"Bridget's POV"
"Grabe! Ang ganda talaga ng lupain ninyo dito sa Palawan." - namamanghang usal ni Agatha nang makarating kami sa Palawan. Dito kasi namin naisipang magbakasyon ng isang linggo. Dahil pagkatapos nang isang linggo, magsisimula na kaming maghanap ng trabaho.
Agad namang nagreact ang kuya ko.
"Tss." - ismid ni kuya Chard.
"Ba't ganyan ka makareact? Nagseselos ka ba? Wag kang mag alala mahal, mas maganda ka pa rin." - kilig na may halong asar ni Agatha kay kuya.
Bumulaslas naman sa pagtawa ang lahat na ikinainis ni kuya sabay walk out.
"Uy, teka mahal!." - habol ni Agatha. Psh!
"Grabe ang lakas ng tama nun sa kuya mo ah." - Lisa. Napailing na lang ako.
Kasalukuyan kaming naglalakad ni Akiro sa dalampasigan ngayon. Kaming dalawa lang. Gusto daw kasi niya akong masolo.
"Baby."
"Hmm?." - tanong ko nang hindi lumilingon.
"My tulay." - nangunot ang noo ko at wala sa sariling lumingon sa kanya.
"Anong sabi mo?."
"My tulay." - pag uulit niya na mas lalong nagpakunot sa noo ko. Isang tao lang ang tumatawag sakin nun.
Nginisihan niya ako. "Do you still remember me?."
"Adan?."
"Yes, my tulay. Ako nga ito. Ang kababata mo." - hindi pa rin nagsisink in sakin ang lahat.
Wala sa sarili akong napayakap sa kanya at doon bumuhos ang emosyon ko.
Agad niyang pinunasan ang takas na luha galing sa mata ko.
"Hush now." - pagpapatahan niya.
Ilang saglit pa ay tumahan na rin ako at agad isinubsob sa kanya ang mukha ko.
"Alam mo ba, nung nagkagusto ako sa'yo nakonsensya pa ako." Hindi siya nagsalita kaya nagpatuloy ako. "Sabi ko sa sarili ko, hindi ako magmamahal ng iba dahil may napangakuan na ako nung mga bata pa lang kami. Na kami ang magpapakasal. Kaya tuwang tuwa ako sa katotohanang nalaman ko ngayon." Naramdaman ko ang marahang pagpisil niya sa balikat ko. Inangat niya ang mukha ko at nasalubong ko ang kumakawalang ngiti sa mga labi niya pero bigla ding sumeryoso.
"Baby, may aaminin ako sa'yo." - seryosong anas niya na nagpakaba sakin. Bakit naman kasi ako kakabahan? Psh!
"Spill it." - walang emosyon kong saad at tuluyang kumalas sa kanyang pagkakayakap.
Tumigil kami sa isa naming bahay dito sa Palawan. Dito ako madalas tumambay noon tuwing pumupunta kami dito.
"Akiro's POV"
Hindi ko alam kung bakit kinakabahan ako. Aamin lang naman ako sa kanya at ang totoo, gusto ko lang siyang paaminin sa isang katauhan niya.
"Baby." - muling pagtawag ko sa kanya. Lumingon lang siya at pinagpag ang pwestong katabi niya. Agad akong umupo. Nasa veranda kami ngayon nang kanilang bahay. Masarap at sobrang sariwa ang hangin dito sa Palawan. Dinama ko muna ang hangin na yumayakap sakin bago kumuha ng lakas nang loob.
"Mahilig ako sa race." - panimula ko at para bigyan na rin siya ng clue tungkol sa bagay na aaminin ko. Kaso tinignan lang niya ako nang nakakunot ang noo. Naguguluhan siguro.
"One time, I joined the race and....." Pambibitin ko. "And?." Kunot noong tanong niya. Napasinghap na lang ako. Tsk! I didn't know there's really a time which makes her slow, huh?
"I'm Coluber or Blue Eligant Racer. The top 2 Prince of race men." - pandederitso ko at tingin ko ay nakuha na niya ang gusto kong iparating. I just want her to confess.
She cleared her throat first, then looked away. Agad kong hinanap ang paningin niya.
"Maybe, you want to confess something?."
"What shall it be?." - maang maangan niya. Tsk!
"C'mn, My Queen. I know you are Black deadly racer. I just want you to confirm it."
Ilang beses na siyang bumuntong hininga saka hinarap ang papalubog nang araw. A moment in a sunset.
Hapon na kami nakarating ng Palawan at hindi man lang namin namalayan na maggagabi na pala.
"Yes, I am."
Ilang minuto pa kami nanatili doon bago namin naisipang bumalik sa hotel nila. Good thing, kasya kaming lahat doon. Tatlong malalaking kwarto ang inokupa naming lahat. Isa para sa mga babae kasama na ang dalawang bata, isa para sa mga lalaki at isa para sa mga matatanda. Ang tatlong kwarto na iyon ay mayroon pang iilang kwarto sa loob.
Agad kaming dumeristu sa VIP room dito sa kanilang hotel. Naabutan namin silang nagkakasayahan. May ilang nagkakantahan, may nagsusuyuan at meron ding asaran.
"Daddy." - agad akong niyakap ni Khaii.
"I'll just help them prepare some foods." - saad ni Bridget at agad lumabas. Sumama sa kanya sina ate, Lisa, Agatha at Jex. Ang iba kasi ay nandoon na sa baba at kanina pa naghahanda ng pagkain.
Agad kumandong si Khaii sakin.
"How's being married?." - pang aasar ni Axel.
"Gago. Hindi pa sila kasal." - Star.
"Excited talaga tong si Kylester." Kantyaw naman ni Miles.
"Soon." Maikli pero nakangiti kong tugon.
"And they'll also give me a baby sister." Napaubo ako sa tinuran ni Khaii. "Right, dad?." Dahil nakakandong siya, marahan niya akong nilingon para makita ang ekspresyon nang mukha ko.
"Yeah." Awkard kong sagot. Five years old pa lang to ah. Agad akong nakarinig ng iba't ibang reaksyon galing sa mga loko. Tsk!
Ilang saglit lang ay dumating na ang pagkaing hinanda nila at sabay sabay namin itong nilantakan.
Kinabukasan ay nagdesisyon kaming gumala sa kabuuan ng Palawan. Kasalukuyan kaming nasa beach at kakalabas lang nang ilan para maligo. Ang iba naman ay nag unahan sa pagsakay sa jetski. Mahigit benteng jetski ang nilabas nina Bridget. Oo! Sa kanila yan! Ganyan sila kayaman. Mas mayaman pa samin.
"Daddy, ipanalo natin to ah." - nakangiting saad ng anak ko at kasabay nun ang pagpapaulan niya ng tubig sa mga kalaban namin.
Tatlo kami ang nakasakay sa jetski ngayon. Pinagigitnaan namin ni Bridget si Kyses. Habang nagpapaikot ako ay nagpapaulan naman ng tubig si Khaii gamit ang kanyang watergun.
Kakampi namin sina Lisa, Rafael, Agatha, kuya Richard, Star, Sabrina, Capella at Art. Kalaban naman namin sina Axel, Lucky, ate Aya, Hexter, Rhiana, Michael, Liselle at Edcelle. Napapagitnaan din nina Liselle at Edcelle ang anak nila na si Alexis. Katulad ni Kyses, may hawak hawak din itong watergun at pinupuntirya ang kalaban.
Ang ilan sa amin ay may kanya kanyang ginagawa. May ibang nagpipicture picture sa kahit saang sulok ng Palawan tulad na lang nina Vega, Angel at Liah. Ang iba naman ay naglalaro ng sports game. Mayroong volleyball at meron din basketball. Nasa court ngayon sina Jex, Rix, kuya Kylo at Ian. Sina Miles, Sirus, Xy at ate Keyla naman ay gumala. Iikutin pa daw nila ang kabuuan ng Palawan. Tsk! Kung kaya nilang ikutin ng isang araw.
"Baby, say ahh." - pinamulahan ako dahil sa inakto ni Bridget. Kinikilig kasi ako. Tsk!
"Daddy's blushing." - nakangising pang aasar ng anak ko matapos kung tanggapin ang pagkaing isinusubo sakin ni Bridget.
"Only for your mom." - I said to him and winked at Bridget. Siya naman ngayon ang namula. Haha.
'How I love to marry this girl, right now.'
"I love you, My Queen." - I mouthed and she blushed more.
"I love you too, My King." - she mouthed back that made me smile.
'My Tulay.'
*************
A/N:
Road to finale na ba? Hmm! Maybe yes? Maybe no? Abang abang! Votes and comments are highly appreciated. 😊
YOU ARE READING
Queen of Hell (COMPLETED!!!!)
AkcjaCOMPLETED!!! A lady demon who pretended to be an angel. A demon who loves killing and blood. A demon who had red long hair and blue-gray eyes. A demon who will give you goosebump. A demon you wouldn't want to mess up with. A lady demon living in hel...