"Kapagod mga dzai!" Inabutan ko lang ng tubig si Francine ng maupo ito sa bench.
"Sino ba naman kasi ang nagsabing tumakbo ka dyan sa SHSSG?" Nakakunot noong tanong ni Carly.
"Sana girl gumapang ka nalang." Sabay kaming tumawa ni Eureka ng mag comment nanaman ang mahaderang si Carly.
"Eh kung ikaw pagapangin ko ngayon?" Anas ni Francine. Nag hands up kaming tatlo. Saka sabay sabay na tumawa.
Graduating na kami ngayon sa grade 12 pero gustong gusto ko ng mag graduation. Alaws pogi dito sa school, baka sa college ko na talaga mararanasang makakita ng mga gepo. Tyaka baka malaki na ibigay ni Mama'ng allowance you know.
"Hoy, lapit na pala intrums mga sis. Pres, ano bang pakulo niyo this year?" Tanong ni Eureka kay Francine.
"Secret dzai ah! Syempre pasabog ang mga kaganapan sa intrums no!" Pagmamalaki ni Francine. Which is duda kami. Hindi naman malaki ang budget ng SSG no! Baka pucho pucho nanaman mga ganapan dun, parang last year lang.
Iyong intrums kasi dito sa school namin hinahaluan ng mga kun anu-anong mga anek anek. Wala kasi kaming foundation day, pang private school lang ata iyon. Kaya iyong mga pakulo like wedding booth, jail booth ganyan sa intrums na rin sinasama. Para tipid tipid siguro sa budget?
"Duda ako girl. Baka katulad nanaman iyan nung last year. Jail booth ampotek, tapos 100 ang singil. Tingin niyo may ganung pera kami?" Anas ni Carly.
Halos mamatay matay ako sa katatawa ng maalala ko iyong nangyari last year. Paano itong si Carly nahuli nung mga emeng bantay sa jail booth kasama yung isa naming classmate. So ayun nga, si mayamang classmate natubos nung mga kaibigan nyang social climber at naiwan 'tong si bruha. Alaws naman kami magawa, kasi 30 pesos lang naman baon ko tapos itong si Eureka 50 pesos. Naubos pa naming pinambili nung potato tornaedo at palamig edi hindi namin sya natubos! Kung hindi pa siguro dumating si Francine nun hanggang 6pm pa si Carly sa jail booth.
"Tunay sis! Ang mahal ng singil niyo lakas maka private school. Eh meron lang kami moral support, sa maling pagkakataon pa." Dagdag ni Eureka.
"Kung makapagsalita naman kayo parang hindi niyo naenjoy yung dedication booth? Itong si Carly todo dedicate maloka ako." Lang aasar ni Francine.
"Hindi ko nga na all out dahil dyan sa mga hudas mong jail guards eme! " Anas ni Carly.
"Ay grabe sya, parang hindi ko sya tinubos." Depensa ni Francine.
At nagkasumbatan na nga. Nagtinginan nalang kami ni Eury bago namin inawat 'yung dalawa. Ewan ko ba, sa aming apat kami ni Eury iyong palaging pumapagitna dito sa dalawa. Pag magkasama sila laging world war two.
--
"Alaws talagang pogi sa school na'to no?" Reklamo ni Carly.
Nasa kiosk kami ngayon at nagmamasid kung may pogi bang maliligaw.
"Pa ganyan ganyan ka na friend ah. Parang hindi ka nainlab kay Jericho!" Pang -aasar ko. Nilingon ko si Carly na halos masuka suka. Paka arte akala mo maganda hahaha.
"Gaga, tuta pa ako nun. Malabo pa paningin ko!" Tawang tawa ako sa sagot nya. Hayop talaga itong 'sang ito.
"Kaya pala nagkagusto sa asal aso." Komento ni Francine. Humalakhak kami ni Eureka, lakas mang trashtalk ni Francine hayop!
"Francine 1, Carly 0 ." Anas ni Eureka.
"Eh kesa naman, sa hindi pa naranasang mainlab. Puro MU, parang nag-iipon lang botante sa eleksyon." Ang sakit na ng tyan ko sa dalawang 'to. Hayp. Kaya ito mga kinaibigan ko eh. Hindi oobra mga kaaway sa kanila.
BINABASA MO ANG
He who pulled my heartstring
Roman d'amourJiannie Emmelia Vilozo x Gio Gabriel Ignacio