Chapter 2

3 1 0
                                    

Pressure

Mabilis lumipas ang week dahil halos lahat ang nagmamadaling mag pasa ng mga requirements sa iba't ibang subjects. Tuesday ngayon at wala akong pasok sa trabaho at school, dahil ito ang rest day ko.

May plano kami nila Margo at Cams na lumabas kagaya ng pangako ko sa kanila pero kailangan muna naming mag pasa ng last requirements namin para sa major subject at may meeting daw ang buong Bachelor of Arts department which is under ang course namin.

"Brielle, pasabay naman na si Asher, may ina-applyan kasi ako ngayon hindi ko na siya mahahatid." Si Tita Olivia habang nag aayos sa malaking salamin namin.

Si Tita Olivia ay pangalawang asawa na ni papa. My mother is his first wife and then suddenly my mother left us and ever since, wala na kaming balita sa kanya. Papa was too broken so I need to be firm for him, kahit na ang bata ko pa nung iniwan kami ni mama.

And then suddenly, I remember vividly how Tita Olivia put a smile on his face. Genuine and true smile at nag bunga yun ng isang napaka-cute na Asher. Mabait si Tita Olivia, hindi man kami nag tuturingan na parang mag-ina, pero parang kaibigan na din ang turing ko sa kanya.

"Shoes na Ash." sinuotan ko na ang maliit na si Ash ng kanyang sapatos at tinulungan ko na din sa kanyang pag aayos ng bag.

Hawak ko ang kamay niya habang sabay kaming nag lalakad. Ang portfolio ko ay nasa kabilang kamay, ipapasa ko mamaya sa school at dun na din kami magkikita nila Cams at Margo.

Kinder na si Asher at sa susunod na taon ay Grade 1 na siya. Hanggang maari ayoko sanang pag trabahuhin si Tita Olivia para makapag focus siya kay Asher. Pero sabi niya ay mag ta-try lang naman daw siya dahil inalok siya ng tiyahin niya.

"Ate, bakit ba need mag aral? Bawal ba mag work na lang agad ako?" Tanong ni Ash habang hawak ko siya at nag lalakad.

Natatawa ako sa kanya. Ganito lagi kami pag kasama niya ko, kung pwede lang gawin niya akong dictionary. Mahilig siyang mag tanong ng kung ano ano, minsan nga hindi ko na alam kung pano ko pa siya sasagutin eh.

"Siyempre, masyado ka pang bata para mag trabaho. Ang school, yan ang practisan mo kung pano mag trabaho." sagot ko sa kanya

Bata pa si Ash pero alam kong naiintindihan niya ang mga bagay tulad noon. Minsan nga nung nalaman niyang nag ta-trabaho ako, gusto niya na lang daw magtrabaho sa pinagtatrabahuhan kong fast food.

"So magsusulat ako ng ABC sa trabaho, Ate?" he confusedly asked while scratching his head.

Malapit na kami sa sakayan ng tricycle kaya inalalayan ko muna siyang sumakay. Pagka-pasok niya sa loob tumingin siya sakin na parang hinihintay ang sagot ko sa tanong niya.

"Hindi, nasa kinder ka palang. Tinuturuan ka nilang magsulat at magbasa. Ibig sabihin, magagamit mo ang mga pinag aralan mo sa trabaho." sagot ko sa kanya.

Tumango naman siya at alam kong naiintindihan niya ang sinasabi ko sa kanya. Pero sa totoo lang, nung nagka trabaho ako, I realized na hindi lahat ng pinag aaralan mo ay madadala mo sa trabaho. Masama pa, hindi nakatingin sa antas ng natapos mo, kundi ng trabaho mo.

But I know naman na I have to be thankful atleast na nakakapag aral ako. I shrugged dahil alam kong malalim na naman ang mga iniisip ko.

"Wag ka munang mag madali Ash, baby ka pa naman eh. Dadating ka din sa pag ta-trabaho. Pero wag na wag mo munang madaliin at mag enjoy kang maglaro at mag aral." dagdag ko.

Napapansin kong dahil malaki ang agwat ng edad ko kay Ash, naiisip niya na ang mga bagay na usually kong ginagawa ay normal lang din na lifestyle para sa batang katulad niya. Madalas kasing nasa trabaho at school ako kaya hindi ko na siya nakaka-laro.Pero kahit papano, sinusubukan kong bumawi sa kanya pag day off ko.

The Retrospect of SerendipityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon