EXPELLED 3

287 12 7
                                    

They said all teenagers scared the living shit out of me. They could careless as long as someone'll bleed. So tuck in your clothes or strike a violent pose. Maybe they'll leave you alone but not me.

Sabog ang buong kwarto ko sa lakas ng sounds na nanggagaling sa stereo ko. Gustong-gusto ko talaga yang kantang yan kahit luma na. My Chemical Romance yan.

Nagbibihis na ako nang katukin ako ni Mommy.

"Come in Mom." Malakas na sigaw ko at sinabayan ulit ang kanta.

"Honey, you'll be late at school. At pwedeng pakihinaan yang music mo. Rinig na rinig sa buong bahay." Pasigaw na sabi ni Mom.

Pinahinaan ko ang stereo at tumingin kay Mommy na nakanguso. Kj ng nanay ko. Tsk.

Lumabas na rin sya at pinagpatuloy ko pa ang pagbibihis. Baka ma LATE ako. Haha. Late my ass!!

Matapos ang ilang minuto, tapos na rin ako.

"Mom, I'm leaving." Pinuntahan ko pa sa kusina para magpaalam at mag goodbye kiss. Tss. Parang hindi magkikita mamaya eh.

"Take care honey. And don't be late." Never Mom. Never.

"Impossible." Nakakaloko kong ngiti. Sinuot ang RayBan ko at lumabas na ng bahay.

Dahil expelled ako, sa school pa rin ang tuloy ko. Bakit? Wala lang. Ayoko sa mall. Wala dun magandang makikita. Sa school, andun si Will. Magpapapansin na lang ako. Kilala naman na nya ako.

Hindi naman ako nahirapang makapasok kasi may sticker naman ang kotse ko nang logo nitong University na 'to. Hindi pa ata alam ni guard na expelled ako. Good thing. Makakalabas-masok ako dito.

Pinark ko lang ang kotse ko at dumiretso sa building nila Al. Tiningnan ko ang relo ko. Good, 10mins na lang dismiss na sila. Naghintay lang ako sa hagdan. Napapatingin sakin ibang estudyante. Nginingitian ko lang sila. Yung pang-asar na ngiti.

"Diba, sya yung na-expelled kahapon? Anong ginagawa nya dito?" Madaldal no.1

"Ewan ko. Nababaeng tao, napaka-rule breaker. Gosh. Nakakahiya." Madaldal no.2

Tanginang mga 'to. Talagang pinarinig pa sakin.

Tumayo ako at hinarap sila. Bigla silang natahimik nang makita ako sa harapan nila.

"Uhmm? What do you want?" Madaldal no.1

"Uhmm? I just want to say na ang pangit mo." At ngumiti pa ako nang pagkatamis-tamis.

"How dare you?" Madaldal no.2

"I'm daring sweetheart. Wag nga kayong mga tanga. Hindi ba kayo tinuruan na ang bulong ay mahina lang. Hindi malakas na rinig na rinig pa nang pinagbubulungan nyo." Nilaro-laro ko pa ang ilang hibla ng buhok ni no.2. "And one thing. Kahit expelled na ako, I can make your whole school year a living hell. Don't try me." At tinaasan ko sila ng kilay.

"Hi Zen." Lumapit samin si Al na malapad ang ngiti. Binitawan ko na ang ilang hibla ng buhok ni no.2 at ngumiti din kay Al. "Who are they?" Nagtatakang tanong sakin ni Al. I just smile at binigyan ng matalim na tingin ang dalawa kaya dali-daling umalis.

"Ikaw hah, expelled ka na nga gagawa ka pa ng kalokohan. Haynaku Zen. Baka wala nang tumanggap sayong school sa kalokohan mo. Talo mo pa ang lalaki eh." Sabi na eh, alam ni Al ang ginawa ko. Sermon alert.

"Tss. Tangina kasing mga y-"

"Your language." Nakasimangot na pagpapa-alala sakin.

EXPELLED!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon