Calixta's POV
Monday morning I woke up early for me to have enough time to get ready for the first day of school.
Pagkatapos kong maligo at makapag-ayos ay bumaba na rin ako para makasabay kila mama sa agahan.
Kailangang maaga ngayon dahil gaya ng sinabi ko ito ang unang araw sa paaralan.
New school, new people and new environment
Bagong buhay paaralan na naman ang papasukan ko hindi ko alam kung anong klaseng mga estudyante ang mga nandun dahil sa pagkakaalam ko ay halos lahat ng mga nandodoon ay mga matatalino.
Bago nga ako makapasok doon ay kinailangan ko pang mag-take ng entrance exam ng dalawang beses para lang makapag-aral sa isang Science Public School.
Ang Science Public School ay nag-iisa lamang dito sa buong Region namin kaya naman ang mga mag-aaral doon ay napakalayo pa ng binabyahe para lang makapasok.
Ewan ko ba kung bakit mas pinipili pa nilang mag-aral doon kung meron namang ibang mga paaralan na mas malapit sakanila.
Siguro dahil na rin sa sistema ng paaralang iyon dahil ang sabi sabi ay advance daw ang mga itinuturo dito at talaga naman daw na macha-challenge ka pag dito ka nag-aral
Pero hindi ko pa yan sure dahil hindi pa naman ako nakakapag-aral doon ngayon pa lamang.
"Good morning ma" sabi ko kay mama sabay halik sa pisngi niya.
"Morning 'nak, halika na kumain ka na para maihatid ka na ni Mang Jade"
"Sige po" sabi ko at kumain na rin.
Habang nasa loob ng sasakyan ay hindi ko mapigilang mapatitig sa mga nadadaanan namin dahil andaming puno at napakasarap nilang titigan.
Ganito pala sa probinsiya napakaganda ng mga tanawin.
Sa sobrang pagkalibang ko sa kapaligiran ay hindi ko na namalayang nakarating na pala kami sa school.
Ibinaba na ako ni Mang Jade dahil bawal daw magpasok ng sasakyan ng mga estudyante papunta sa may gate kaya nilakad ko nalang rin.
Ayon na naman ang paghanga ko sa mga puno napatingala ako at napakaganda talaga ng mga dahon nito, idagdag mo pa ang liwanag ng umaga.
Dahan dahan lang ang paglalakad ko dahil nag-e-enjoy pa ako sa pagtitig sa mga puno ng biglang...
*BIIPPPPPP BIIPPPPP*
Isang malakas na busina ang nagpatigil saakin sa pagtitig sa mga dahon ng puno.
Napatingin ako bumusina at dahil tinted ang kanyang sasakyan ay hindi ko siya makita kaya naman tumabi nalang ako para iwas gulo.
Tumuloy na ang sasakyan at pinagbuksan pa siya ng pinto ng mga guard sa may main gate
"Akala ko ba hindi pwedeng magpasok ng mga sasakyan sa loob?"
Pero hayaan nalang baka teacher 'yon.
Isina walang bahala ko nalang iyon at nagtuloy na sa paglalakad.
Pagpasok ko sa loob ay naglakad pa ako ng konti at nakita ko ang malawak na field para sa flag ceremony.
Pero hindi iyong ang nakaagaw ng atensyon ko kundi ang malaking 3D ng pangalan ng school na pinasukan ko at may pintura pa ito na talaga namang nakakaakit pagmasdan.
Nagpatuloy na ako sa paglalakad at mamaya lang ay mararating ko na ang guard house dito nila chine-check kung may ID ka bang dala o wala, dahil kung wala kang ID ay hindi ka nila papapasukin.
BINABASA MO ANG
𝑰'𝒎 𝒂 𝑹𝒆𝒂𝒅𝒆𝒓 𝒂𝒏𝒅 𝑯𝒆'𝒔 𝒂 𝑷𝒍𝒂𝒚𝒆𝒓
RomanceIsa akong babaeng tahimik at tila ginawa ng buhay ang pagbabasa ng mga libro. May gugustuhing mapag-isa para lang makabasa. Ngunit sa hindi inaasahang tagpo may nakilala akong isang lalaki na kung makahawak ng cellphone at tila na sa palengke sa in...