Loving the Unlovable life

31 0 0
                                    

Deadma.

Two piece earrings.

Black nails.

Poker face.

Rebel.

These words describe me. Well, I guess there’s nothing to do with it. Opinyon yun ng mga taong walang ibang alam kundi ang maghanap ng may mapag-uusapan. At sa kasamaang palad, ako ang nahagip ng mga matatalas na mata nila. -_-

Haay! Pati ako pinoproblema pa nila. Galing nuh.

By the way, I’m Maureene Villaflores but I prefer to be called Reene. Masyado kasing babae full name ko eh. I’m 16 and still at school.

Weird na bang masasabi kung hindi mahilig makihalubilo? Tsk! I think mas weird ang taong nakikialam sa buhay ng iba. Wala ata silang problema kaya pati ako pinagdidiskitahan nila.

Hay naku! Ayan yung anak ni Ma’am Myra. Yung rebeldeng bunso niya” –kapitbahay 1

Talaga? Rebelde? Kawawa naman pala si Ma’am..nagkaron ng anak na ganyan”-kapitbahay 2

Oo!Nabalitaan ko pa nga..laging madaling araw na ang uwi niyan”-kapitbahay 1

Ay naman! Ako pa talaga ang ginawang almusal ng mga babaeng to. Kaya ayaw kong dumaan dito eh..maiirita lang ako!

Lalampasan ko na sana nang…

Bakit naglalakad yan? Wala na ba silang kotse?

Baka binenta?

Baka naman hindi siya pinasasakay kasi nga rebelde..baka parusa

Ganoon ba? Buti nga!

Aba’t! Mga walanjo to! Nilingon ko sila.

Binigyan ko sila nang isa-nalang-patay-kayo look. At nakuha naman nila kasi bigla silang tumigil sa kakaputak. Kainis lang talaga!!!!

Matapos ay tumalikod ako at lalong binilisan ang lakad. Anong binenta at parusa?! Kung makagawa ng kwento ang mga manok na ‘to! Akala mo script writer!!

Sa wakas!Nakarating na rin sa pinakamamahal kong paaralan!!Haha! Bakit ko nasabing pinakamamahal? Simply because walang pakialamanan and that’s what I want the most. Wahahaha!!! Di tulad dun sa lugar namin. Kilala kasi pamilya namin sa lugar, pareho kasing palakaibigan ang erpat at ermat ko kaya daming nagtataka kung sa’n daw ako nagmana ng ugali.

O diba? Mas iniisip pa nila yun kesa sa anak nila. Hmp! So much for my neighbors.

Haay! Ang sarap talaga ng buhay dito! Parang hindi ako nag-eexist..haha!!!

Aray!”

“Sorry Miss!”

Tinulungan ko muna siyang magpulot ng mga gamit niya saka ako tumayo ng ayos.

Salamat ha.” Saka siya ngumiti.

Tumango lang ako at naglakad na.

Teka! Ano nga pala pangalan mo? Ako nga pala si Dustine”

Nilingon ko siya. Nagdadalawang-isip pa ako kung sasagot ako.

Reene.” Sabi ko saka naglakad na ulit.

Salamat ulit Rain!”

Pahabol pa niya…tsk! Mali naman ng dinig.

Pumasok na ako sa classroom at umupo sa pinakalikod at pinakagilid. Emo lang eh nuh. Maganda kasi dito, wala na akong katabi..di pa ako masyado natatawag ng teacher. Haha! Daming benefits!

Loving the Unlovable lifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon