Prologue
"And that's it everyone. I am your Ms. MC, Mae Catherine Canlas from the college of education!"
Hay, sa wakas ay natapos din ang speech ko! Nandito kami ngayon ng mga kaibigan, sa covered court ng university, pinapalakpakan nila ako habang pababa ng malaking stage. Mga sira ulo!
Malamang ay aasarin na naman nila ako mamaya dahil sa pagkakatulala ko habang nagsasalita sa harap ng maraming tao kanina. Paano ba naman kasi, dumaan yung crush kong teacher namin!
May event kasi ngayon sa school, runway. Pabonggahan at pagandahan ang mga kandidata ng iba't ibang department. At ang sumali para sa amin? Syempre ang isa sa mga bestfriend ko- si Zyra, ang pambato namin sa kahit na Anong pageant. Kapag siya ang isinalang, tapos ang laban. Opo, hindi sa pagmamayabang pero isinilang na ata para sa mga ganiyan ang babaeng 'yon!
At ayun nga, sa unang part, ako ang ginawa nilang M.C. dahil nga wala silang Makuha. Paano ba naman kasi, yung speaker na in-assign nila ay biglang nagkasakit! At itong mga kaibigan ko ay prinesinta ang kawawang si ako para dumada sa stage! Mabuti na lamang ay natapos ko na ang kailangan kong gawin dahil kung hindi ay pag-uuntugin ko talaga ang mga kupal!
Kanina pa nai-announce ang winner at ang Zyra ko ang nanalo sa kabila ng pitong kalahok. Oh 'di ba, pangmalakasan din ang epekto ng isang 'yon eh! Palibhasa'y suki na ng mga beauty contest ay kabisadong-kabisado na ang mga paraan para magustuhan ng manonood.
"Congratulations, senyorita! Pa-pancit ka naman diyan!" Salubong ko sa kaibigang masayang-masaya dahil nahakot ang lahat ng award na ibinigay kanina. Mula sa sports attire, best in ramp, best in talent, best smile, Ms. Congeniality, hanggang sa early bird... wala siyang pinalagpas!
"Oh sige ba! Kita tayo sa condo mamaya ah?"
Mayaman kasi ang bruhang ito kaya kung makapaglustay ng pera ay ayos lang. Ang pamilya niya'y may-ari ng condo buildings mung saang siya nakatira ngayon. Palipat-lipat siya ng tirahan mula nang tumungtong ng high school dahil palipat-lipat din siya ng eskwelahan.
At syempre, hindi rin naman pahuhuli ang Klia ko! Mahihinhin ang babaeng 'to, kabaliktaran ni Zyra, madaldal ang alien na iyon eh. Si Klia ay simpleng babae lang, hindi ko alam kung kailan siya magkakaroon ng boyfriend, nbsb kasi, pareho kami. Sana lang ay 'wag siyang tumulad sa bruhilda naming frenny na halos linggo-linggo ata kung makapagpalit ng kasintahan!
You know sir Ismael? Grabe, sobrang gwapo! Hindi ko nga alam kung paano namin siya naging professor e parang ang bata pa niya. Actually, isa siya sa mga dahilan kung bakit napili ko ang course ko, Filipino rin naman ang tinuturuan niya kaya go!
Susundin ko ang aking pangarap! Charr.
Sa kabilang banda, nang mapabaling ako sa isa pa naming Kasama ay nakita ko ang panirang Uno'ng ito! Kung supalpalin ako, wagas ha! Akala mo naman kung sinong gwapo, para sabihin ko sa inyo, baluktot ito. Oo, hindi siya straight... bended siya!
Bawal na bang matulala dahil nakita ang crush niya? Naku, palibhasa bitter ang mokong eh, kaya sa akin ibinubuntong ang galit. Hello, e kung ibuka mo na kaya ang palpak mo 'di ba? Gustong-gusto pa kasing pinapahirapan ang sarili, tsk.
Nasaan na ba kasi ang dalawa? Iwan ba naman ako sa isang 'to. Libot nang libot, hindi man lang ako sinama. Hoy, mga babae, may naiwan kayong maganda rito.
"Tsk, Uno isa na lang talaga, isususmbong na kita kay tita!"
"Ano ka ba naman bakla, kampi tayo hindi ba? O baka naman gusto mong malaman ni sir pogi ang feelings mo para sa kaniya?" At nasupalpal na namang po ako, bwiset.
"Edi sige, mamimingwit na lang ako ng mga isdang dumaraan sa paligid."
Aba'y sapakin ba naman ako!
"'Yan ang huwag na huwag mong gagawin, Mae Catherine, dahil makikita mong maghalo ang balat sa tinalupan!"
Sabi ko nga po, behave na.
Pero, kapag talaga ako... kapag hindi ako nagka-boyfriend dahil sa ka-istriktuhan ng lalaking ito, ipapakain ko siya sa pating!
BINABASA MO ANG
Until I Say... (#1 of Education Series)
RomanceOn hold. --------- Because of her dream course- Education, Mae Catherine Canlas knew she will be happy. Of course, best friends by her side, nothing will go wrong. But that's only what she thought of. Her life suddenly turned around because of a s...