Chapter 6

177 12 0
                                    

Chapter 6: "It's as if every atom in my body gravitates towards you."



Cale: OTW. See u there.

Pagkabasa ko sa message niya ay mabilis kong kinuha ang white sneakers ko at isinuot. I checked my outfit in front of the mirror. I wore a high waist pants and crop top. My make up is light. As for my hair, it was curled in the bottom part. Bago lumabas ay nagwisik ako ng pabango at isinuot ang cap ko. 

"Phoebe, let's go!" 

Komportable pa siyang nakaupo sa couch kaya lumapit ako sa kanya at hinila na siya palabas ng bahay namin. 

"Bakit ba tayo nagmamadali? Pwede naman tayong ma-late sa concert ni Arabella," reklamo niya. "Kung hindi lang tayo nangako na susuportahan ang concert niya, itutulog ko talaga ang gabi na ito."

Arabella is an artist of GD Ent. And it's like an unspoken rule to support our co-artists in the agency.  

"Okay lang yan. Bawi na lang tayo sa after-party."

"That's what I'm looking forward to!" she said, grinning. Napailing na lang ako. "If I know excited ka lang kase alam mong pupunta si kuya Calem!"

Namumula ang mukha na umiwas ako ng tingin. "Uy, hindi ah!'

She laughed. "Echosera!"

Pagdating namin sa venue ay dumiretso na kami sa nakalaan na pwesto sa amin na taga GD Ent. Nasa may taas kami at hiwalay sa mga ibang nanonood. Awtomatikong gumuhit ang ngiti sa labi ko ng makita ko siya na nakaupo sa may sulok katabi si Kuya One.

He's wearing a pair of black jeans, black shirt, and jacket. Halos natatakpan na rin ang mga mata niya dahil sa suot na cap. Mukhang seryoso silang nag-uusap ni kuya One kaya hindi niya napansin ang pagdating ko. 

Hinila na ako ni Phoebe sa may tabi nina Elle at Macy. Kahit gusto ko siyang makatabi ay hindi pwede. We need to be careful. I took out my phone as it vibrated.

Cale: You look stunning.

I bit my lower lip as I felt giddy with his message. Pasimple ko siyang tiningnan at hindi ko na napigilan na mapangiti ng magsalubong ang mga mata namin. His elbow is on the armchair while his fingers were on his lips. His head was tilted on the side. Mataman siyang nakatitig sa akin pero hindi iyon masyadong mapapansin dahil sa suot niyang cap.

Me: You look so pogi! Makes me wanna hug u.

I glanced at him; The corner of his mouth moved up as he read my message. Sa kakatitig ko sa kanya ay nagulat pa ako ng higitan ako patayo nina Phoebe para sumayaw sa kinakanta ni Arabella. The latter waved at us, urging us to join her on the stage. Isinama din namin ang iba. But my cold man remained seated along with Inaki and Zeck. Nakita ko na sinubukan siyang isama ng iba pero umiling lang siya. 

I breathed out and walked towards him. Ipinatong ko ang kamay sa balikat niya. "Let's go."

"N-" Napahinto siya ng makitang ako ang nagyayaya sa kanya. 

Kaagad siyang tumayo at isinama din ang dalawa. Inalalayan niya ako pababa ng hagdan. Naghiyawan ang mga tao ng umakyat kami sa stage. Inalalayan ako ni Cale. He gave my hand a soft squeeze before he let go. Pumwesto siya sa may likod ko. 

We left before the concert ended. Paglabas namin ay pasimple akong sinabayan ni Cale sa paglalakad. Nagbubungguan ang mga kamay namin habang naglalakad. I wanted to hold hands with him, but again, we shouldn't do so in public.

"See you at the after-party," he said without even a glance.

I cleared my throat. "Yeah."

Hindi na siya kumibo at tinungo na ang sasakyan niya ng walang lingon likod. I sighed and got inside the van, as well. Sa ilang buwan na pagtatago ng relasyon namin ay hindi pa rin ako sanay that we can't openly show our affection towards each other. 

The Magnetic: Loving the Ice ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon