Astani, North Lireo
20th February 2018
5 days later
Matahimik ang Pag-uusap ng mga Diwata at ng mga Sapiryan sa Lireo. Sina Mithara, Cassandra, Adamus at Daleya ay kasama sa pagpupulong nila dahil iyo ay utos ng Hara Alena. Tinalakay ni Rama Habagat ng Timog Lireo ang estratehikong paraan ng pagtatanggol sa karatig kaharian ng Lireo para sa susunod na sakuna.Samantala, ang bagong Adoyaneva mor-e na si Assad (anak-anakan ni Cassiopea) ay may kakaibang pangitain. Nakita niya ang hindi magandang pangyayari sa Lireo — ang pananakop ng Reyna ng Yelo sa buong Encantadia at pagpaslang sa mga Luntaie, nabahala siya at agad na pumunta sa Lireo upang iulat sa kanila ang propesiya.
Natapos ang pagpupulong ng dalawang kaharian, ngunit biglang nagpakita si Assad sa mga Sanggre duri-e. Kinuha nila ang kanilang mga sandata at itinarak ito sa Adoyaneva mor-e.
"Sino ka, Encantado? At ano ang iyong pakay?" Pagalit na nagtatanong si Rama Ybrahim sa kaniya. At ang sagot ni Assad:
"Ako ang bagong Adoyaneva mor-e ng Encantadia, kahalili ng aking ina-inahang si Cassiopea. Mayroon akong masamang pangitaing iulat sa inyo, huwag kayong magugulat."
Ibinaba ni Rama Habagat ang kanilang mga sandata at hinayaan niya itong iulat sa kanila ang pangitaing nakita niya.
"Mayroon nang kaanib ang Reyna ng Niyebe ngayon, nakita ko siya sa aking pangitain at nagsasabing sasalakaying niyang muli ang buong Encantadia, lalo na ang Lireo."
"Kilala iyan ng aking I-lo ang Reyna ng Niyebeng 'yan, ina" Tugon ni Adamus kay Alena, "Sasakupin niyang muli ang buong Encantadia sa pagsapit ng taglamig."
Nagtaka ang mga Sang'gre duri-e sa sinabi ni Adamus, tanong ni Hara Alena,"Paano mo nalaman, Adamus?"
Maya-maya, isang Gunikar na biglang sumulpot sa harapan nila at sumagot, "Pasensya na po sa abala, mga Diwata. Ako si Bahadur, ama ni Memfes at lolo ni Adamus. Si Khiona ang bagong kaanib ng Reyna ng Eirania, hangad niya ay ang pagbagsakin kayong mga Sang'gre, at sa mga Luntaie sa pangalawang pagkakataon. Ikinuwento sa akin ng isang misteryosong Encantado mula sa Hilagang Hathoria tungkol sa kanila."
Pagkatapos ay tumahimik ang lahat nang sinabi ni Bahadur tungkol kay Casilda.
"Bahadur? Katulad ka rin ni Memfes?" Tanong ni Danaya. Tumango ang gunikar, at sumagot muli, "Oo, isa rin akong Gunikar. Kaming mga Gunikar ay isa sa mga katutubong Adamyan na nakaligtas mula kay Arvak at kay Ether. Laking pasasalamat namin kay Bathaluman Haliya nang kami ay pinagtanggol niya."
Ngumiti si Alena, at nagtanong, "Kaya, kayong mga Adamyan ay mayroong Bathaluman? At kayo na ang mamumuno sa Adamya?
Saad ni Bahadur,"Hindi lamang si Haliya ang Reyna at Bathaluman ng Adamya, sina Reyna Aman, Savitra, Andira, at iba pang mga Bathala na sinasamba at hinirang naming mga Adamyan."
"Kung gayon, ang Adamya ay naging kaharian na." Tugon ni Hara Alena. Ngumisi si Adamus at nagpasalamat sa kaniyang i-lo sa pagdating nito sa Lireo.
Dagdag pa ni Assad, "Kung maaari, palakasin ninyo ang inyong mga hukbo dahil isang buwan na lamang bago ang pananakop ng Reyna ng Eirania."
"Gagawin na namin ang aming makakaya para sa Lireo, adoyaneva mor-e". Tugon ni Cassandra.
Pagkatapos ay lumisan si Assad patungo isla, na pinaninirahan ng ina-inahan niyang si Cassiopea.
Nakaramdam ng kaba si Daleya nang sinabi ni Assad tungkol sa Bathaluman ng Niyebe at sa pangalawang pananakop nito sa Encantadia. Naglakad siya at pinapakalma niya ang kaniyang sarili sa sandaling mangibabaw ang kaniyang kaba.
YOU ARE READING
Encantadia Fanfic Series Presents: The Ice Queen And The Firebird King
FanfictionCassiopea's twin sister Casilda, the Queen of Eirania sets her sights on conquering Lireo and all of Encantadia. Her wicked intentions involve defeating the heroic sang'gres - Pirena, Alena, and Danaya, along with overthrowing the four new Sang'gres...