Prologue

1.1K 38 8
                                    

Prologue

 

Sa bukid walang papel, ikiskis mo sa pilipil

Sabi nang lola ko, makakabuti raw para sa akin ang kumanta ng makaluma kasi kahawig ko siya no’g kabataan niya. Bata pa ako pinagmamalaki na ako ni Lola kasi ako lang daw nakamana ng kanyang kagandahan.

Filipina beauty ang lola ko and unfortunately, ako ang nagmana sa aming magpipinsan.

Hindi naman sa kinahihiya ko ang pagiging Filipina. Pero kung kulay ng kutis ang pag-uusapan, aba mas gusto kong maging Koreana para makinis. Pinapangarap ko kasing mapangasawa si Kim Soo Hyun at hindi ‘yon matutupad kung kulay tsokolate ako. Nabasa ko pa naman sa biography niya na fair skin ang gusto niya sa babae.

Kaya desidido akong magpaputi at maging kasing ganda ni Bae Suzy at Steffi Cheon para matipuhan ako ni Kim Soo Hyun.

Pero paano ko ‘yun gagawin kung lagi akong babad sa araw? Paano na ang aking pinapangarap na maging maputi kung heto ako at tinutulungan ang aking Lola na nagbibilad ng palay.

Probinsyana ako pero hindi ako ignorante sa mundo. Kilala ko si Justine Beiber na syota si Selena Gomez—on and off ang relationship nila. Alam ko din ang wrecking ball ni Miley Cyrus na nagkaro’n pa ng rendition si Mommy D. Mayro’n din akong video na nadownload ko sa youtube tungkol do’n sa #TheNakedTruth. Hindi nakaligtas sa akin ang suot ni Tom Rodriguez at Jake Cuenca.

Pero hindi niyo babasahin ang kwento ko na puros tungkol sa showbiz. Gusto kong malaman niyo na kapag maputi na ako, maari na akong maglandi at mapangasawa si Kim Soo Hyun.

Pero hindi ko akalain na ang palihim kong paglalandi ay hahantong sa problemang hindi kayang solusyunan ng aking kagandahan.

Pag-apak ko sa 3rd year, nilipat ako ni Lola sa isang Private school sa Maynila kung saan conyotic environment ang paligid.

At dahil Tita ko ang Prinsipal, kailangan kong ipagpatuloy ang aking pagiging demure effect para hindi siya magsumbong sa lola. How sad diba? Kailan kaya ako makakapagladlad?

Ayaw ko ng maglakad ng nakaluhod papunta sa altar ng simbahan, iitim tuhod ko. Mahal kaya ang gluta!

Ayaw ko na ding magsuot ng mahabang palda na pwedeng makapatay ng kandila. At lalong ayaw ko ng lokohin ang mga tao sa paligid ko na pinagmamalaki ako kasi napakabuti ko daw na dalaga na maaring ikumpara kay Maria Clara! Compare me to Anne Curtis o kaya Angel Locsin.

Pero lahat nang ito, pagsisisihan ko pala isang araw.

Ang aking kalandian inside ay nagbunga.

Kasi nakaakit ako ng dalawang papa na higit pa kay Kim Soo Hyun!

At doon masisira ang aking reputasyon bilang Demiana Florencia at magiging Demi-landi-pa.

Samahan niyo ako sa aking journey ng puro kalandian.

xxxxxxx

Dedicated to sa aking bestfriend.Thyriza. *O*)/

My Two timer heartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon