ARA'S POV
Second day na ng school namin kaya inagahan ko talaga pagpunta para naman makabawi ako. Habang naglalakad ako sa hallway may biglang umakbay sakin at agad ko naman itong nilingon aba sino ba kase siya para umakbay sakin my precious shoulders namantsaan. Pagtingin ko si John lang pala.
"Hoii aba kapal din ng mukha mo ahh" sabi ko sabay kuha sa kamay nya.
"Anong mali dun? Di ba pwedeng akbayan ko ang aking Prinsesa"
"Prinsesa mo mukha mo feeling close ka naman noe"
"Aba naman parang kahapon lang di mo tinanong pangalan ko, nilibre pa kita, pinadala mopa ako ng bag mo tsaka inaccept mo din follow request ko sa ig"
"So feel mo close na tayo dun?"
"Aba syempre ikaw lang ata yung babaeng kinaibigan ko no, di ko nga kinakaibigan mga pinsan ko kase ang flirty kahit alam nyang pinsan nya ako tinatry padin ako e-flirt"
"Nagtanong ba ako about sa pinsan mo? Aba bat umabot ka dun"
"Wala SKL" may pa action-action pa talaga siya bandang SKL ano bayun?
"Huh? Skl? Ano yun"
"Share ko lang"
"Aba tinatanong ka ng maayos ahh ano nga kase yung SKL"
"Share ko lang nga"
"Hoiii tinatanong nga kita" na curios ako agad kase pag may mga words na di ko alam gusto ko agad malaman kung anong meaning nun.
"Share ko lang nga"
"(S) stands for SHARE"
"(K) stands for KO"
"(L) stands for LANG"
"Ang totoo 18 kaba talaga o 81? Baket hindi mo yun alam 'e ang uso non sa social media""Di nga kase ako active dun may acc ako pero di naman ginagamit para saan pa no?"
"Di daw active pero inaccept follow request ko sa ig, iba ka den ano"
"Ehh nakita ko nga kasing may nag pop-up, isang dekada nang walang notification yung ig acc ko"
Agad naman siyang natahimik dun.
JOHN'S POV
Agad naman akong tumahimik sa sinabi nya, wla 'e wla din akong masabi.
"Hoii bat natahimik ka ata jan" sabi ni Ara sabay kalabit sa balikat ko.
"Wala din naman akong masabi HAHAHAH"
"Ahh buti naman kase ang daldal mo talaga"
"Inenjoy mo naman"
"Enjoy mo mukha mo"
Dali-dali siyang naglakad na para bang nagmamadali 'e ang aga pa naman.
"Ara kain muna tayo nagugutom ako maaga pa naman" nagugutom talaga ako kase wala akong kain kanina.
"Tapos na ako kumain, ikaw nalang pumunta dun"
"Manglilibre sana ako ehemm"
Agad naman siyang lumingon saakin na animoy batang sabik na sabik sa pagkain.
"Totoo?" sabi nya na yung mata nya may liwanag na di mo ma explain, ang cute nya sa part na iyon.
"Mukha ba akong nagbibiro"
"Tara arat basta libre mo, blessing nadin yan"
Agad naman kaming naglakad papunta sa canteen kase malapit lang din naman tapos na kwento din sakin ni Ara na kaya sabik na sabik siya na may nagsasabi sa kanya na ililibre daw siya kase di nya daw yun naranasan since elementary to highschool, kaya pala galak na galak siya pag sinasabihan ko siya ng ganun, parang gusto ko nalang siyang ilbre habang buhay.
Agad naman kaming nakarating sa canteen at pina order ko nadin si Ara ng gusto nya, alam ko naman may pera siya pero base sa sinabi nya kanina ngayon nya lang talaga na experience na ilibre, di counted yung kahapon kase pasasalamat ko yun dahil pinahiram nya ako ng ballpen.
"Hoii alam mo nung highschool ako pag hindi pumasok si Ana sa school ako lang mag isa kumakain sa canteen wala din kaseng gustong sumabay saakin kumain kase daw maldita daw masyado yung mukha ko" sabi nya habang ngumunguya ng pagkain kaya agad ko namang binuksan yung tubig na inorder nya kanina at binigay sa kanya, hirap na baka mabulwakan nya pa ako sa kinakain nya.
"Di naman masyadong maldita yang mukha mo napaka maldita nga 'e " sabi ko sabay tawa.
Agad nya naman akong, hinampas buti nalang di siya nabulunan kase lagot talaga ang aking precious face.
"Ang sama talaga ng budhi mo"
"Totoo naman talaga ahh di lang napaka maladita nyang mukha mo kundi napakasungit mo pa nga"
"Oo aware naman talaga ako dun kaya nga si Ana lang yung kaibigan ko nung highschool"
Nakwento nya na nga sakin about kay Ana na naging magkaibigan daw sila simula grade 7 hanggang ngayon, kahit na lumipat siya ng school pag tong-tong nya ng senior high di padin nawala yung bond nilang dalawa palagi padin silang gumagala every weekend pag walang ginagawa."Ikaw ba may kaibigan kaba? Bat parang wla HAHAHA" inaasar na naman ako nito.
"Aba syempre meron, di naman ako katulad sayo. Halos lahat ng lalaki dun sa campus namin nung Highschool kilala ako at kaibigan kopa"
"Sinungaling ka talaga" aba manghuhula ba itong babae na ito.
"To be honest wala din akong kaibigan masyado, totoo din kase yung sinabi ko sayo na sayo ko lang to nagawa kase idk di ko feel makipagkaibigan sa babae pero sayo iba ehh yiee kikiligin nayan HAHAHAH"
"Iiyak na sana ako kaso umiiral kayabangan mo, sobrang hangin nga ehh"
"Pero totoo isa lang bestfriend ko at yun ay si Kuya, pero minsan lang din siya umuwi kase nag aaral siya ngayon sa France, pag na f-face time kami di ko siya maintindihan minsan kase nagsasalita siya palagi ng french"
"Ahh so baket dun nag-aaral kuya mo baket hindi dito?"
"Wla ehh gusto nya dun siya mag-aral nagulat nalang ako one day sinabi nya kila Mom at Dad nung nag d-dinner kami na dun daw siya mag-aaral, feel ko din kase nasaktan si Kuya nung time nayun na k-kwento nya din kase sakin minsan ma may nagustohan daw siyang babae pero di nya niligawan kase nga takot siya masira pagkabigan nilang dalawa, di nya kaya mawala yung babae at pagkakaibigan nila so pinili nya nalang lumayo nung nag confess sakanya yung babae"
"Ayyy bat naman siya lumayo 'e diba nga gusto siya nung babae tapos gusto nya din yung babae"
"Ewan ko din sakanya bat nya yun ginawa" sabi ko sabay tingin sa relo ko kase napahaba yung usapan naming dalawa.
"Ara balik na tayo sa room malapit na magsisimula yung 1st period"
Agad naman sumang ayon si Ara kaya binayaran ko na yung kinain namin kanina at nag thank you din si siya.

YOU ARE READING
Chasing You
Não Ficção"I would rather chase you, than losing someone like you Ara."