The Finals

12 1 0
                                    

Excited ang lahat sa upcoming Finals ng United College Basketball Association sa paghaharap ng Top two Teams. Ang Saint Hyacinth Cheetah at Newton University Phantoms. Kilala sa pagiging magagaling ang Newton University sa depensa at di naman nalalayo ang Saint Hyacinth sa offense kaya naman nakarating sila sa Finals.

"Baby, Kinakabahan ako" ani ni Drake.
"Hmm, that's new...ngayon ko lang ata narinig sayo na kinakabahan ka babe"  sagot naman ni Marj. "Malalakas na contender ang Phantoms babe sila ang nag Champion last season remember?". Umikot ng tingin si Marj sa mga bleachers ng stadium at sinabing " Look babe, see all this people cheering out for the team and chanting your name out loud? These are the people who believe in you, I believe in you so set that wary feeling of yours and fight, manalo matalo you will always be a champion to me" sabay haplos sa mukha ng nagaalalang si Drake. " This is the reason why I love you and I am so lucky to have you as my Girl, kaya nga binubuhos ko lahat ng efforts at pinupush ko ang sarili ko to be at my best always para sayo...I love you Babe" sabay siniil ng mainit na halik ang labi ni Marj. Time stood still for them na para bang sila lang ang taong naroroon at ng maghiwalay ang kanilang mga labi sabay yumakap ng mahigpit sa isa't isa at nanatiling nasa ganoong posisyon ng ilan pang mga sandali. "I love you so much, you know that, right?" habang nakatitig sa mga mata ni Marj "I know and I love you most, ikaw lang ang nagpapatibok sa puso ko ng ganito wala ng iba" sagot naman nito.

Lumakad na sila papunta sa luob ng stadium at naghiwalay lamang sila ng kinailangan na si Drake sa court. Isang matamis na halik ang dinampi ni Drake sa labi ni Marj bago ito lumakad papalayo.

"Oh, Hi Drake!" bati naman ni Chanel ng makita si Drake na patungo na ng Changing Room. " Just wanna wish you Goodluck, Inaantay ka na ng mga teammates mo sa luob, Team Captain!" napailing na lang si Drake at hindi na nagawa pang sumagot sa papalayong si Chanel.

"Bro!" bati sa kanya ni Josh " This is it Bro, the game that would change our lives forever. Antagal din nating pinaghandaan to" halatang halata ang pananabik sa tono ng salita nito. " Tama ka bro, and tonight we will play with all that we got, we will show the other team who's the Masters of this Court, Right team?!"

"Awoo, Awoo!" sabay sabay na sigaw ng mga players. Panandaliang katahimikan ang bumalot sa luob ng Changing room at nag alay sila ng dasal para sa ikatatagumpay nila sa larong ito pagkatapos ay malalakas na hiyawan ang pumabalot sagisag ng kanilang pagkakaisa bilang isang Team.

Naglabasan na ang mga players at isa isa na silang pinakilala. Hinahagilap ng mata ni Drake si Marj sa dami ng tao sa luob ng Stadium ng makita na ang kasintahan ay lalo pang lumakas ang luob nito at mas nag ibayo ang determinasyon nitong manalo para dito. Punong puno ng ingay ang buong lugar, makakaringgan ang iba't ibang cheer para sa magkatunggaling Team.

"Go Cheetah, Go Cheetah!" maririnig naman ang malakas na cheer galing sa Cheering Squad ng Saint Hyacinth habang nagpapakitang gilas sa pinagpagurang ensayo ng kanilang Cheerdance. Naghihiwayan ang mga tao sa galing ng galaw ng mga Cheerleaders. Habang ang iba abalang abala sa pagkuha ng videos at pictures ng Cheerleading Team.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 08, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

FrenemyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon