GABRIEL'S POV
Ilang araw pa lang ang nakakalipas nung umalis si KZ. Marami rami narin ang nangyari. Gaya nga ng sabi ko kay Janine, sabay kami maglulunch.
Pagdating ko sa kanila, bumusina muna ako. Lumabas naman yung katulong nila.
Kinatok niya ako sa salamin. Pagkabukas ko,
"Iho, pasok ka muna. Nag-aayos pa lang si CJ."
"Sige po."
Bumaba ako sa kotse para pumasok sa loob. Binuksan ni Manang yung TV.
"Iho nuod ka muna. Gusto mo meryenda?"
"Hindi na po manang."
"Ikaw bahala. Maiwan muna kita jan ha? May niluluto kasi ako."
"Sige po."
Nanuod nga ako ng kung anong puwedeng panoorin.
Hanggang sa may nahagip ako. Picture ni Janine at KZ na kumakain ng ice cream. Ang sweet naman pala nila noon. Tinitigan ko lang yun hanggang sa lumabas si Janine sa kuwarto niya.
Nakasuot siya ng maong na short na medyo maikli. Pink T-shirt na may tatak na Abbey Dawn. At nakavans siya ng pink. Nakaponytail naman siya. Yung bangs nakalabas. Ang ganda niya sa porma niya.
"Let's go?" natauhan lang ako nung sinabi niya yun at bigla akong tumayo.
"Ah, sorry. Tara na."
"Manang! Alis na po kami!" sigaw niya kay Manang.
"Mag-iingat kayo!"
Paglabas namin ng gate, sasakay na sana siya ng bigla siyang may nakita. Si Angela na nakasakay sa kotse niya. Tinitignan kami. Ewan ko kung bakit? Hinawakan ko ang dalawang balikat niya mula sa likod niya. "Wag mo na siyang papansinin. Di niya tayo gagalawin. Nagseselos lang yan."
Nagsmile na lang siya sa akin.
Sumakay na nga kami sa sasakyan at dumiretso sa isang restaurant.
Nag-order siya ng pagkain niya at ganun din ako.
Kumain lang kami ng tahimik.
Bigla naman siyang nagsalita na siyang nagpabasag sa katahimikan sa amin.
"San nga pala kayo nagkakilala ni Ate?"

BINABASA MO ANG
A Step Away From Falling [EDITING&ON-HOLD]
Teen FictionA story about the two sisters who fall in love with the same guy. Who among of them will make the guy fall in-love? © 2012. *Thank you @MissDimples25 for the bookcover.* (Pansamantalang Ini-edit.)