"Come on Doutzen (pronounce as Dawtzen) baka dumating na si Ma'am. Baka mahuli pa tayo sa kalokohan mo eh." Tangina naman 'tong bestfriend ko oh. Hindi ko pa tapos picturan yung mga tamang answer sa exam ko mamaya eh.
"Pota naman. Wag mo nga ako madaliin Allesandra Guzman. Blur tuloy yung iba kong kuha. Baka hindi 'to visible pag exam ko mamaya eh." Pagrereklamo ko habang pinipicturan ko ang pinakahuling page nitong papel.
Hindi na sya sumagot. Good. Baka ma-pizza slap ko 'to eh. Saka pag butihin na lang nya ang pag babantay sa pinto.
"Done." Malapad na ngiti ko at nilagay na ang iPhone ko sa bulsa ng ripped jeans na suot ko.
Dali-dali kaming lumabas ng faculty room. Lunch break kaya walang mga teacher.
Anyways, I'm Doutzen Collins. 19 years old. 1st year college sa university na pinapasukan ko, malamang! I'm rich, I'm beautiful, I'm sexy (lols :P), but I'm a rebel. Pasaway ako. Kaya nga 1st year college pa lang ako. Ilang beses na kong umulit dahil hindi ko naipapasa ang mga subjects ko. Laging bagsak. Ewan ko! Ang tamad ko kasing mag-aral. Naka-ilang palit na rin ako ng course. Kaya ito, cheat na naman. I'm good at this. :P
"Shit Zen, pano kung nahuli tayo dun? Pati ako madadamay eh. Bakit ko kasi tino-tolerate yang mga kalokohan mo? Haynaku. Nakaka-stress ka. Alam mo yun?" Pagsesermon na naman sakin ng pangalawa kong nanay. Tss. Parang si mommy eh.
Tinawanan ko na lang sya at kinain ang chocolate bar na hawak ko. Sanay na 'ko dyan. Hindi naman ako matitiis nyan eh.
"Paano ka magugustuhan ni Will kung ganyan ka. Ang tino-tino nun, tapos ikaw sobrang pasaway. Ugh. I don't know what to do with you." Sermon overload. At sinama pa si Will sa sermon nya. Yung lalaking gusto ko. 3rd year na sya. Classmate nya si Will. At magpinsan din. "Saka ang yaman-yaman nyo, sa magandang pamilya nanggaling. Pero yang mga language na lumalabas dyan sa bibig mo, puro mura." Napanguso lang ako. Yeah I admit, cussing machine ako.
"Para namang hindi ka nagmumura." Pero mas malala ako. Lols.
"Wala akong sinasabing hindi ako nagmumura. Pero ang sakin lang, ang lutong mong magmura. Tagalog pa. Buti sana kung english. Like fuck, shit, damn or whatsoever. Eh ang sayo kasi putang ina, hayup, ulol, gago at kung anu-ano pa." Geez, seems that I'm with my mom.
"Tss. Pareho lang yun. Pinasosyal lang pag-english eh. Saka magugustuhan din ako nung pinsan mo, makikita mo." Dahilan ko habang sinipa ng malakas ang bato na nakita ko. At may natamaang tao kaya napangiwi na lang ako.
Tiningnan naman ako ng masama ni Al (tawag ko kay Allesandra). Nag-shrug lang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad.
Nakarating na kami sa building ko. HRM ang bagong course ko ngayon. Wala lang, feel ko lang manggulo sa kusina. Boring nga eh. Ituro ba naman ang tamang paghihiwa ng sibuyas. Pota! Kalokohan. Basta may knife at chopping board ka mahihiwa mo yun. Bakit kelangan pa ng tamang paghihiwa? May maituro lang prof ko eh. Tss!
"Don't get caught, ok?" Paalala sakin ni Al at nagbeso na sakin. Pumasok na ko sa room namin at nakita ang mga classmate ko na nagrereview. Tss. Sipag-sipagan. Hindi ko na kelangan nyan. Makakapasa ako. Pero hindi ko naman ipe-perfect. Kawawa naman mga classmate ko. Lols.
Hindi na rin nagtagal at dumating na rin ang teacher ko. Pinamigay na ang test paper at nagsimula na ang exam. Dahil andito ako sa pinakadulo nakaupo, malaya kong mailalabas ang iPhone ko. Swipe, enter the passcode, went to camera roll and started copying the correct answer nang biglang...
"Miss Collins, pinapatawag ka sa Presidents office." Sabi nung pumasok. Secretary ata ng presidente nitong university na 'to.
"Nag-eexam ako. Mamaya na lang pagkatapos ko. Bye." Pabalang na sagot ko.
"Now." Mariin na sagot nya at umalis na. Tss. Bwesit na yun. Padabog kong kinuha ang bag ko at padabog ding tumayo. Hindi na 'ko nagpaalam sa teacher ko. Alam naman na nya kung saan ako pupunta. Tangina lang!
Hindi na ako kumatok nang makarating ako sa office ni Pres. Basta na lang ako pumasok at naabutan ko ang dean nang department namin at si Pres at ang discipline officer (DO). Isama mo pa yung nagmamaganda nyang secretary.
"Good afternoon Miss Collins. Take a sit." Bati ni Pres.
"Cool." Sabay upo sa isang bakanteng upuan sa harap ng table nya. Kaharap ko si dean at katabi naman ni dean yung DO
"Do you have any idea why you're here right now? Tanong ni DO.
Tanga! Malamang hindi!
"Nope. I don't have any idea? I'm taking my exam when someone called me and invited me to visit this office." I said sarcastically while looking at the ugly secretary.
"Well Ms. Collins, you have to see this." Si president at inikot ang laptop paharap sakin.
Fuck! I'm doomed!
Me while taking pictures on the answer sheet. Yung eksena kanina. Tangina! Bakit hindi ko naisip na may security camera nga pala sa faculty room na yun. Ang tanga mo Doutzen. Ang bobo mo! Fuck! Shit!
"So?" Si Pres ulit.
"It was me." Nakataas noong sagot ko.
"Doing what?" Tanong nya.
"Taking pictures." Pabalang kong sagot.
"On?" Pres.
"Answer sheet." Me.
"For?" Pota! Paisa-isang tanong eh. Bwesit!
"Sa exam namin. Para may maisagot ako. Happy?" Tinatamad na sagot ko.
Natahimik sila. Tss. As if hindi nila alam kung ano talaga ginawa ko. Gusto lang na sa bibig ko manggaling eh. Tangina this!
"Miss Collins. This is your -i don't know how many offense is this." Ganun na ba karami nagawa kong kalikohan? Bigla kong naisip. "But cheating is a major offense. Pinalagpas na namin ang mga kalokohan mo dati." Pagpapatuloy ni DO.
"Excuse me! Hindi nyo pinalampas. Suspended kaya ako nun." Pinalampas my ass. Madahilan na lang, mali pa!
"Because we need to. Paano ka matuturuan ng leksyon kung itotolerate lang namin ang mga ginawa mo. Tulad ng pagpatay ng ilaw sa buong gymnasium habang may program. Pagkuha lahat ng microphone sa music room. Pag vandal sa salamin sa girl's bathroom. Pagkuha ng flag sa pole. At marami pang iba. At ang mga sinusuot mo. Yes wala tayong uniform, pero meron tayong dress code na sinusunod." Wow, ganun na ba karami. Yung flag, andun sa kwarto ko. Nakalagay sa terrace. Kaya parang independece day lagi pag mapapatingin sa terrace ng kwarto ko. At anong mali sa mga sinusuot ko. Hindi naman ako nasuot ng bra at panty lang ah. Shorts, dress, tank top, shirt, skirt and jeans naman ang sinuuot ko. Anong mali dun. Infact ang tino nga ng suot ko ngayon eh. Ripped jeans. Boots na abot hanggang ankle and crop top na may nakasulat na BITCH. Tss. Matatanda talaga.
"I'm sorry Ms. Collins but the President decided to expell you." What the fuck! Expelled? No way. Baka ipatapon ako sa England. Nakakabwesit pa naman intindihin ang accent nila.
"No way! Simpleng bagay, expell agad. OA naman ata nun Pres." Pagrereklamo ko pa. "Wala naman akong nasaktang tao ah. Wala naman akong napatay. Expell agad. Grabe lang Pres ah. Ang hard mo." Iiling-iling na reklamo ko.
"Ms. Collins, sa sobrang dami na ng offense mo dapat matagal ka nang expell. Nakita ko ang records mo, ilang course na rin ang na-take mo. Ang mga grades ko. Puro singko o kaya kwatro. At sa mga offense mo. Hindi na mabilang sa mga daliri sa kamay at paa. So my decision is final. I'm expelling you." At may pinirmahan si Pres na pinirmahan din ni dean at ni DO.
What the fuck! So ganun? Expelled na ako. Tss. Edi expelled. Pakialam ko. Hindi ko na lang ipapaalam kala mommy. Yeah. Tama. Hindi 'to malalaman ni mommy. Daddy ko naman andun sa England. Company inaasikaso. Dumadalaw lang dito twice a month.
Inabot na sakin yung papel. Letter na nagsasabi na expelled na 'ko sa university na 'to.
"Tangina! Fine." Tumayo na ako at lumabas na nang pinto at pabarag na sinara.
Sinuot ko ang shades ko at naglakad na palayo sa lesheng office na yun.
I'm an EXPELLED student now. How cool is that?
BINABASA MO ANG
EXPELLED!
RomanceI'm an expelled student. And there's an A's student that I like. I'm a rebel, he's a good boy. I love parties, he loves book. I did everything to make him fall for me. But how can he fall to an expelled student like me? Should I seduce him? Strip in...