Chapter two: Luck
Pagkauwi ko sa amin, nakita ko ang panganay na kapatid— si Maizy. 20 years old na siya, ang paborito at perpektong anak. Natatandaan ko pa dati kung gaano ako kainggit at kagalit sa kaniya.
“Bunso, kumusta klase? Mahirap subjects mo? Tulungan kita 'pag kailangan hihi.”
“Sige ate, pero kaya ko pa naman po.”
Mabait siya, mabait at maganda na kabaliktaran ng mga katangian ko. Matalino rin siya, ito ang dahilan kung bakit siya lang ang pinagmamalaki ng mga magulang ko.
Syempre, dahil bata pa, palagi akong umiiyak tuwing naririnig ko ang mga papuri nila kay ate. Dalawang taon lang ang tanda nito sa'kin subalit pakiramdam ko sobrang layo ng agwat naming dalawa.
Sa school man, simula elementary hanggang highschool ay sa mga mamahaling eskwelahan siya nag-aral. Habang ako'y sa simpleng public lamang malapit sa amin. Ginawa ko ang lahat ng makakaya para maging first honor noon, nagtagumpay ako kaya naman sobrang saya ang aking naramdaman. Tuwang tuwa pa nga akong ibalita kina mama't papa ang naging resulta pero ang sabi nila, kay ate sila pupunta.
Nagkataon kasi na sabay ang graduation niya sa huling baitang ng elementarya sa akin, na grade 4 noon. Siya rin ang valedictorian ng kanilang klase at nakahakot ng limang medal habang ako ay isa lang. Syempre siya ang pipiliin ng mga magulang ko, siya ang kilala ng lahat eh. Ako ay palaging nakatago, hindi ipinagmamalaki.
Nang maghighschool ako nagsimulang magalit sa aking mga magulang at natatanging kapatid. Naaalala ko pa nang minsang sinubukan kong maglayas sa amin at bumalik dahil hindi kaya ang dilim sa daan. Wala mang nakapansin ng sakit na nararamdaman ko sa kanila. O baka hindi.
Isang araw na sinusubukan kong tapusin ang lahat, dumating si ate sa aking kwarto. Tandang tanda ko pa kung paano nanlaki ang singkit niyang mga mata habang tumatakbo papunta sa aking upang kunin ang blade na nagpapadugo sa aking pulso. Iyak ako nang iyak nang maramdaman ko ang kaniyang mainit at mapagmahal na yakap. Pakiramdam ko ay iyon lamang ang tanging bagay na kailangan ko para tumahan.
Grade 9 ng maging malapit kami ni ate. Pinilit ko siya na mangako sa akin na huwag sabihin sa aming mga magulang ang ilang beses na pagpapakamatay na ginawa ko. Mabuti na lamang at pumayag siya at sinabing hindi niya ako iiwan.
Ginawa ko ang lahat para umabot sa with honors at nagpapasalamat ako na apat na sunod-sunod na taon akong pasok rito, dalawang taon sa junior high school at dalawang taon sa senior years.
GAS o General Academic Strand ang kinuha ko. Ito lamang kasi ang mapagpipilian sa school na pinag-aaralan ko dahil ayaw naman akong itransfer ng aking mga magulang. At least kahit papaano, hindi ko na nakikita ang galit sa kanilang mga mukha sa t'wing nakikita ang mga grades ko. Kung dati kasi'y puro line of seven, ngayon ay 92 ang pinakamababa sa subjects ko.
Si ate Maizy ay nag-aral ng grade 11 at 12 sa university na pinapasukan ko ngayon. Agri-Fishery ang kinuha niyang strand. Ngayon ay 3rd year college na siya sa kursong Bachelor of Science in Agriculture
Major in Animal Science. Ito ang pinakuha sa kaniya ng aming mga magulang dahil may business kaming poultry. Kami ang nagsu-supply ng mga puting manok na tinitinda sa mga public markets. Ang kaso, ayaw ni ate sa kurso niyang ito dahil pediatrician ang gusto niyang maging. Wala lang siyang magawa dahil sa kaniya nakaatang ang responsibilidad, hindi bilang panganay kun'di bilang paborito nilang anak. Sigurado naman akong hindi nila ipagkakatiwala ang business naming iyon sa akin. Ni hindi ko pa nga iyon nakikita!Dapat ay dito rin ako mag-aaral, kaso ay wala na raw silang ino-offer na senior high strand, no choice kung hindi maghintay na maging college bago makapasok sa university na ito.
Napakasaya ko na nagkaroon ako ng pagkakataong makapag-aral sa unibersidad na pinapangarap ko lang noon.
Kinabukasan, namamaga ang mga mata dahil sa pag-iyak habang inaalala ang nakaraan, pumasok akong bangag. Mabuti na lamang at walang nakapansin dahil wala naman talaga akong kaclose sa aking mga kaklase malibang sa tatlong makukulit na mga kaibigan.
Kapapasok ko pa lang sa pintuan ng classroom ay nakita ko na ang mga nanliliit na mapanuring mga mata ni Uno, sigurado akong nakita na niya ang mugto ng aking mga mata at humanda na akong mabungangaan niya.
“Hoy bakla! Ano ba namang nangyari sa'yo ah? Sinabi ko na kasi sa'yo, magmake up ka para magmukha ka namang tao!” Gigil na gigil siya pero walang magawa kung hindi hinaan ang boses at palihim akong kurutin sa tagiliran.
“Walang hiya kang bakla ka! Ang sakit ah—”
Gago, sinupalpal niya ako! Ang pakla ng lasa ng kamay niya, kadiri! Ilang make up ba ang dumaan sa kamay nito?
“Ikaw ang bakla! Manahimik ka nga, ang papi Ismael ko baka pumunta na rito. Kainis ka talaga, sinisira mo ang beauty ko ugh.”
“Wow, may beauty ka? 'Saka, anong papi Ismael? Akin 'yon hoy, akin!”
“Nye nye, hindi ka naman niya magugustuhan dahil para kang timang. Ni hindi marunong magmake up, dinaig pa kita ha. Kaimbyerna ang gagang 'to!” May pa-roll eyes ka pa riyan ah, dukutin ko kaya mga mata mo?
Nasaan na ba kasi ang dalawang 'yon, palagi na lang nila akong iniiwang binubully ni Uno. Kaunti na lang talaga kakalbuhin ko na ang baklang ito! Makigaya ba naman ng crush sa akin. Magkaroon ka naman ng originality naku!
Naalala ko pala, Sabado ngayon. Akala namin kahapon wala ng klase kaya naman todo puyat ako. Nakalimutan ko nga lang mag-online dahil sa pagdadrama kaya hindi ko napansin na may announcement pala ng emergency'ng dalawang oras na orientation. Mabuti na lamang at tumawag si Uno sa kalagitnaan ng mahimbing kong tulog. At sa pagmamadali, sabog ang lola niyo.
Ewan ko ba bakit ngayong kalagitnaan pa sila ng semester nagpapa-orientation. Hello, libot ko na po ang buong school!
On the second thought, mukhang hindi pala ako aantukin kahit na puyat ako kagabi. Suskopo, alas dos na nga yata ako nakatulog. Mahaba-habang reminiscing ba naman ang naganap, tignan ko na lang kung tigilan pa ako ng mga memories ko. Mga mareng tigyawat, alam kong hindi niyo na talaga ako iiwan nito!
At ayun na nga, ang speaker namin ay ang super duper at pinakapoging teacher na makikita mo rito, si sir Ismael! Kahit na nakikita ko siya tatlong beses sa isang linggo para sa subject namin sa kaniya, hindi pa rin ako nagsisisi na pumasok ako ngayon.
Wish me luck guys, 'wag sanang tumulo ang laway ko!
BINABASA MO ANG
Until I Say... (#1 of Education Series)
RomanceOn hold. --------- Because of her dream course- Education, Mae Catherine Canlas knew she will be happy. Of course, best friends by her side, nothing will go wrong. But that's only what she thought of. Her life suddenly turned around because of a s...