Calixta's POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.
Bumangon na ako at nag stretch ng mga kamay sabay hikab.
I have a smile on my face to start the day.
Nag handa na ako upang umpisahan ang aking umaga pagkatapos ay bumaba na ako para sabayan sina mama at papa sa almusal.
"Bye ma" sabi ko sabay halik sa pisngi ni mama
"Bye nak ingat ka" nakangiting paalam ni mama
Kumaway pa ako kay mama bago ako tuluyang sumakay sa sasakyan at hinatid na ako ni Mang Jade papuntang school.
Pagkababa ko ay nakita ko si Ivan na kabababa lang din sa sasakyan nila.
Kinawayan ko siya at agad din naman niya akong napansin. Ngumiti siya pero tila may bahid iyon ng lungkot ngunit agad din itong ngumiti ng makitang naguguluhan ako tsaka siya naglakad papunta saakin.
Isinawalang bahala ko nalang iyon dahil baka may naalala lang siya kaya nalungkot.
Nagkukwentuhan kami habang naglalakad ng bigla kaming makaranig ng sigaw.
"CALIXXXTAAAAAA!!!! IVAAANNNNNN!!!!!" tinanaw namin kung sino iyong sumigaw na tila wala ng bukas at nakita namin si Ley na todo ngiti saamin habang kumakaway
"HINTAAYYYYY!!!!!"
Napabuntong hininga kami ni Ivan dahil pinagtitinginan na kami ng ibang mga estudyante dahil sa ginagawa nitong si Ley.
"Morning!" masiglang bati nito saamin
"Morning, ang hyper natin ah" nangingiting sabi ni Ivan kay Ley.
"Eh kasi naman nakasalubong ko jan sa may entrace yung crush ko" kinikilig na tumili pa ito!
"Woi huminahon ka nga tignan mo oh pinagtitinginan tayo" nahinang bulong ko sakanya dahil talagang nakakahiya kay bago bago namin pero heto at nagi-iskandalo itong kasama namin.
"Hay nako hayaan mo silang makichismis" ayaw paawat na sagot niya.
"Una na ako" sabi ko sabay buntong hininga at naunang maglakad sakanila.
Habang naglalakad sa may gilid ng hallway ay nagulat ako ng may biglang pumalo paitaas sa mga librong hawak ko na naging dahilan upang mahulog iyon sa sahig.
Tinignan ko kung sinong walang hiya ang gumawa nun. At nakita ko ang isang babaeng kung maka make up ay tila ibinudbod na nito lahat. Nagmumukha tuloy siyang coloring book.
"Ayy nahulog" tila nagugulat at naaawa pang sabi ng babae na walang iba kundi iyong babae sa mall.
"Tsk." sabi ko at akmang pupulutin ko na ang mga libro ng biglang may sapatos na umapak dito at kung hindi ako naging maagap ay maaaring naapakan rin nito ang mga daliri ko.
"Wait I'll put it up for you my dear" maarting sabi nito at pinulot niya nga ang mga librong nahulog pero imbis na iabot iyon saakin pabalik ay bigla niya itong itinapon paibaba ng building!
"What the!" gulat na sabi ko. "Ano bang kailangan mo sakin?" medyo naiinis ng sabi ko
"Hmm wala naman just making fun with you, don't you want it dear?" nameke pa siya ng ngiti
Kapal naman ng mukha nitong babaeng to, may makapal pa sa pader ng building na to idagdag mo na rin ang makapal niyang make up.
Napailing nalang ako at pinulot na ang ibang libro kong nahulog. Akmang maglalakad na ako ng biglang may humawak sa balikat ko at sapilitan akong iniharap sakanila. Ang humablot saakin pabalik ay walang iba kung di ang alagad niyang nasa kanan.
BINABASA MO ANG
𝑰'𝒎 𝒂 𝑹𝒆𝒂𝒅𝒆𝒓 𝒂𝒏𝒅 𝑯𝒆'𝒔 𝒂 𝑷𝒍𝒂𝒚𝒆𝒓
RomanceIsa akong babaeng tahimik at tila ginawa ng buhay ang pagbabasa ng mga libro. May gugustuhing mapag-isa para lang makabasa. Ngunit sa hindi inaasahang tagpo may nakilala akong isang lalaki na kung makahawak ng cellphone at tila na sa palengke sa in...