Chapter 40: The Finale: Saving Them

847 29 1
                                    

"Third Person's POV"

Sa isang malaking gusali sa bayan ng mga MacCaa ay naroon nagtitipon tipon ang lahat ng tauhan ni Astera MacCaa. Lahat sila ay pawang nakaitim. May mga takip din ang kanilang mukha. Agad tinungo ni Astera MacCaa ang isang malaking kwarto.

"Master." Yumuko ang mga tauhan niya at pinagbuksan siya ng pinto.

Sumalubong sa kanya ang ilan pang mga tauhan niya na ngayon ay nagbabantay sa kanilang mga bihag. Agad niyang nahanap ang kanilang mga bihag. Lahat sila ay may kadena, may takip ang bibig at mukha. Bakas din ang pagpapahirap dito dahil meron pang dugo na tumutulo sa iba't ibang parte ng kanilang katawan. Maging ang dalawang bata ay hindi nila pinalampas.

Sinenyasan niya ang ilan sa kanyang tauhan na kumuha ng baldeng puno ng tubig. Agad silang tumalima at nang bumalik ay dala na nila ang tatlong balde ng tubig at agad itong sinaboy sa mukha ng kanilang mga bihag.

Napasinghap sila matapos sabuyan ng tubig. Nagising ang kanilang mga diwa at ang iba ay naghahabol pa ng hininga.

"Good thing, you're all awake."

Kahit may takip ang kanilang mga mata ay batid na nila kung kanino galing ang boses na yun.

Tanging ungol lang ang magagawa nila dahil may takip din ang kanilang mga bibig.

Sumenyas siya sa mga tauhan na tanggalin ang takip sa bibig at mukha nila. Agad naman silang tumalima.

Isang nanlilisik na tingin ang agad na ibinigay ng kambal ng Bythesia matapos tuluyang makita ang dahilan ng kanilang pagkakakidnap.

Kahit ang batang si Kyses Adrelacine ay nagulat din matapos makita ang kanyang tiyahin. Na siyang puno't dulo ng lahat.

Biglang may pumasok na isang matanda.

"Luwi Cyfer Cellis." Sabay sabay at may diin nilang pagkakabigkas.

Ngumisi lamang ang matanda saka hinalikan sa pisngi si Astera. Nagkaroon naman agad ng violent reaction sa loob ng silid na iyon. Pawang nandidiri dahil sa kanilang nasaksihan.

"Simulan na ang pagtorture." Saad ni Luwi.

"Simulan natin sa kambal na Bythesia. Sa tingin ko, dahil dumadaloy naman ang dugo ng Bythesia sa kanila, baka tumugma ang dugo na kailangan natin para sa ating eksperimento." Astera.

Agad pumalag ang kambal matapos silang pilit na itinatayo ng mga tauhan ni Astera.

"Kung hindi natin mahahanap ang dugong kailangan natin sa kanila." Ngumisi siya saka nilingon ang bata. "Nandiyan pa naman ang anak ng babaetang yun. Siguradong namana niya ang dugo ng kanyang ina." Saka sila humalakhak ni Luwi.

"Bitawan ninyo sila." Sigaw ni Capella pero huli na. Nakalabas na ang tauhan kasama ang kambal.

Agad lumapit si Luwi sa kanya saka ito sinampal sa magkabilaang pisngi.

"Don't worry, iha. Lahat naman kayo ay makakaranas ng pagtotorture." Saka ito lumabas para sundan si Astera.

Napaluha naman ang lahat at ang mas malakas ay ang hagulgol ni Kyses.

Mahigit trenta minutos na ang nakakalipas nang kunin nila ang kambal. Tahimik pa ring umiiyak ang mga naiwan sa silid na iyon.

Nabasag lang ang katahimikang yun nang makarinig sila ng isang metal na nahulog. Napalingon silang lahat kay Kyses at naabutan itong kinakalagan ang tali sa paa.

Tanging kamay lang nila ang may kadena, samantalang tali naman ang nasa paa.

"How did you----?." Liah.

Queen of Hell (COMPLETED!!!!)Where stories live. Discover now