05

27 1 0
                                        

First day of school came. I'm excited and bored at the same time.

It's exciting dahil ibang environment. Boring dahil wala lang ibang ginagawa maliban sa paulit-ulit na self introduction sa bawat subjects. 'Yong iba gusto pa creative.

Meroon pang expectations mo sa mga kaklase, instructor and even the subject itself. Seriously!? I can't see the need of having those lalo na't block section naman ito.


"Good day! I am Zepharia Cenzon. What can you expect from me? Well, what you see is what you get. My expectation, wala. Hindi lang din naman masusunod iyon hindi ba? Because at the end of the day, whatever happens in this class happens. Expectations are meant to disappoint people." tamad kong utas.


Pang ilang pagpapakilala na namin ito. Kung wala lang kaming deal ni papa ay malamang kanina pa ako umalis.

Natapos ang araw na gano'n lang ang ginawa namin. Bagsak balikat akong umuwi dahil hindi ko nakita ang inaasahang tao sa campus.


"How was your first day, baby?" tanong ni papa.


We are currently having our dinner. Si mama ay nakatingin din sa akin na para bang excited sa sagot ko.

Boring, pa! But of course I can't say that.


I faked a smile. "It was fun, papa! I enjoyed it."

They both smiled. "That's great! It will be more exciting kapag nagstart na talaga kayo. Just enjoy it, Zeph." ani papa

"But of course hindi dapat laging gano'n. You are there to study. Hindi na pwede ang ways mo noong highschool." Singit ni mama.

Napawi ang ngiti ko. "Of course, ma. I know better now. I'll take this one seriously."

She nodded and sips on her juice. "As you should."


I took a deep breath and focus on my food instead. She can really turn the mood in just a snap.

Funny how things changed so easily. We were an image of a happy and ideal family. Almost perfect nga kung tutuusin kaya marami ang humahanga kay mama bilang may bahay.

I used to look up to her too. Ang sabi ko ay gusto ko ring maging katulad niya kapag nagkaroon na ako ng sariling pamilya. But not until I learned na niloloko niya pala si papa. Simula noon ay kusa ng lumayo ang loob ko sa kanya.

Sinasabi ni papa na may dahilan kung bakit nagawa 'yon ni mama. I would like to think that way too. But how?

Cheating is cheating! There will never be enough reason to justify such act.


The next day ay maaga akong pumasok. The campus is pretty big kaya I want to familiarize myself with it.

Iba't-ibang building ang meroon sa bawat department. Iba rin ang para sa lecture subjects at laboratory subjects.

Meroon ding malawak na soccer field sa gitna. Sa bandang likod naman ay benches at tables na napalilibutan ng mga puno at bulaklak. A perfect place kung gusto mo ng tahimik.

My phone vibrated. My eyebrows met. Why would she call this early?


"Zephiii, can you pick me up? Nasa shop ang sasakyan-"


Tumigil siya sa pagsasalita at nanliliit ang mga matang tinitigan ang screen.


"Wait.. Asa school ka na?!"

"Yup" simple kong sagot.

"This early? Wow ah, you're really taking your deal with your dad seriously." tumawa siya ng kaunti na para bang hindi kapanipaniwala ang nangyayari.

"What happened to your car?" pag-iiba ko ng usapan.

She rolls her eyes and groans. "Please, huwag mo na ipaalala. Ang aga para masira ang araw ko."


Hindi ko na siya pinilit pa dahil mukhang iritado talaga siya. Pinagmadali ko na lang siya mag-ayos para hindi mahuli sa first subject niya.

Natigil ako sa sanang pagpasok sa lab room ng mapansin ang lalaking kahapon ko pa gusto makita. Paakyat siya sa siguro'y lab room nila.

Sumunod ako. Second floor, third floor...hanggang sa umabot ako sa huling palapag. The heck! Bakit ba ganito ito kataas tapos walang lift!

Nawala sa paningin ko si Klyde. Habol hininga akong napahawak sa mga tuhod ng may baritonong boses ang nagsalita mula sa likod.


"Mukhang naliligaw ka ata, Ms. Cenzon"


Tumuwid ako. Inayos ang sarili at taas noo siyang hinarap. He looks at me intently. I suddenly got concious. Kanina pa ako naglalakad lakad at hindi ko alam kung ano'ng itsura ko!

I licked my lower lip and brushed my hair with my fingers.


"Nope, laboratory first class ko. You see" sabay pakita ng mga gamit sa aking balikat.

"But freshmen are on the first floor. Hindi mo ba chine-check ang subjects at classroom assignments mo?" humalukipkip siya at nagtaas ng kilay.

My face heated. Of course I do!  "Alam ko kung saan ang classroom ko. It's just that...m-maaga pa kaya nagdecide akong maglakad lakad. It's good na rin since hindi ako nakapag-exercise kanina."

"Uh-huh, exercise with canister and t-square, nice! You seem really in a hurry para hindi man lang 'yan maipasok sa room niyo"


Bahagyang bumilog ang mga mata ko sa realization na 'yon! I unconciously bit my lower lip. Napansin ko ang saglit na pagbaba ng tingin niya roon pero 'di rin nagtagal ng may nagsalita mula sa likod at doon nagawi ang atensyon niya.


"Uy, Klyde! Sino 'yan ah?" tanong nito at malabilis nakalapit sa amin. "Whoa! Don't tell me you're back at it again, Klyde? Or this one's serious?"

"Stop it, Chris. Neither of those. She's just a freshman, naligaw lang." ani Klyde habang nakatingin sa akin.


I gulped. Just a freshman na naligaw!? Did he just deny na kilala niya ako? Hindi ko alam pero bigla akong nakaramdam ng iritasyon.


"Really? Should I guide you instead, then?" tanong nung Chris at mas lalong lumawak ang ngisi sa akin.

Nagsalubong ang mga kilay ni Klyde. "Back off, Chris. She can handle herself-"

"Sure!" pagputol ko sa sinasabi niya. "I actually don't know where my lab room is." kunawaring nahihiya akong ngumiti kay Chris.

"Akala ko ba ay alam mo na ang room mo?" mas lalong kumunot ang noo ni Klyde at mababakas na roon ang iritasyon.


So you're annoyed now, huh?


"I am not really sure..." mabagal ang pagkakabigkas ko na para bang nag-iisip sabay ngiti sa kanya.

"Let's go then. Malapit na ring magstart ang klase" 

Tumango ako kay Chris at bumaling kay Klyde.  "Thank you, Mr.."

"Klyde, his name is Klyde" ani Chris.

"Right, you are so welcoming to a freshman like me. Thank you....kuya Klyde."


Nanlaki ang mga mata niya. Tumawa si Chris at tinapik ang balikat ng lalaking tila naestatwa sa kinatatayuan niya.

I glanced at Klyde once more, and there he is, watching us with his dagger stares.

Ngumiti ako sa kanya at kumaway. His gaze becomes darker as he clenches his jaw. Hindi ko na napigilan ang pagtawa bago tuluyang bumaba ng hagdan.












You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 13, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Reigning The Haywire LandWhere stories live. Discover now