CHAPTER: 2

27 2 4
                                    

Agad naman akong umupo kase baka mapagalitan na naman ako. Habang nakikinig ako sa topic namin ngayon itong katabi ko di naman mapakali, ano kayang ginagawa nito.

"Mr. Cuevas what are you doing?" tanong ng prof namin.
"Nothing" sabi naman nitong katabi ko na halatang di talaga mapakali.
"Miss pwede ako pahiram ballpen?" sabi nitong katabi ko.  Ako naman is walang pake, kase hindi naman ako yung sinabihan nya.
"Miss late kanina..HOYY!!" sabi nya laking pagkagulat ko.
"Ha..Ako ba?" gulat na gulat kung sabi..sino ba naman hindi magugulat e sinundot paa ko habang ako focus na focus sa front.
"Oo...ikaw lang naman yung late kanina" sabi nya na iritang-irita na.
"Ehhh ano problema mo dun?" sabi ko na naiinis nadin, nanahimik ako dito aasarin ako.
"Pahiram nga ng ballpen mo, may extra kaba dyan?pahiram ako." sabay kamot sa kanyang ulo.
"Ohhh wait nga lang maghahanap ako." agad kalikot sa bag ko.
"Ohhh eto na..hiramin mo muna yan balik mo nalang pag nakabili ka ng bagong ballpen mo, first day of school wla kang ballpen..umayyy puro pagwapo lang kase alam." sabi ko pero hininaan ko sa bandang puro pagwapo lang kase alam buti nga hindi nya narinig.
"Salamat dito ahh" sabay kamot sa ulo nya na halatang nahihiya. Pero may napansin talaga ako sakanya bat parang pamilyar talaga siya.
"HOIIIII!!! ikaw pala yun, sabi ko na nga ba. Ikaw yung sinabihan ako na harang daw ako sa daan kanina." di ko namalayan na napalakas pala pagsabi ko nun.
"Miss Velasquez and Mr. Cuevas if di namn kayo makikinig, the door is open." sabi ni prof na halatang naiinis kase namumula na tapos taas ng isang kilay.

Agad naman kaming dalawa na tumayo at nag bow sabay sabing:
"sorry po ma'am hindi po mauulet."
Hayss first day of school eto nangyayari saamin.

[JHON'S POV]

Haysss itong katabi ko nadadamay ako sa mga pinang-gagawa nya. Kung ano-ano nalang talaga pumapasok sa isip nito.

"Hinaan mo kase boses mo nadadamay ako sayo"
"Kasalanan ko bang nabigla ako? Alangan namang sabihin ko na ikaw pala yun, nice meeting you tol." sabi nya sabay action pa, hehe ang cute nya sa part na yun.
"Ahhh btw ano nga name mo? Velasquez lang kase narinig ko kanina." sabi ko, kase ang weird naman kung hindi ko kilala tong katabi ko.
"Ara" tipid nyang sabi, HAHAH halatang napikon.

[ARA'S POV]
"Ara" tipid na sabi ko sakanya kase napipikon ako pag naiisip ko yung ginawa nya kanina, bat parang wala lang sa kanya yun.
"Hoiii bat mo nagawa sakin kanina yun? tapos ngayon parang wala lang sayo." sabi ko na pinipilit pinapakalma sarili ko kase baka mapagalitan na namn ako, kami pala HAHAHAH.
"Ehhh harang ka naman talaga sa daan, tsaka malelate na ako nun" sabi nya kalmado habang nakikinig sa prof namin.

Tumahimik nalang ako wala din naman akong magagawa ehhh harang naman talaga ako kanina.

Recess time na at agad ko na hinanap yung building 6 kung saan nandun si Ana, pero pagdating ko dun wala daw siya sabi ng mga kaklase nya, saan ba kase pumunta yung babae na yun. Kaya pumunta nalang ako mag isa sa canteen kase kumukulo na yung tiyan ko. Saktong pagdating ko dun wala ng pila so agad akong pumunta sa counter at nag order, pero may biglang sumingit.

"One cola nga" sabi nung sumingit agad ko siyang nilingon kase pamilyar yung boses nya at hindi nga ako nagkamali siya nga yung mokong na katabi ko kanina, ano nga ba pangalan neto? Ahhh basta Cuevas lang alam ko.
"Hoii ako nauna dito di mo ba alam ang salitang ladies first?" pagtataray kung sabi.
"Galet ka na namn? Di ba yan matatapos ha?" Order kana ohhh total tapos nadin ako dito." sabi nya habang tumatawa.
"Wag nalang po nawalan ako ng gana dahil sa mokong nato." sabi ko dun sa babaeng basa counter, aalis na sana ako hinila nya yung braso ko sabay bigay sakin nung cola na binili nya kanina.
"Ohhh sayo nayan ano pa gusto mo? It's my treat pasalamat nadin dun sa pinahiram moko ng ballpen." kalmado nyang sabi.
"Talaga ba? Totoo di ka nagbibiro?" gulat kung sabi, ehhh sino ba naman di magugulat di ko naman ineexpect na may manglilibre sakin ngayong first day of school.
"Ayaw edi wag." tumalikod na sana siya kaso ako na naman yung humila sa kanya.
"Hindi ako tatangi sa grasya HAHAHA" totoo naman talaga, bat kapa tatangi ehh nandyan na yan, may baon din naman ako pero nag offer siya kaya go ako.

Agad kaming pumunta sa isang table at dun kami kumain di nga siya nagbibiro nilbre nya nga ako HAHAH blessing. Habang tahimik kaming kumakain sinumulan ko na mag tanong sa kanya.
"Hoii ano nga pangalan mo?" sabi ko na nahihiya.
"John! John Cuevas, di kaba nakinig kanina?sabi nya habang nguya padin nung pagkain nya.
"Ehh nakalimutan ko HAHAH"  sabay kain dun sa natitira kung burger.
"Uyyyy salamat nga pala sa libre mo nabusog ako, next time ako naman manglilibre sayo"
"So may next time pa? Sabi ko na nga ba gusto moko ehhh" sabi nya na halatang nang- aasar na naman.
"Yang mukha mo inudnod mo nga sa steel wool para di masyadong kumapal" pabiro kung sabi.
"Hoiii dami kung skin care routine dito sa mukha ko tapos papanudnod mo lang sa steel woll." sabay himas sa mukha nya.

Natawa naman ako sa ginawa nya kase feel na feel nya talaga na napakagwapo nya. Gwapo namn siya pero di siya yung standard ko, mas mataas pa sa Mount Everest tong standard ko kaya nga lahat ng nanliligaw sakin noon busted ehh, charr di ko lang talaga sila type.

"Ara wala kabang plano pumasok sa second class? Bat nakatulala ka dyan? Alam ko naman na sobrang gwapo ko kaya sanay nadin ako kung may matutulala man."sabay flip sa kanyang buhok.
"Tumahimik ka nga may iniisip lang ako."
"Iniisip mo siguro kung paano ako pasasagutin noe?, nakss naman babae na pala manliligaw ngayon."
"Agad ko siyang binato nung bag ko sabay alis dun sa table namin."
"Hoiii Ara di moko maid..uyyy yung bag mo." sabi nya habang tumatakbo.

Chasing YouWhere stories live. Discover now