Hello readers!
Writer na ako dati pa pero ngayon lang ako magsusulat ng ganito dito so I hope magustuhan nyo pa din :)
Feel free to comment/ critic and share your ideas :)
______________________________________________________
Hi! Im Ginere (pronounced as: dyi-ne-ree)
Alam ko.. weird ang pangalan ko. Nanggaling daw kasi ang pangalan ko sa pinagsamang pangalan ng mga lola ko, Gina and Tere pero medyo pinasosyal ng konti kaya ginawang "ree" yung dulo imbes na "re". Well, pasalamat nalang din ako kasi hindi ako nagkakaproblema sa NSO. Hahaha!
Graduate na ako ng BS Nursing. One of the most common courses ever. Pero di ko talaga trip yon. Napilitan lang ako. Nasa family kasi namin ang nasa medical field. Si Dad, medical director ng isang malaking hospital sa metro manila at si Mom, isang ding kilalang doctor in her field. Gusto sana nila na after ko mag nursing eh mag doktor na daw ako. Since may sarili na akong desisyon sa buhay, I finally had the guts to say "no". Buti tanggap pa din nila.
Ayun, after ko grumadweyt, hindi ko pinractice yung proffesion ko. Nagtayo ako ng business at dun na natuon ang attention ko. Kasosyo ko yung barkada ko, si Donelyn. We sell garments, mostly for females. Dresses, blouses, jumpsuits, pati platforms, doll shoes almost everything. Okay, nagse-sales talk na naman ako. HAHA! Sorry
Eto, simple lang naman ako, kahit may business ako ng mga pampaarte sa katawan, bihira lang ako nagaayos. Simpleng tank top lang at shorts o kaya minsan pants. Ganun lang madalas. Kasi nga naniniwala akong ikaw dapat ang magdadala ng damit mo, hindi ang damit mo ang magdadala sayo.
riiiiiiiiiiiiiinnnnnnnnnnnng!
May tumatawag sa phone ko.
si Donelyn.
"Oy babae! Asan ka na ba?"
"Ha? Ah eh.." Naguluhan ako. "Anong oras na ba? Patay! 8am na! Late na ako!"
"Oo nga! Late ka na bruha ka! Kanina pa ako naghihintay dito. Sabi mo before 8am andito ka na?"
"Sorry na! Eto na papunta na ako." Saka ako dumerecho sa bathroom
May usapan kasi kami, pupunta ako sa bahay niya para gumawa ng letter para sa iniidolo naming banda.
Oo nga pala nakalimutan kong sabihing bukod sa business partners kami ni Donelyn, partners in crime din kami. Parehas kami sa maraming bagay, at isa na dun pareho kaming adik/baliw/ obsessed/lokang loka (okay i know,, nakuha nyo na ibig kong sabihin HAHA) sa bandang "Fair Lily".
Nako! Super gwapo ng mga myembro non! I SWEAR! Si Edward yung vocalist. Super duper ganda ng boses nya. As in. Yung parang kahit "hmmmm" lang kinikilig ka na. Ganon! (okay masyado akong fangirl HAHA) Tapos si Paul yung bassist nila, super ganda ng smile non! Si John yung nasa guitar, tahimik lang yun madalas pero gwapo din sya. Actually mas gwapo sya pag ngumiti. Si Mel yung sa drums sobrang bait nun at saka approachable.
After a while nasa bahay na ako nina Donelyn. Medyo malapit lang kasi bahay nila samin.
"Buti naman andito ka na! Ano? Dala mo na yung gagamitin natin?" bungad sakin ni Donelyn
Mayamaya pa nagsimula na kaming gumawa ng letters.
Matagal na din kaming sunod ng sunod sa Fair Lily. At everytime na pumupunta kami sa mga gigs nila lagi kaming may dalang something for them. Feeling ko nga kilala na nila kami kasi nung nakaraang gig ngumiti samin si Edward. (Nako! Super kilig na kilig kami non!) Ewan kung ilusyon ko lang yon. Never kasi namin sila nalapitan talaga. Inaabot lang namin letters namin sa kanila matapos namin makipagsiksikan sa madaming tao. Pero never yung close encounter talaga.