Pumunta kami sa Bistro Organico right after we got our schedules.
"Bakit naisip mong mag Organico ngayon? Matagal na kitang inaaya do'n pero ayaw mo." tanong ni Jas while on our way.
I pouted. "Malapit kasi, tsaka it's good to try it since rito na tayo mag-aaral"
She nodded pero halata mong nagdududa siya. Whatever you have in mind, Jas, you are right.
Pumasok kami sa bistro. I must say, maganda ang lugar. It's ambiance and ventilation is good, too. Halatang students ang target customers.
Ginala ko ang aking mga mata. Ilang kakilala pa ang nakita ko sa tables nila at nakipag ngitian bago tuluyang nahanap ang mga taong sinadya ko. I looked away.
"Uy, sila Jorenz oh" ani Jas.
"Oh? Oo nga 'no."
She frowned. "Chosera! Kaya pinili mo rito ano? Paano mo nalaman na nandito sila?"
"Of course not" she raised her left eyebrow.
"Well" I shrugged. "Lagi ko nakikita sa stories ni Jorenz nung may klase pa, kaya inisip kong usual place na nila 'to."
"You should treat me. Matagal ko ng gusto pumunta rito pero ayaw mo. Now, you need to make bawi. A pesto will do" she grinned.
Ako naman ang napangiwi ngayon. Akala niya cute 'yon. "You have your own money, Jas"
Naglakad ako papunta sa table nila at sumunod naman si Jas habang nakaawang pa rin ako bibig na para bang hindi makapaniwala sa ginawa't sinabi ko.
"Ayaw mo talaga? Sure ka na?" tanong niya.
Inilingan ko lang siya. Alam ko namang niloloko niya lang ako.
"Renz! Dito rin pala kayo?" Gulat kong utas.
"Hey.. I thought may pupuntahan kayo ni Jaslie?" ani Jorenz sabay tayo.
"Yeah, dito haha. I didn't know naman na rito rin pala kayo. Nagpahintay na lang sana kami kanina" tss, I should be awarded as best actress.
"Join us na lang since mukhang wala ng available na table."
Tinignan ko si Klyde pero nasa phone lang ang atensyon niya na para bang hindi niya kami naririnig.
"No, it's okay. Mukhang tapos na kayo e" ani ko dahil malinis na ang table nila.
"Hindi actually, hindi pa kami nag-o-order kasi may hinihintay pa."
My lips formed "O" and nodded. Tinignan ko si Jas na patagong umiirap sa akin. Nabaling ang atensyon ko kay Klyde ng tumayo siya.
"Excuse me" aniya at dumaan sa gitna namin ni Renz.
"Upo na kayo" ani Renz at minwestra ang upuan. Habang ang mga kaibigan naman niya ay nakangiti.
The table is long enough. Two leather sofas parallel with each other. Probably, 4-5 persons ang kasya bawat isa.
Nakaupo na sa kabilang side sina Howard, Earl, and Mike kung saan nakaupo si Klyde kanina kaya sa isang sofa na kami. Nasa dulo si Art, sinundan ni Jas, ako, and Jorenz.
Pinipigilan ko ang sariling matawa dahil halos mahulog na ang mga mata ni Jas kaka-irap kay Earl. Poor boy, talagang bad shot.
"Sino palang hinihintay niyo?" tanong ko dahil kumpleto naman silang anim.
"Ah, actually si Klyde lang may-"
"Hi, guys! Sorry, late. May dinaanan pa kasi ako"

YOU ARE READING
Reigning The Haywire Land
Lãng mạnInhinyero Uno Klyde Morice Suaverdez x Zepharia Geraldine Cenzon