Kabanata 21

10.7K 233 32
                                    

Gabi na, pero hindi pa rin ako makatulog, iniisip ko pa rin ang nangyari kanina.

Magkamag-anak talaga sina Quira at Professor Montanier? Si Sy? Totoo pala na ang real name ni Prof ay Sygred.

Small world. Pilit ko na ngang kinalilimutan ang taong nagdulot lang ng sakit sa akin, tapos ngayon, malalaman ko pa na kamag-anak niya ang isa sa mga kaibigan ko? Ano'ng gagawin ko? Hindi ko naman kayang layuan si Quira; napalapit na rin siya sa akin.

Sunod-sunod na ang mga nangyayari, Diyos ko, Lord!

Paano ‘to? Paano kung malaman ni Quira na buntis ako? Ipapakilala ko naman sa kanila ang anak ko, pero hindi ko na sasabihin na si Professor Montanier ang ama. Mag-iingat ako. Para na rin sa aming mag-ina.

Ngayon, naglalakad kami ni Mina palabas ng eskwelahan. Nauna na ang ibang kasama namin, at ang iba naman ay nagpaiwan dahil may mga kailangang tapusin. Madilim na ang paligid nang makita kong tumatakbo si Quira mula sa kumpol ng mga tao, papalapit sa amin.

“Idalia! Idalia!”

Hinihingal siyang huminto sa harap ko at hinawakan ang kamay ko. Ngumiti siya.

“Pwede ba, kapag may nakita kang matangkad na lalaki na naka-cap sa labas ng gate, sabihin mo mauna na siya? Kuya ko 'yon. May ipinapagawa pa kasi sa akin si Ms. Montes,” sabi niya bago binitiwan ang kamay ko.

Bahagya akong ngumiti at tumango.

“Sige,” sagot ko.

Ngumiti ulit siya nang malapad. “Salamat talaga!” bago tumakbo papuntang faculty.

Sinundan ni Mina ng tingin ang papalayong si Quira.

“Grabe talaga si Ms. Montes, noh?” Sabi ni Mina, umiiling. “Kaklase ko si Quira sa isang subject, favorite talaga siya ni Ma'am Montes.” Umiling siya muli, bago hawakan ang kamay ko at sabay na kaming naglakad palabas.

“Andaming estudyante ngayon, paano natin makikita 'yung kuya niya?” tanong ni Mina habang lumilinga-linga.

Inikot ko ang paningin ko. Oo nga, ang daming estudyanteng palabas.

Isa lang kasi ang school dito sa amin, kaya kahit mayaman o mahirap, dito nag-aaral. Hindi maiiwasan ang bullying, lalo na’t magkakasama ang mga angat sa buhay at ang mga hindi. Kasama ako sa mga simpleng estado lang sa buhay.

Napakapit ako kay Mina nang huminto siya at itinuro ang isang lalaki.

“Ayun! Ayun ata ang kuya ni Quira,” sabi niya. Tiningnan ko ang itinuro niya pero hindi ko masyadong makita dahil nakaharang ang ibang estudyante, at hindi rin naman ako katangkaran. Mahigpit ang kapit ko kay Mina dahil nakakaramdam na ako ng pagkahilo.

Marami talagang estudyante ngayon, at karamihan sa kanila ay hindi rin ganoon kayaman. Yung mga may kaya naman, nasa parking lot at may mga sasakyan. Hinawakan ako ni Mina sa kamay at nag-alalang tumingin sa akin nang makita niyang hawak ko na rin ang ulo ko, hilong-hilo na ako.

“Ida, okay ka lang ba? Nahihilo ka?” sunod-sunod niyang tanong.

Inangat ko ang tingin ko at bahagyang ngumiti sa kanya.

“O-oo...” sagot ko. “Okay lang ako. Iwan mo muna ako sa may waiting shed at puntahan mo na 'yung kuya ni Quira.” Ngumiti ako kahit bahagya lang. Tumango siya at napabuntong-hininga.

“Sige, pahinga ka lang muna dito. Babalikan kita,” sabi niya nang makarating kami sa waiting shed at makaupo na ako. Tumango ako.

Pag-alis niya, napahawak ako sa ulo at tiyan ko. Masyadong maraming estudyante ngayon. Malawak naman ang school, pero sabay-sabay kaming pinauwi ngayon kasi may meeting ang mga teachers, kaya ganito karami ang tao ngayon.

May iilang mga estudyante na naghihintay pa rin sa may waiting area. Ako naman, nakayuko at nakahawak sa ulo at tiyan ko. Ramdam ko ang lakas ng tibok ng puso ko, na nagdulot ng pag-aalala at pagtataka sa akin.

Napahawak ako sa dibdib ko, at nanlaki ang mga mata ko nang marinig kong may nagsalita sa tabi ko.

“Hinihintay pa ni Quinmark si Quira, susunod na kami d’yan.”

Hindi ako nakagalaw sa kinauupuan ko. Sobrang pamilyar sakin ang boses na iyon.

Gumalaw siya ng kaunti at nasagi ang siko ko, lalo tuloy akong nataranta.

“M-Miss? Are you okay?” nag-aalalang tanong niya.

Hindi ako sumagot. Hindi ko kayang magsalita.

Ramdam ko ang paghinga niya ng malalim bago siya tumayo at marinig ang yabag ng kanyang paglayo.

Unti-unti kong itinaas ang ulo ko, ngunit dama ko pa rin ang kaba. Nakita ko agad ang matatalim na tingin ng mga nakakita sa aming dalawa.

“Andaming arte, may pa-yuko-yuko pa. Montanier 'yon, uy!” sabat ng isang babaeng sinang-ayunan ng kaibigan niya. Inirapan pa niya ako.

Ang lalaki na kanina’y umupo sa tabi ko ay si Professor Montanier pala.

Sygred. Nalaman ko ring angkan dito ang mga Montanier at sila ang may-ari ng ilang lupain at hacienda sa lugar na ito. Hindi ko akalaing magiging ka-close ko si Quira na, kahit mayaman, hindi marunong magyabang.

Habang pauwi ako sakay ng tricycle, hindi maalis sa isip ko ang nangyari. Ang boses niya, ang pagdikit ng balat namin sa siko.

Bakit ba pilit kaming pinagtatagpo? Ansakit-sakit na ng mga nangyari sa akin. Lumayo na nga ako, nabuntis na ako, gusto ko na ng payapang buhay pero paano ko ito makakamit kung pinagtatagpo pa rin kami?

Malungkot akong napangiti sa harap ng salamin dito sa banyo. Halata na ang baby bump ko dahil magdadalawang buwan na ito.

Ang ama mo ay may iba nang mahal, pero kaya kong ibigay sa’yo ang buong pagmamahal.

Napangiti ako habang pinapahid ang luha sa aking pisngi.

“Gusto mo?” tanong ni Bruce, nakangiti at inaalok ako ng burger.

Ngumiti ako at inabot ito. “Salamat!”

“Kamusta ka na? Minsanan na lang tayong nagkikita,” Tumigil ako sa pagbukas ng burger at lumingon sa kanya.

“Medyo busy na rin kasi,” sagot ko.

“Oo nga. Mag-bonding tayo kapag may free time na.” Tumango ako bilang sagot.

Binuksan ko ang burger at agad kong naamoy ito. Mabilis ko itong binalot ulit at iniabot pabalik kay Bruce.

Bigla akong tumayo, ramdam ang pagkabaligtad ng sikmura ko. Agad akong tumakbo papunta sa likod ng puno at sinubukang sumuka, pero wala akong mailabas.

Naramdaman ko ang banayad na paghagod ni Bruce sa likod ko.

“Ida, buntis ka ba? napapansin ko ang pamumutla at pagkatamlay mo,”

Natigilan ako at ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Kinakabahang lumingon ako sa kanya.

“Y-yes, I'm pregnant.”

Falling for Mr. MontanierTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon