"Cara! Alamea Cara!" napalingon ako sa pinanggagalingan ng pamilyar na boses ng aking kaibigan. Binigyan ko siya ng nagtatanong na tingin na siya naman niyang ikinatawa.
"You're so loud Lea." Sabi ko at bahagyang ngumuso ng makalapit na siya sa akin, marahan naman niya akong kinurot sa pisngi na siyang nakapagpataas ng kilay ko. "Ang aga-aga ang taray mo naman." Ngumuso ulit ako at nagpatuloy na ulit sa paglalakad papuntang silid-aralan. "Ang aga-aga rin at nanggugulo ka agad." Narinig ko ang bahagya niyang tawa at mabilis naman siyang naglakad para makasabay sa akin.
Cathalea has been my best friend since first year high school. My father died the same day of my graduation in primary school because of lung cancer, naalala ko noon na hindi na ako nakasama sa ceremony dahil naging abala na kami sa pag-aasikaso sa mga papeles ng tatay ko para sa burol niya. Kinailangan din ni mama ibenta ang bahay namin at umupa sa mas maliit na bahay para mabayaran ang mga utang na naiwan ni papa at para na rin makapagpatuloy kami ng kapatid kong bunsong lalake sa pag-aaral. Noong una ay nahirapan pa kami lalo na at ilang buwang din nagkasakit si mama dahil sa kakulangan sa tulog at pagkain simula ng mawala si papa, muntik na rin akong magdesisyon na huwag munang mag-aral sa taon na 'yon para lang matulungan si mama sa mga gastusin sa bahay pero pinilit niya akong ipagpatuloy ang pag-aaral kaya kahit na gusto kong tulungan siya ay sinunod ko na lamang.
Tatlong lingo ko pa lang sa high school noon, kumpara sa dati kong pinapasukan ay may kaunti na akong kakilala hindi katulad sa bagong kong paaralan na halos ay puro magkakakilala na ang mga napapansin ko at kung magpapakilala naman ako ay parang hindi nila ako nakikita kaya hinayaan ko na lang din ang pakikitungo nila. Kaya nga laking gulat ko noon ng makipagkaibigan si Lea sa akin, isa siya sa mga pinag-uusapan noon na transferee at kakilala ng may-ari ng school ang magulang. Natatandaan ko pa ang pantay at mapuputi niyang ngipin na nakangiti sa akin habang masayang inilahad ang kamay para magpakilala.
"Samahan mo muna ako saglit sa room ng pinsan ko." Aniya habang nagkakamot ng batok. "Again?" tanong ko at nagpaubaya na sa paghila niya sa akin papunta sa ikaapat na palapag kung nasaan ang klase ng pinsan ni Lea na mas matanda sa amin ng dalawang taon, second year high school na kami ni Lea samantalang ang pinsan niya ay fourth year high school na.
"Yes, again, hindi ko nga alam doon kung bakit niya laging nakakalimutan --."
"Lea!" naputol ang sasabihin niya ng marinig namin ang pamilyar na boses ng kaniyang pinsan. "Speaking of the devil." Natatawang sabi niya at agad naman akong hinila papalapit sa pwesto kung saan nakatambay ang pinsan niya kasama ang iba pang lalake na sa tingin ko ay mga kaklase nito.
"Hello Cara." Umangat ang tingin ko ng marinig ko ang pagbanggit sa pangalan ko. Nakita ko ang mga mata nilang lahat na nakatingin sa akin. Noong unang beses ko silang makita ay hindi pa rin ako halos makapaniwala na dalawang taon lang ang tanda nila sa amin, they're all matured enough na aakalain mo ay nakapagtapos na ng mga pag-aaral.
"Hello again, Cara." halos manginig ang kalamnan ko ng magtama ang mata namin. Nakita ko ang bahagyang pagsalubong ng kaniyang makakapal na kilay na siya namang ipinagtaka ko.
"Hoy King, huwag mong tinatakot si Cara." Agad akong bumaling kay Lea ng maramdaman niya ang biglaan paghawak ko sa likod ng bag niya. "Hindi ko naman siya tinatakot, binabati ko lang siya." Natatawang sabi nito at bumaling ulit ng tingin sa akin na parang naghihintay sa sagot ko.
"H-hello po." Mahina kong usal. Narinig ko naman ang pagtawa ng mga kaibigan niya at pag-ulit sa sinabi ko, nagtataka akong tumingin sa kaniya ngunit ibinaling ko ulit ang tingin ko kay Lea ng makita ko ang pag-igting ng kaniyang panga at pagsalubong ulit ng kaniyang makakapal na kilay. May nasabi ba akong mali sa kaniya?
BINABASA MO ANG
Still Into You
Romance"Be with me and only me, choose me always because I'll always choose you."