Chapter 17
"Alicia de Montaigne? Hindi ba po iyon ang pangalan ng Mother ni Prosecutor Vergara?" Kuryosong tanong ko sa kaniya. Tinawanan niya naman ako. Nakakunot ang noo kong nakatingin lang sa kaniya at naghihintay ng isasagot niya.
"Madame Alicia named her daughter Alicia. The same name with her because Prosecutor Vergara's mother reminds Madame Alicia's young self. Mace Alicia Fernandez—de Montaigne. That's her full name and buong pangalan naman ng Mother ni Prosecutor ay Maze Alicia de Montaigne—Vergara." Pagpapaliwanag niya sa akin. Tumango lang ako sa kaniya.
"What happens next noong hindi sumipot si Lolo sa kasal nila ni Madame Alicia?"
"Bumagsak ang mga Esquire." He said. I frowned because of confusion. "Because of what your Lolo did to Madame Alicia. Some of the Esquire assets vanished that's why their status is not the same anymore. Madame Alicia's parents did everything para mapabagsak ang mga Esquire dahil minahal talaga ni Madame Alicia ang Lolo mo kaso hindi talaga si Madame Alicia ang mahal ng Lolo mo. Walang pakialam ang Lolo mo kahit maubos ang kayamanan nila. Pero ang mga ninuno mo ay hindi papayag na mawala ang lahat ng iyon sa kanila. Dahil sa problemang iyon namatay ang magulang ng Lolo mo at ang Lolo mo ang sinisisi ni Denzel Esquire. Denzel Esquire is your grandfather's brother."
Kaya hindi siya nakikisalamuha sa amin? Kasi galit siya kay Lolo? Dahil si Lolo ang sinisisi niya sa pagkamatay ng magulang nila?
"Denzel Esquire said that he'll never acknowledge your Lolo as his brother anymore noong matapos ang libing ng mga magulang nila. Although your Lolo Denzel still gives the things that your Lolo's deserve kahit na galit ito sa Lolo mo."
"Pero matagal naman na po yan. Bakit hanggang ngayon galit pa din siya kay Lolo?"
"Tingin mo ba talaga galit pa din siya sa Lolo mo? Tingin ko naman hindi na. Malayo lang talaga ang loob sa inyo." Nakangiting sabi niya. "Alam mo ba na nagkaanak ang Lolo mo at si Madame Alicia?"
"Po?" Gulat na bulaslas ko. "P-Paano po nagyari yon kung... kung hindi naman minahal ni Lolo?" Naguguluhang tanong ko sa kaniya.
"Parang yung nangyari lang sa mga magulang mo 'yon." Simpleng sagot niya.
"I think no? Because Mommy loves Marco Vergara. Nabuo si Ate dahil sa pagmamahal nilang dalawa but suddenly my Mother falls out to Marco Vergara and Mom fall in love with Dad."
"That's romantic." Natatawang sabi niya. "Base lang naman 'yon sa kinwento ng Nanay ko sakin. Ang opinyon ko tungkol dyan ay minahal din naman siguro ng Lolo mo si Madame Alicia kahit paano. Kasi paano sila makakabuo kung hindi naman minahal diba?" Tanong niya sa akin. Hindi naman ako nakasagot dahil tama naman siya. Paano nga makakabuo kung hindi naman mahal ni Lolo si Madame Alicia?
I'm sure Lolo didn't make Madame Alicia his mistress or just a fling. Kasi sabi nga mismo ni Attorney Serano naging fair si Lolo kay Madame Alicia.
"Asan na po yung anak nila ni Lolo?"
"Uhm... namatay siya sa sinapupunan ni Madame Alicia. Buntis na si Madame Alicia noong kasal nila ng Lolo mo pero dahil sa galit at sakit na naramdaman niya noong naiwan siya mag-isa sa simbahan nalaglag ang bata. Mahina din kasi ang kapit noong bata. Yan lang naman ang alam ko tungkol sa mga Lolo at Lola mo."
Napatingin ako sa likod ni Attorney Serano dahil sa isang babae nakapapasok lang dito sa restaurant. Lahat ng mga tao dito ay napapalingon sa kaniya.
She's wearing a simple white dress until her knees and silver stilettos. Her silver chain sling bag is on her right arm. She has brown wavy hair and wearing simple make-up. She's so elegant and classy the way she acts.
![](https://img.wattpad.com/cover/258978471-288-k126779.jpg)
BINABASA MO ANG
Inclement Season 2
Ficción GeneralLas Rozas Series #1 (Book 2) COMPLETED *PROOFREADING* Atty. Raze Gedeon Esquire, the man with principle and moral. In his life, everything and everyone around him has use and purpose. He is a ruthless and manipulative lawyer. He can manipulate someo...