The Barber Shop.

2.1K 30 12
  • Dedicated kay To all my avid readers.
                                    

Barber Shop? 

Ayun yung pinagpapagupitan ng mga lalaki, bata o matanda. Ilang buhok na rin ang naipon dito. Ilang powder na rin ang nagamit. Ilang suklay na rin ang nabali at ilang blade na rin ang naging mapurol. Simpleng lugar noh, pero hindi natin namamalayan na isa rin pala ito sa mga lugar na dapat mong tandaan. Na dapat mong balikan.

Minsan kasi, hindi na natin nababalikan yung barber shop na pinagpapagupitan mo. 

Kapag kasi yumaman ka, salon ka na magpapagupit. Sa mga airconditioned na barber shop. Kumabaga sa saying na, "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakatungo sa paroroonan." Syang tunay. Pero hindi lang lagi yung malalaking bahagi ng buhay mo ang balikan mo. Pati na rin yung maliliit. Somehow, it helped.

Ako nga pala ang Photographer at Writer, si Kristan Gumabao. Hindi namin malilimutan ni Nate Marano ang lahat lahat ng nangyari sa isang barber shop. Ang isang barber shop. Isang barber shop na aming babalikan at pasasalamatan.

Childhood.

Matalik na magkaibigan ang nanay namin ni Nate. Halos lagi silang sabay magshopping, bumili ng gamit for school, groceries, bayad ng bill at kung anu ano pa. Para silang magkapatid. Hindi ko naman sila masisisi dahil dalawa silang only child sa family nila. Siguro nga may sumpa ang pamilya namin, kami rin kasi ni Nate, nagiisa.

Minsan pa nga, napagdesisyunan nga aming mga nanay na sabay na rin kaming magpagupit. Tutal, mahaba naman ang buhok na naming dalawa. Mga 7 Years old kami noon noong una kaming nagpagupit. Pareho kaming long hairr nun.

Nauna akong magpagupit kay Nate. Easy easy lang sa akin yun dahil naiintindihan ko naman. Naititiis ko ang kati ng mga buhok sa aking muka. Si Mang Pido nga pala ang barbero dito. Mga 42 years old na sya.May kalabuan ang mata pero nagtatrabaho pa din, partida. 

Buong buong binigay nila Mama ang tiwala kay Mang Pido dahil sya ang gumugupit sa mga Papa namin ni Nate. Kaya ayon, dito kmi bumagsak.

"Mommy, wag na lang natin ituloy." pakiusap ni Nate sa Mommy nya.

"Ano ka ba Nate. Tingnan mo nga si Kristan, easy lang sya dun. You can! Big boy ka na eh." paliwanag ni Tita Ethel. 

"Onga naman Nate. Kaya mo yan, mas lalaki ka pa sa anak ko." tumawa sila ni Tita Ethel -_-"

Natapos na rin akong gupitan. Easy lang, cute pala ako kapag hindi long hair, muka kasi kaming di naliligo ni Nate eh. HAHAHAHAH Dadating nga pala sila Papa. Papagupit din, magkatrabaho sila ng Daddy ni Nate kaya siguro close na close ang family namin.

Si Nate na ang susunod. Natatawa ako sa reaksyon ng muka nya. Parang takot na takot sya sa gunting at blade. Nang nakaupo na sya, sumigaw sya sa loob, "Mommy, cover my eyes with that towel. Makati tohhh." Arte huh! Sino ba bading sa atin huh? HAHAHAHA 

"Okay okay." tinakpan naman ni Tita yung eyes nya.

"Ang katiiiii mommy." parang naiiyak na si Nate.

Biglang dumating ang mga Daddy namin. Woahhh! Family Reunion.

"Wow, natabasan na ang anak ko huh." sabi ni Papa.

The Barber Shop.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon