ko rito habang umaakyat kami sa hagdan.

"Bago lang din ako rito, gaya ng iba, wala pa 'kong friends, pwede ba kayo?", tanong niya.

"Oo naman!", magiliw kong sabi.

Nakita kong pinandilatan ako ni Lizzy ng mata ngunit binalewala ko na lamang siya. Masaya kapag maraming kaibigan, mas marami kang pwedeng pagkopyahan tuwing quiz, mas marami kang kasama sa kalokohan, at mas marami kang mahihingan ng papel at pagkain.

Nang makabalik kami sa room ay lumipat si Ken sa harapan namin, para raw mas malapit. Hindi naman siguro siya papagalitan dahil wala namang sitting arrangement. Next subject namin ay ang adviser namin, ang alam ko ay last na rin siya dahil 3:00 pm ang dismissal tuwing Monday.

"So today class, I want to rearrange your seats for you to be able to communicate with your other classmates", our adviser greeted us with this lines instead of saying 'good afternoon'.

Grabe naman si ma'am, wala nang intro intro, deretso na agad sa pakay niya.

"Ms. Guevarra", kinabahan ako nang mailagay sa pangalawa sa dulo si Lizzy, sana katabi ko siya, natatakot ako na walang makopyahan pagdating ng exams.

"Mr. Alfonso", nagulat ako nang lumapit at umupo si Ken sa tabi ni Lizzy. Gumuho ang natitira kong pag-asa nang lumapat ang pwet niya sa upuan.

Paano na 'yan? Nakita kong tumingin sa akin si Lizzy habang nakangisi, siguro'y kitang kita sa mukha ko ang panghihinayang at kaba, kilalang kilala na niya 'ko.

"Mr. Montell", tinawag ni ma'am si Luke at pinaupo sa dulong bahagi ng mga upuan, sa pinakalikod.

"Ms. Gomez", nagulat ako nang ako ang pinaupo niya sa tabi ni Luke.

Kinakabahan man ay agad na rin akong sumunod. Nakita ko ang kaniyang ngisi mula sa aking peripheral vision at nang lingunin ko siya, sumeryoso bigla ang mukha niya.

"Weirdo", mahina kong saad.

Hinila ko mula sa likod ang buhok ni Lizzy. Nasa harap ko kasi ang upuan niya.

"Ano na namang problema mo Shaneah?", iritado niyang tanong at bahagyang humarap sa akin.

"Hello Shan, malapit pa rin tayo sa isa't isa", biglang singit ni Ken.

"Hello Ken! Swerte mo katabi mo si Lizzy, buti ka pa", malungkot kong saad.

"Ikaw din naman swerte", hindi ko alam kung guni-guni ko lang 'yon o ano, basta nakita ko ang pagnanasang bumalatay sa mata ni Ken nang humarap siya kay Luke. Napailing na lamang ako, baka guni-guni ko lang 'yon.

Marahang tumikhim ang katabi ko kaya nanahimik kaming tatlo at umayos na ng upo.

WALANG masyadong nangyari sa unang linggo ng pasok namin. Gaya ng inaasahan, puro pakilala lang at kung ano anong activity ang pinagawa sa'min. Pero ngayong week, hindi ko lang sure.

Paniguradong magsisimula na ang natural na klase, mahirap kaya? Hindi ko pa naman gusto ang strand na 'to. Pero okay na rin, hindi ko naman alam kung anong gusto ko.

Kasalukuyan akong nakaupo sa designated chair ko. Hinihintay kong pumasok si Lizzy at Ken. Hindi naman kasi sumabay si Lizzy sa'kin ngayon dahil daw ihahatid siya ng papa niya. Si Ken naman, hindi ko alam kung anong oras ang pasok niya, friends na namin siya kaya hinihintay ko.

Naisipan kong lumabas muna sa school at tumingin tingin ng pagkain sa mga food stand na nasa labas.

Halos lumuwa ang mata ko nang makakita ako ng maraming candy roon.

"Ate magkano po ang isang garapon na gummy bears?", tanong ko rito.

"200 iha", sagot niya.

"Pabili po", maligayang saad ko rito at binigay ang dalawang 100 na binigay sa'kin ni mama.

Isinilid niya sa isang plastic ang garapon at agad na binigay sa akin.

"Thank you po", sabi ko at tinalikuran siya.

Wala na kong baon dahil binili ko na nito, ito na lang ang gagawin kong lunch.

Ngumunguya ako ng gummy bears hanggang sa makapasok ako sa loob ng room. Nagtaka ko dahil hanggang ngayon wala pa rin si Lizzy at Ken, maging ang mga kaklase ko ay wala rin.

Kumunot ang noo ko at umupo na lang sa upuan ko.

"Weird", wala sa sariling sabi ko.

Nabuhayan ako ng dugo nang makita ko si Luke na papasok sa loob ng room.

"Hello Luke!", magiliw kong bati rito. Since seatmate naman kami, dapat tanggalin ko na ang ilang ko rito.

Tinanguan niya lamang ako at dumeretso na sa upuan niya na katabi ko.

Isang oras na ang lumipas pero wala pa ring pumapasok sa room namin, tanging kaming dalawa lang ni Luke ang nandito sa loob.

"F*ck", narinig ko ang pagmumura ng katabi ko kung kaya't tinignan ko siya.

Nakatingin siya sa kaniyang cellphone habang nakakunot ang noo.

"May problema ba?", tanong ko.

"Walang pasok ngayon", simpleng saad niya at hinawakan ang kaniyang bag.

Akmang aalis na siya nang pigilan ko siya.

"Iiwan mo ko?", tanong ko.

"Uuwi ako, umuwi ka rin", kunot noong sagot niya.

"Ah..sige", agad kong kinuha ang aking bag at sumabay sa paglalakad niya.

Medyo naiilang pa rin ako sa kaniya pero ayos lang, kaysa naman walang kasama. Bakit ba kasi hindi ako sinabihan nila Lizzy? Nakakainis naman! Edi sana natutulog pa ko sa napakalambot kong kama at nananaginip sa lugar na maraming pagkain.

Pasimple akong kumuha ng gummy bears sa loob ng supot kung saan naroon ang isang garapon na binili ko kanina.

"What's that?", tanong ni Luke.

"Gummy bears", sagot ko at agad na ngumuya.

"Can I?", tanong niya.

"Gusto mo?", tanong ko at agad naman siyang tumango.

"Piso isa", seryosong saad ko.

"We're classmates, bakit ayaw mong magbigay?", takang tanong niya.

"Binili ko 'to, ang mahal kaya! Tapos naubos pera ko, wala na kong baon. Akala ko may pasok kaya balak kong umutang ng pera kay Lizzy para may pang-lunch at pamasahe pauwi", mahabang paliwanag ko rito.

Nakita ko ang mumunting ngiti sa labi niya pero agad ding nawala nang tinitigan ko siya nang mariin.

"Fine, pabili ako", seryosong saad niya.

"Ilan?", tanong ko.

"Half of it", sagot niya.

"Wala akong lalagyan Luke", namomroblema kong saad.

"Not my problem", simpleng saad niya.

Nakalabas na kami sa school pero hindi ko pa rin alam kung saan ilalagay ang gummy bears na binili niya sa'kin.

"Alam ko na! Tambay muna tayo sa park na 'yon para maubos mo 'tong binili mo sa'kin", malakas kong saad at hinila siya papunta sa upuan na naroon sa park.

Katapat lang 'to ng aming school, ngayon ko lang napansin na may ganito pala rito.

Napakaganda at napakasarap tambayan, nakakamiss tuloy noong Junior Highschool palang kami, palagi kaming tumatambay sa mga park na nasa loob lang ng school namin. Madalas din kaming maglaro kahit na medyo malaki na kami.

Pero bakit namimiss ko agad? Samantalang pangalawang linggo pa lang namin dito sa school na 'to. Hindi ko pa rin naman nararamdaman ang hirap ng pagiging senior high student. Hayst.

"Hindi mo pa ba ko bibigyan?", nagulat ako nang magtanong ang katabi ko.


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

We're Totally Different (Teen Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon