Chapter 1: The Unexpected News

125 4 2
                                    

Nasaksihan ng yelong pashnea ang paglaki ng mga bagong Sang'gre ng Encantadia na sina Flamarra, Deia, Adamus, at Terra para magsimulang harapin ang bagong suliraning darating sa kanilang kaharian. Handa na silang lumaban at ipagtanggol ang buong Encantadia mula sa mga masasamang nilalang na naghahangad na wasakin ang kapayapaang inaasam-asam ng lahat.

**15th of February, 2019**

     Matahimik ang seremonya na pagbibigay ng basbas sa mga bagong Luntaie ng Encantadia sa pangunguna nina Hara Alena ng Hilagang Lireo at Rama Habagat ng Timog Lireo.

    Tumayo si Alena sa kaniyang kinauupuan at nagsalita sa mga Luntaie,

    "Matagumpay ninyong natapos ang matinding pagsasanay sa loob ng dalawang taon, ngunit mayroon na namang pagsubok na dapat niyong harapin bilang mga bagong Luntaie ng Encantadia. Bawat isa sa inyo ngayon ay bibigyan ng basbas bilang pagiging ganap na Luntaie ng Lireo, Sapiro, Hathoria, at Adamya."

      Pagkatapos, si Rama Habagat naman ay nagwika sa mga kanila, at sa kaniyang pamangking si Deia:

    "Bukod pa sa pagbibigay ng basbas sa inyo, ang mga Brilyante naman ng Encantadia ay ipagkakaloob ng mga Sang'gre Duri-e kagaya namin, sa inyo. Nagkamali man kayo at nabigo sa inyong pagsasanay, patuloy kayong bumabangon at matagumpay kayuong nakapasa sa mga pagsusulit na ibinigay ng inyong menantre sa inyo. Binabati ko kayo, at ikaw Deia, aking pamangkin."

     Tapos na ang kanilang mga talumpati, kaya't sinimulan nina Sang'gre Duri-e Pirena, Danaya, Hara Alena at Rama Habagat na bigyan ng basbas sina Flamarra, Deia, Adamus, at Terra bilang tanda ng kanilang pagiging ganap na mga Sang'gre ng buong Encantadia. Pagkatapos, ipinagkaloob naman nila sa kanila ang mga Brilyante: ang Brilyante ng Apoy ay para kay Flamarra; ang Brilyante ng Hangin ay kay Deia; Brilyante ng Tubig naman ay kay Adamus; at kay Terra ay Brilyante ng Lupa.

    "Ivo Live Luntaie esi Encantadia! Mabuhay ang mga bagong Sang'gre ng Encantadia!" Sigaw ng mga panauhin nang may papuri sa mga bagong Sang'gre at sila ay nagdiwang para sa kanila.

     Habang nagdiriwang ang mga Diwata para sa mga bago nilang tagapagligtas, ang yelong pashnea na naniniktik sa palasyo ay lumipad nang mabilis. Malayo man ang patutunguhan ng yelong pashnea, mabilis 'tong lumipad papunta sa kaniyang mahal na Reyna, si Mitena. Siya ang pinakamakapangyarihang reyna ng yelo at karibal ng Bathaluman ng mga Diwata na si Cassiopea, ang tangi niyang hangarin ay masakop niya ang buong Encantadia.

◇◇◇

    Sa wakas, mabilis na nakarating ang alaga niyang yelong pashnea patungo sa Kaharian ng Mine-a-ve kung saan nakatira ang kaniyang mahal na Hara na si Mitena. Iniunat niya ang kaniyang kaliwang braso at dumapo naman rito ang nagyeyelong pashnea habang siya ay nagmamasid sa kaharian ng Lireo.

    Ngumisi si Kera Mitena at parang mayroon siyang binabalak laban sa mga Sang'gre at mga Luntaie. Sabi niya,"Nagsimula na ang kasaysayan ng mga bagong tagapagligtas ng Encantadia, ngunit nagsisimula pa lang ang aking malamig na paghihimagsik."

    Habang tinitignan hinihimas ni Mitena ang likod ng kaniyang alaga at itinuloy ang kaniyang sinasabi, "Aking alaga, maghintay muna tayo dahil mayroon akong balak na paslangin ang tatlong anak ni Minea at ang kanilang mga Luntaie, at sakupin ang buong Encantadia."

Pagkatapos iyon, ngumiti ulit si Mitena nang masama at bumalik sa kaniyang nagyeyelong palasyo. Tumungo siya sa silid upang tawagin ang bathaluman ng niyebe. Nang matawagan ng Hara ang kinikilala nitong bathaluman ay agad nang kumawala ang liwanag sa estatwang gawa sa yelo. At doon na nagpakita kay Mitena ang bathaluman ng yelo at niyebe, si Khiona.

    "Mukhang hindi masaya ang iyong araw, Mitena," Unang saad ni Khiona.

    Nagsimulang magbigay-pugay ang Hara ng Niyebe at nagsalita, "Mukhang ganun na nga, Bathaluman. Pagka't lumalaki na ang apat na Luntaie ng Encantadia, at binasbasan pa sila ng tatlong anak ng Mineang 'yon, lalo na ng Rama ng mga matatangkad na duwendeng si Habagat. Ngunit ang ikinaiinisan ko lang, ay ang pag-pasa ni Danaya ng korona kay Alena, at ang pagbibigay sa mga Luntaie ng proteksiyon mula sa mga brilyanteng hawak ng mga Sang'gre. Ikinasusuklaman ko ang angkan ng walang kuwenta kong kapatid!"

Encantadia Fanfic Series Presents: The Ice Queen And The Firebird KingWhere stories live. Discover now